Rhian Ramos makes time for boyfriend KC Montero despite busy schedule

Rhian Ramos looks to her single-parent mom as inspiration for her role as a mother in Genesis.


Trabaho muna bago ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Ito ang naging pahayag ni Rhian Ramos nang tanungin siya ng entertainment press kung gusto na rin ba niyang maging isang ina, tulad ng karakter na ginagampanan niya sa bagong primetime teleserye ng GMA na Genesis.

“Not naman just yet, kasi I just feel like I have so much to do,” nakangiting sagot ng 23-year-old actress nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Genesis kagabi, October 9.

Dagdag pa niya, "Parang after the past couple of years, I feel like I’m excited to work a lot. I just wanna work a lot."

Bagamat wala pang karanasang maging isang ina, kampante naman si Rhian na nagagampanan niya nang maayos ang kanyang karakter.

Sabi pa niya, “I think you can compare naman a love for your child to other kinds of love.

“For example, I also used my mom as an inspiration.

"Kasi si Raquel at saka yung mom ko, parang they’re kinda similar wherein they sacrifice for their kids.

“Naramdaman ko ‘yon because my mom is a single parent.

“You know, I grew up seeing the way she is, so I also kinda used her as an inspiration for Raquel.”

Natutuwa rin si Rhian dahil itinuturing niyang bagong challenge, bilang aktres, ang kanyang role bilang Raquel sa Genesis.

“I love it kasi parang it adds a new dimension to the character.

“Ayun nga, I’m always looking to do a character na bago naman,” sabi niya.



TIME WITH KC. Bukod sa Genesis, abala rin ang Kapuso actress sa ginagawa niyang indie film, na ayaw pa niyang ibigay ang mga detalye sa press.

Dahil sa pagiging abala sa trabaho, mas kakaunti na ang oras ni Rhian para sa kanyang lovelife.

Gayunman, hindi raw niya hinahayaang mawalan siya ng oras sa kanyang boyfriend na si KC Montero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nagkaroon kami ng a lot of time to spend with each other before indie film.

“Kasi, two weeks pagkatapos ng Indio, Genesis na. Not a lot of people knew, but we’re working on it already.

“So, two weeks lang yung break ko.

“Pero, yun na nga, nasanay na rin siya na lagi akong nagwo-work. Pero during my free time, we go on a date.”

Kahit maraming ginagawa, sabi pa ni Rhian tungkol kay KC sa huli, “I guess he also keeps me young na din.

“I don’t know, parang he’s really my best friend.

“Parang we have a relationship na based on a lot of trust and support and love and fun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN