Instant click, Bea Alonzo sums up working with Dingdong Dantes and Enrique Gil for the first time

Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni Bea Alonzo sina Dingdong Dantes at Enrique Gil sa pelikulang She’s The One. Pag-amin ng aktres, "Noong una, worried ako.Paano ‘to? ’ Etong dalawang actors na na ito, hindi ko pa sila nakakatrabaho. Unlike si John Lyod [Cruz] o Sam [Milby]. ’Paano magkakaroon ng instant chemistry, I don’t even kn


May dahilan kung bakit naging masaya at magaan para kay Bea Alonzo ang kakatapos na shooting ng pelikulang She’s The One.

Bukod daw sa napakaguwapo ng kanyang dalawang leading men, na sina Dingdong Dantes at Enrique Gil, naging magkakaibigan daw sila kahit ito ang unang pagkakataong nagkatrabaho sila.

Kuwento pa ni Bea sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, pagkatapos ng presscon ng She’s The One noong Lunes ng gabi, October 7, sa Dolphy Theater, naging kumportable ang samahan nila ni Dingdong sa set.

“Nabibiro ko siya. Parang, I feel like hindi ito yung first time [makatrabaho]. Parang nag-click agad.

"Ang dali naming nagkasundo, hindi ako nahihiya sa kanya.”

Ano ang ginawa nila para mag-warm up sa isa’t isa?

“Alam mo, wala kaming ginawa. Parang it just came out naturally,” sagot ni Bea, na ang tinutukoy ay ang magandang working rapport nila ni Dingdong.

ABOUT DINGDONG. Isang pambihirang pagkakataon, kung tutuusin, ang pagsasama nina Bea at Dingdong sa isang proyekto.

Ito ay sa dahilang magkaiba sila ng network na pinaglilingkuran. Si Bea ang isa sa top actresses sa bakuran ng ABS-CBN, samantalang si Dingdong ang itinuturing na Primetime King ng GMA.

Pero si Dingdong ang nag-iisa ngayong Kapuso exclusive contract star na nakakagawa ng proyekto sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Sa katunayan, ang She’s The One ang ikatlong pelikula ng Kapuso actor dito.

Sa isa niyang pelikula para sa Star Cinema, ang One More Try (2012), ay nakasama ni Dingdong ang boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo. Nagkasama rin ang dalawang aktor sa dalawang Kimmy Dora movies bilang leading men ni Eugene Domingo.

Bago ba nakatrabaho ni Bea si Dingdong ay nagtanung-tanong na siya kay Zanjoe kung kumusta katrabaho ang Kapuso actor?

Sabi ng Kapamilya actress, “Hindi ko pa alam na makakatrabaho si Dong, nagkukuwento na si Zanjoe how good an actor he is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang, kung paano napakadali niyang pakisamahan sa set.”

Paano niya napatunayang napakadaling pakisamahan si Dingdong?

“Wala siyang ibinigay na problema, e. Alam mo yung very understanding?

"Alam mo yung DOP [director of photography] namin... hindi niya [Dingdong] pinapabayaan na pangit ang hitsura ko kapag may eye bags ako.

“Naka-set up na, pero ise-set up niya uli para lang maalis yung eye bags ko.

"Hindi siya yung... he’s very supportive, na kahit wala siya sa eksena at hindi siya kita, nandun siya to support me.”

PARTNERS. Nakatulong ba sa magandang samahan nila ni Dingdong ang hindi nila pagkaka-link sa isa’t isa, dahil sa totoong buhay ay may kanya-kanya sila lovelife?

Gaya ng nabanggit, ang boyfriend ni Bea ay Zanjoe. Habang si Dingdong naman ay matagal nang girlfriend si Marian Rivera.

“Oo, saka tapos na kami sa ganun siguro," sagot ni Bea.

"Alam mo yung the audience is smart to know kung ano yung totoo sa hindi?

"So, feeling ko, wala na kami doon sa part na kailangang pakiligin pa namin or bigyan ng illusion yung mga fans na may something.

“Alam mo, yung kung anuman yung nakikita ninyo, ganun kami.”

Naikukuwento ba ni Dingdong sa kanya si Marian?

“Oo. In fact, napaka-sweet pa nga ni Marian. Nagpadala pa siya ng macaroon sa akin with a letter,” banggit ni Bea.

Lumabas na ba sila ni Dingdong na kasama si Marian?

“Hindi pa. Hindi pa nga kami lumalabas. Yung labas lang namin, nung maaga kaming na-pack up. Tapos ang lapit lang ng location namin. So, nag-Centerstage kami.

“Siya, he didn’t stay long kasi meron siyang taping the next day.”

Ang Centerstage ay ang videoke bar, sa Tomas Morato, Quezon City, kung saan isa si Dingdong sa may-ari.

ENRIQUE GIL. Tungkol naman kay Enrique, naaliw daw si Bea sa mga reaksiyon ng young actor sa presscon ng kanilang pelikula noong gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam daw niyang kabado ito, kaya ganun na lang ang naging kilos at pagsagut-sagot nito sa mga tanong ng press.

Pero paano sinuportahan ni Bea si Enrique sa mga eksena nila sa pelikula?

“Gaya rin ng mga ginagawa ko sa iba kapag may mga ganung eksena, professional lang yung atmosphere. Siyempre, I always tell him na, ’Okey lang, huwag kang maano [mailang]. Hindi ako nao-offend.’ Sabi ko nga, it’s part of the job.

"Sabi nga ni Ate Vi, ’It’s part of the job, Ma’am,’" pagbanggit pa ni Bea sa pamosong linya ni Vilma Santos sa pelikulang Ekstra.

Paano naman inihanda ni Bea si Enrique sa kissing scene nila, lalo na’t baguhan pa lang ang young actor sa mga ganitong eksena?

“Ano ba ’yan?” nangingiting napapadyak si Bea habang nagsasalita. Ako naman yung babae, sobra naman kayo! ’Di ba, dapat ako yung inaalala ninyo?

“Parang alalang-alala kayo kay Enrique?” tawa pa ni Bea, na magdiriwang ng kanyang 26th birthday sa October 17.

Nag-usap muna ba sila ni Enrique, o si Direk Mae Cruz ang nag-warm up sa kanila bago gawin ang eksena?

Ani Bea, “Hindi. Nabasa naman yung script. Kasi yung script namin, nari-revise nang nari-revise.

"So, dumarating yung script sa amin an hour before take o during that day lang.

“Pero buo yung story, pero yung scripting, ganun lang. So, yun. Hindi naman siya… somehow, before ko naman ginawa itong pelikulang ito, I knew na kailangang gawin yun.

"Paano magwu-work yung mga characters namin, magkakaroon ng relasyon… Meron bang magkakarelasyon na hindi nagki-kiss? ’Di ba?

“So, I know what’s going to happen.”

ZANJOE MARUDO. Pagdating naman sa estado ng relationship nila ni Zanjoe, nananatili pa rin daw itong matatag.

Yun nga lang, matagal-tagal na raw silang hindi sila nagkikita. Sabi ni Bea, “Parang dalawang kaming hindi… ganun talaga. Naiintindihan naman namin ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos pareho pa kaming hindi ma-call, hindi ma-text. So, it’s really the trust na nagpapa-work sa relationship namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN