Paolo Bediones laughs off rumored romance with Grace Lee

Paolo Bediones does not believe in prenuptial agreements. Here’s why: "I think that’s the risk, e. Kasi, kung hindi ka willing mag-risk, ’di ba, at the end of the day, pera lang ’yan at paghahatian ninyo dahil mag-asawa kayo."


Nilinaw ng TV5 news anchor na si Paolo Bediones ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Grace Lee.

Matagal nang nababalitang may namamagitan diumano sa dalawa, maliban sa pagiging magkatrabaho nila sa TV5 News.

Sabi ni Paolo sa PEP.ph (Phillppine Entertainment Portal), “Ay, hindi, nakakatawa ‘yan!

“Yung mga co-host namin, in the beginning, nung sumali pa lang siya sa Good Morning Club, parang pini-pair kami.

“But, pinagtatawanan na lang namin.”

Pagpapatunay pa ng TV personality, “She has a boyfriend now.”

Bakit hindi niya niligawan si Grace noong natutukso sila sa isa’t isa?

“Meron na siyang special someone noon, pero hindi pa sila. Ako, hindi ako pumapasok sa banyo pag occupied,” makahulugang sabi niya.

STATUS: SINGLE. Sa kasalukuyan ay single si Paolo. Mahigit isang taon na raw siyang walang girlfriend.

Sa dami ng mga na-link noon sa kanya, wala ni isa man ang napabalitang plinanong pakasalan niya.

Kaya naman ang tanong ng PEP: may takot ba siyang magkaroon ng commitment o bumuo ng sarili niyang pamilya?

“Hindi,” tanggi ng 39-year-old news anchor.

Dagdag niya, “May mga goals tayo sa buhay. At, para sa akin, at this stage in my life, yung goal na yun ay mabigyan ng bahay ang pamilya ko.

“Nagawa ko na yun this year, and now I can think about myself.”

Ilang taon pa ang hihintayin ni Paolo bago siya magpakasal?

“I’m turning forty next year. Hopefully, by then, may makilala na ako.

“Dapat by next year, pamilya na ang iniisip ko,” sabi niya.

Ibig sabihin ba nito, sa susunod na taon ay magpapakasal na siya?

“Malay mo? I don’t believe in long engagement naman, e.”

Kung sakaling magkaroon siya ng karelasyon sa mga susunod na buwan, ito na ba ang babaeng pakakasalan niya?

“Oo naman. Pero siyempre, may konting engagement, pero huwag naman yung mga sampung taon. Mga less than a year or a year, puwede na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw idini-date ngayon si Paolo.

Naghihintay lang daw siya kung sino ang susunod na darating sa buhay niya at magpapatibok ng kanyang puso.

Sa bilang ni Paolo, nakaka-pitong seryosong relasyon na siya.

Ang pinakamatagal ay umabot sa apat na taon. Ang pinakamaikli naman ay umabot lang ng dalawang taon.

Tumanggi nang magbanggit ng pangalan si Paolo kung sino sa mga naging kasintahan niya ang umabot sa apat na taon.

PRENUPTIAL AGREEMENT. Kilala si Paolo bilang masinop sa kanyang mga kinikita.

Noong nasa GMA pa lang si Paolo ay nakabili na siya ng sarili niyang tahanan.

Sa panahon ngayon ay maraming celebrity couples ang nagkakaproblema sa conjugal properties dahil sa kanilang paghihiwalay.

Kapag magpapakasal ba si Paolo ay gusto niyang magkaroon muna sila ng prenuptial agreement ng kanyang mapapangasawa?

Saad niya, “Tungkol sa kayamanan? Siguro praktikalan na rin in a certain way. Pero I don’t ever want a marriage to be… parang lagyan ng bahid ng doubt, e.

“Kasi, that’s what prenup is, e. Parang, ‘Hoy, just in case maghiwalay tayo…’ Di ba?

“Ako, medyo hopeless romantic. Pag pumasok ako sa ganung klaseng relasyon, forever na ‘yan. Hindi yung, ‘In case na hindi tayo mag-work out, prenup tayo, ha?’

“And that’s what the prenup is, personally, para sa akin, parang safety measure.

“Sa tingin mo ba, bakit naghiwalay itong mga sinasabing showbiz personalities?

“Ibig bang sabihin, kung meron silang prenup, they’re still together?” nangingiting tanong ni Paolo.

Dagdag niya, “Well, kanya-kanyang paniniwala ‘yan, e. I don’t believe in prenup, e.”

Paano yung mga naipundar at pinaghirapan niya kung sakaling hindi magtagal yung marriage niya?

“I think that’s the risk, e. Kasi, kung hindi ka willing mag-risk, di ba, at the end of the day, pera lang ’yan at paghahatian ninyo dahil mag-asawa kayo.

“Iba naman yung annulment sa divorce, e. So, yung ‘yaman,’ sa divorce lang ‘yan pinaghahatian, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag nagpakasal ba siya ay ipapaalam niya sa publiko o itatago niya ito sa marami?

Sabi ni Paolo, “For sure, ang press ang unang makakaalam pag ikakasal na ako—that’s number one.

“Number two, hindi naman sa magpapa-presscon ako. But, definitely, I’d like to know what my future wife would appreciate.

“Kung gusto niya ng malaki, e, di malaki. Once in a lifetime lang ‘yan. Kung gusto niya ng maliit at intimate, e, di maliit.

“Pero malaking bahagi sa akin ang show business, malaking bahagi sa akin ang news. So, dapat magkasundo kami.”

At kung si Paolo ang masusunod, tatlong anak ang gusto niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN