Randy Santiago defends brother Raymart against drug allegations by Claudine Barretto’s camp

Bagamat buo ang suporta ng pamilya Santiago kay Raymart, kaugnay ng pinagdadaanan nitong problema sa asawang si Claudine Barretto, sinabi ni Randy Santiago (nasa larawan) na iiwasan na nilang magsalita o makialam pa para hindi na lumaki ang isyu.


Naging matipid si Randy Santiago sa kanyang mga sagot nang matanong tungkol sa isyung kinasasangkutan ng bunsong kapatid na si Raymart Santiago at ng asawa nitong si Claudine Barretto.

Una na rito ang hinggil sa paggamit diumano ng ipinagbabawal na gamot ni Claudine, na pinatotohanan naman ng kapatid ng aktres na si Gretchen Barretto.

(Read: Raymart Santiago claims wife Claudine Barretto is a drug user)

(Read: Gretchen Barretto to parents Mike and Inday: "We hear Claudine’s cry for help. Why can’t you?")

Bilang sagot naman ng kampo ni Claudine, hinamon ng mga ito si Raymart na sumailalim din sa drug test para mapatunayang hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

(Read: Claudine Barretto denies Raymart Santiago’s allegation that she is a drug user)

(Read: Raymart Santiago accepts Claudine Barretto’s dare to undergo drug test; appeals to in-laws: “Huwag na nilang kunsintihin.")

Ipinagtanggol ni Randy si Raymart sa paratang na gumagamit ito ng droga.

Sabi ng singer/actor/director, “Kahit kaming lahat—lahatin ko na yung buong pamilya namin—kahit ngayon, wala kaming, kumbaga, walang history na may ganung whatever, so yun.

“Kaya lang, siyempre..." biglang putol ni Randy sa sarili.

Dagdag niya, "Walang kakuwenta-kuwenta, huwag na nating pag-usapan ’yan.

"Kumbaga, sila na lang ang nag-uusap tungkol do’n."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Randy sa Marikina Sports Complex noong Linggo, October 6, kung saan ginanap ang ASAP, para sa selebrasyon ng ika-60 anibersaryo ng Kapamilya network.

Sinundot muli ng tanong ang singer-host sa kung nalulungkot siya sa drug issue sa mag-asawang Raymart at Claudine.

Sagot ni Randy, “Ayaw na naming makialam sa mga ganyang isyu, e. So, pakinggan na lang natin kung ano ang statements nila.”

MISINTERPRETED. Natanong din si Randy kung mayroon ba siyang sama ng loob kay Claudine, lalo pa’t tinawag siya at ang iba pa niyang mga kapatid na "bullies."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang sama ng loob, e,” sabi niya.

“Unang-una, siyempre, ang kasama naman niya, si Raymart, hindi naman kami.

“In as much as pamilya kami, siyempre, at the end of the day, sila ang nagsasama sa iisang bahay.

“Kung paano sila nagsama for the past [seven] years, sila lang ang nakakaalam.

“Andito lang kami, umaalalay sa kanilang dalawa.

"Desisyon nilang dalawa kung anuman yung desisyon nila. Siyempre, nasa kanila rin.”

Nasaktan ba siya sa pahayag ni Claudine tungkol sa kanya?

“Precisely, kaya ayoko nang nagsasalita pa,” mabilis na sagot ni Randy.

“Baka kung ano na naman yung sasabihin, e, wala naman akong sinasabi talaga kundi…"

Sa puntong iyon ng panayam, tinukoy ni Randy kung ano ang magiging kalalabasan ng panayam sa kanya.

“Ito lang ang sinasabi ko. Kung paano ito puputol-putulin sa TV, hindi ko alam, di ba?

“So, malalaman natin kung paano ang editing nito."

Tila ang inaalala ni Randy ay baka mabago ang nilalaman ng kanyang pahayag kapag ito ay inilabas na sa telebisyon.

Tungkol pa rin sa pagtawag sa kanyang "bully" ni Claudine, “Alam mo, nagtataka ako, bakit naging bully ako?

"Never akong nagsalita against anybody for that matter.

“Di ko alam [kung paano] pinalabas sa kanya or something, sabi ko, ‘Bahala sila.’”

Ibig niyang sabihin ay mali ang interpretasyon sa kanyang mga sinabi noon nang tanungin siya tungkol kina Claudine at Raymart?

“Oo. As much as possible, bilang kuya, basta andun lang kami. Supportive… gusto lang namin na maayos sila.”

(View video: Randy Santiago on Raymart Santiago and Claudine Barretto’s issue: "Sana ma-settle nang maayos.")



FOR THE KIDS’ SAKE. Suportado raw ng pamilya Santiago si Raymart sa laban nito kay Claudine.

Pero nilinaw ni Randy na umaasa silang magkakaayos ang mag-asawa para na rin sa kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

“Suporta namin sa aming kapatid, siyempre ganun na lang. And, of course, sana maayos na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, mula nung kung ano pa yung maraming naririnig at lumalabas, ang mahalaga, siyempre, maayos nang maigi at para mapagtuunan ng pansin ang mga bata.

“Bilang kapamilya namin, siyempre gusto namin na maayos nang maayos.

“Kung ano man yung gulo, kung ano man ang pinagdadaanan nilang dalawa, yung maayos sa mas magandang paraan.”

Dagdag pa ni Randy, “Kami nga, hindi na kami nagsasalita, di ba? Gusto namin hindi na nagsasalita.

“Para sa part namin, kayang-kaya na ni Raymart ‘yan, so nandito lang kami sa likod.

"As much as possible, hindi na kami nagsasalita.”

Kumpiyansa rin si Randy na kakayanin ni Raymart ang kinakaharap nitong pagsubok ngayon.

“Ayoko nang magsalita. Basta ang importante, nasa tamang pag-uusap ‘yon at kakayanin.

“May mga lawyers naman siya na magsasalita para sa kanya,” sabi ng 52-year-old performer.



“AYAW NAMIN NG GULO.” Samantala, kinumusta naman kay Randy ang mga anak nina Raymart at Claudine na sina Sabina at Santino.

“Hindi ko alam, e.

“Honestly, siyempre ayoko talagang ipasok yung sarili ko sa sitwasyon, para lang wala nang masabi.

“Alam n’yo naman, di naman kami nagpe-Facebook, di naman kami nagtu-Twitter, di naman kami nag-i-Instagram.

"Ayaw namin ng gulo,” sabi ni Randy.

Umiwas na ring sagutin ni Randy ang tungkol sa isyu ng pera sa pagitan nina Raymart at Claudine.

Sabi ni Randy, “Kung anuman ang ipon, silang dalawa ‘yon. Silang mag-asawa, di ko alam kung ano ang pinag-uusapan.”

Naniniwala ba siya na sa bandang huli, the truth shall prevail?

Sagot dito ni Randy, “Gusto kong ibalik ang tanong sa inyo: Kayo ba confident?

“Ganun din. Kung ano ang tinatanong n’yo sa akin, ganun din ang itatanong natin sa kanila.

“Kung ano ang pagkakakilala ninyo kay Raymart. Magagawa ba ni Raymart ito, kung anu-ano pa, di ba?

“Kung ano ang pagkakakilala n’yo kay Raymart, bahala na kayo. Husgahan n’yo na lang siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN