TJ Trinidad now "cynical" about politics because of pork-barrel scam

Malayo raw sa kanyang tunay na katauhan ang ginagampanang papel ni TJ Trinidad sa primetime series ng GMA na Genesis. "Medyo volatile kasi siya, e... madaling magalit, may temper talaga," paglalarawan ng award-winning actor sa kanyang role.


Noong May 2013 elections ay natalo ang aktor na si TJ Trinidad nang tumakbo siyang konsehal sa unang distrito ng Pasay City.

"Number 7 ako, e. Hanggang number 6 lang," sabi ni TJ tungkol sa bilang ng mga kandidatong naupo sa puwesto.

Sa palagay ba niya’y may nangyaring "dayaan" kaya siya natalo?

"Well, alam mo, it’s something na... hindi mo naman masasabi na wala.

"Ang hirap patunayan na meron, di ba?"

Halos dalawang libo lang daw ang naging lamang ng nasa ika-anim na puwesto sa kanya.

"But, okay na sa akin, e. I ran independent. I had no party.

"Wala kaming pera. Ang main focus namin was house to house [campaign].

"So, ang dami kong nakita," sabi ni TJ.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ sa presscon ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Genesis, kagabi, October 8, sa Sequoia Hotel, Timog Avenue, Quezon City.



LESSONS IN POLITICS. Patuloy niya, "Kaya ngayon, galit na galit ako dahil sa pork-barrel scam!"

Naging honest si TJ sa kanyang saloobin laban sa katiwalian sa gobyerno, tulad ng marami pang taga-showbiz.

"Tapos, you wonder, nasaan [ang funds]... You wonder kung gaano karami ang taong matutulungan, di ba?"

Naapektuhan bang lalo si TJ, sa puntong hindi na niya gustong tumakbo uli sa anumang posisyon sa susunod na eleksiyon?

"I guess, hindi naman completely. But I’m very jaded na.

"I’m very cynical about it. Ang hirap, because you have to compromise no matter what.

"And then, you can see that now, di ba?

"Ang ginagawa ng mga personalities involved, they’re just throwing mud at each other.

"And you know, of course, one is saying, ’This is not true!’

"You don’t know what to believe anymore.

"But one thing, for me, is certain," wika pa ni TJ. "That, somehow, even if you’re in the administration or you’re opposition, somehow, somewhere, there is still compromise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And that’s the reality of it, e."

PUBLIC SERVANT, NOT POLITICIAN. May distinction ang karakter ni TJ sa indie film niyang Sana Dati, between being a politician and a mere public servant.

Na mas gusto raw nitong maging "public servant" kaya tumalikod sa pulitika.

Sa totoong pangyayari, nang tumakbo si TJ bilang konsehal, sabi niya, "That was the distinction I was trying to make during my campaign.

"At this point, siguro [it rings true].

"But I shot that [Sana Dati] before the campaign. So I was still idealistic then."

PEP told TJ that should he continue and give politics another try, who knows, he might make a difference?

"We’ll see, but now, I don’t know," pag-aatubili niya.

"Nakakalungkot tingnan, because we have these people, supposed to be the trusted officials, who we trust with our money...

"I mean, pinag-taping-an ko ’yan, hindi lang isang araw, kundi maraming araw! Di ba?

"Nagbabayad ako ng tax tuwing April. And then, nagiging pambayad lang ng bahay ng isang tao, nagiging kotse ng isang tao?!

"And, you know, I just wanna... at this point in time, I know that everyone is innocent until proven guilty.

"So, I wanna know who the guilty party is, exactly!

"Who are involved, sana they are made accountable for their actions!"

Umaasa raw si TJ na magkakaroon ng mabilisang proseso ang kasalukuyang imbestigasyon at gagawing paglilitis sa mga nasangkot sa billion-peso pork barrel o PDAF scam.

GENESIS. Samantala, interesante para sa premyadong aktor na si TJ Trinidad ang papel na ginagampanan niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Genesis.

Malaking kaibahan daw kasi ito sa tunay niyang pagkatao.

"Medyo volatile kasi siya, e... madaling magalit, may temper talaga," paglalarawan ni TJ sa kanyang role.

Bilang si Paolo de Guzman, siya ang pinakasalan ni Raquel Hernandez, ang bidang babaeng karakter ni Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nananatiling si Isaak Salvacion, ang bidang lalaking karakter ni Dingdong Dantes, ang totoong minamahal ni Raquel.

At dito nagsimula ang mga pagbabago. Sa labis na pagmamahal at siphayo, sanhi ng katotohanang natuklasan, TJ’s character resorts to wife-beating.

"Medyo violent yung pagma-manifest ng frustration niya, which is not right.

"[The role] is challenging, but I never did hit a woman!" sabi pa ni TJ tungkol sa kanyang role.

THE REAL TJ. Sa totoong buhay, si TJ—o Raul Fenstad Trinidad, Jr., 39 years old—ay kasal sa negosyanteng si Marga Vargas.

Ikinasal sina TJ at Marga noong 2011. Mayroon silang isang supling, si Alonso Trinidad, one year old.

Mas normal daw ang takbo ng buhay ni TJ bilang isang pamilyado, kumpara sa ginagampanan niya sa bagong drama series.

"Yeah, sa bahay lang ako, e," nakangiting sabi niya.

Gayunman, nakakadama si TJ ng kaibhan, tuwing lumalabas sila ng kanyang pamilya.

Hindi kakaiba ang karanasan niya sa iba pang aktor na kilala ng publiko.

Sabi ni TJ, "People recognize you, and you just have to respect that fact, as well.

"I mean, normal lang naman ang may magpa-picture sa akin, so it’s just a matter of being able to do that and accommodate.

"But, may space din na kailangan, so almost always, naa-accommodate."

TEN YEARS. This year, eksaktong sampung taon na sa showbiz o sa kanyang pagiging aktor si TJ.

Nagsimula siya bilang co-actor nina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa teleseryeng Basta’t Kasama Kita (2003) ng ABS-CBN.

Pagbabalik-tanaw niya, "That time, I felt so awkward. Siyempre, it’s very intimidating to act with them.

"Magagaling sila, so parang tumataba yung dila ko. Hindi ako makasalita.

"First ko yun."

Bago siya pumasok sa showbiz bilang aktor, modelo, at singer din, "I was part of the corporate world [telecommunications business]. I was into marketing, which was what I took up in La Salle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEASONED ACTOR. Ten years later, TJ is considered one of the more seasoned actors sa telebisyon, na pinagtiwalaan ng GMA ng isang mahalagang papel sa isang major drama series—ito ngang Genesis.

Bukod dito, sumubok din si TJ na gumawa ng isang independent film, ang Sana Dati (If Only), which currently competes in the Busan International Film Festival in South Korea.

Mula ito sa panulat at direksiyon ni Jerrold Tarog. At big winner sa 9th Cinemalaya Filmfest ngayong taon ang pelikula.

Kabilang sa naparangalan ang pagganap dito ni TJ, bilang Best Supporting Actor.

"Yeah, I’m very, very proud of that!" bulalas ni TJ.

May kuwento naman ang hindi niya pag-attend sa awarding ceremonies.

"Yeah, first of all, kasi walang nominations [na ipinaalam].

"And that night, wala akong yaya, so I was taking care of my son.

"He’s a baby, just turned one year old that time. Of course, I take care of my baby, di ba?

"So, yun, they just called me up," sabi ni TJ, na ang ibig tukuyin ay ang pagbabalita sa kanya ng mga kasamahan sa pelikula na nanalo siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN