Ramon Christopher Gutierrez cautions daughter Janine, it’s tough mixing love and career

Ramon Christopher mulls the formidable background of her daughter Janine, now that she is faced with greater challenge as a teleserye lead star: “Advantage kasi yung pundasyon mo ay naroon na—yung nakilala na siya na anak namin ni Lotlot [de Leon], apo ni Nora, apo ni Pilita. Ganoon. Pero disadvantage din, kasi yung expectations sa iyo ng tao ay ano agad... mataas.”


Hanggang ngayon ay mainit-init pa ang mga balita tungkol sa hiwalayan ng mga showbiz couples.

Hindi tuloy maiwasang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ramon “Monching” Christopher ang tungkol sa estado nila ng dating asawang si Lotlot de Leon.

Matatandaang pinag-usapan din nang husto ang kanilang paghihiwalay dahil nadawit pa ang kanyang ina na si Pilita Corrales sa kontrobersiya.

Nahantong sa annulment ang kanilang kasal noong May 2008.

Kuwento ni Moching sa PEP, “Okay naman na kami, lalo ‘pag ang tungkol sa mga bata ang pinag-uusapan. Matagal na rin kasi kaming naghiwalay, kaya ngayon mas madali na kaming nagkakaintindihan.

“Wala nang konting galit, whatever, tampo—lumipas din. Mas maganda, mas magaan.

“Siyempre, alam mo na, na kung kailangan siyang kausapin tungkol sa mga bata, walang problema.”

Kamakailan nga ay umalingawngaw ang mga balitang hiwalayan nina Sunshine Cruz at Cesar Montano pati kina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Nagbigay si Monching ng kanyang saloobin tungkol sa showbiz couples na naghihiwalay.

Saad niya, “Ang importante kasi ay respect. Kung hindi na kayang magsama talaga, then you continue to respect each other.

“Darating din yung time na maghihilom din ‘yan—magse-settle down. Ang mga lalaki naman, hindi naman talaga sila masalita para hindi na nakakasakit, di ba?

“Kay Lotlot naman, kung saan siya happy, okay. Basta, ingat lang lagi.”


SHOWBIZ CHILD. Masaya si Monching sa magandang takbo ng career ng anak nila ni Lotlot na si Janine Gutierrez.

Si Janine ang lead star kasama si Elmo Magalona sa remake ng teleseryeng Villa Quintana ng GMA Network.

Ang origihinal na Villa Quintana ay ipinalabas noong 1995 na pinagbidahan nina Donna Cruz at Kempee de Leon.

Ang magsing-irog sa serye na Lynette at Isagani ay siya namang gagampanan ngayon nina Janine at Elmo.

Pagmamalaki niya, “Haping-happy ako para sa anak ko.

“Siguro matagal din niyang itong hinintay at bilang magulang, pangarap ko ito para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon focused na talaga siya sa career niya pagkatapos niyang mag-graduate sa Ateneo.

“Sana, heto na nga yung katuparan ng kanyang wish. All along, gusto rin niya talagang maging aktres tulad ng nanay niya.

Dugtong pa niya, “I’m very proud of her, kasi, tingnan ninyo, unti-unti na ring nasasanay, e.

“Gusto ko pa ring maka-try siya ng iba-ibang roles. Siguro, darating din ‘yan.”

Bilang ama at bilang isang aktor, ano ang madalas niyang ipayo sa kanyang anak?

Tugon ng That’s Entertainment alumnus, “Ang lagi kong payo sa kanya is to stay grounded always, di ba?

“At saka yung maging professional, matutong makisama ng mabuti sa mga ka-trabaho.

“Yung sa acting naman... sa akin kasi, yun ay kailangan niyang matutunan sa mga ka-trabaho niya, sa pag-experience niya. Yung ganoon.

“Siyempre, always read her script and prepare.”


FAMILY OF STARS. Masasabing nasa dugo ni Janine ang pagiging artista dahil napapaligiran siya ng mga kamag-anak na batikan sa industriya.

Sa mga Gutierrez at de Leon ay mahaba ang listahan ng mga artistang galing sa kanilang angkan.

Sa mga Gutierrez, bukod sa kanyang ama, naroon sina Tonton Gutierrez, Richard Gutierrez at Ruffa Gutierrez.

Pati na ang lolo niyang si Eddie Gutierrez at lola na si Pilita Corrales.

Sa panig ng mga de Leon naman, bukod sa inang si Lotlot ay nandiyan sina Ian de Leon at Matet de Leon.

Kabilang pa rin ang lola niyang Superstar na si Nora Aunor at lolo na si Christopher de Leon.

Malaking advantage ba kay Janine na nasa dugo nito ang pagiging artista?

Sabi ni Monching, “Minsan, advantage siya, pero, minsan, disadvantage din.

“Advantage kasi yung pundasyon mo ay naroon na—yung nakilala na siya na anak namin ni Lotlot, apo ni Nora, apo ni Pilita. Ganoon.

“Pero, disadvantage din kasi yung expectations sa iyo ng tao ay ano agad... mataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, siyempre, kung ano yung kakayahan niya, yung talent niya, paghusayin na lang niya.

“Sabi ko naman sa kanya, in due time ay matutunan naman niya lahat ‘yan.

“Hindi naman kami nagsimula na magaling na magaling na kaagad.”


RIGHT AGE. Paano naman kung ma-in love na ang kanyang anak na si Janine, papayagan na ba niya?

Sagot ng ama ng Kapuso star, “Nasa right age naman na ang anak ko. She’s twenty-four.

“I think wala namang problema sa akin, well-guided naman siya ng kanyang nanay.

“Siyempre, bilang ama, ang hangad ko naman sa anak ko ay maging maligaya siya sa buhay.

“Pero sa ngayon, with her new project, hindi ko alam kung may panahon pa siyang ma-in love.

“Siguro, ma-in love sa career niya, oo—it’s all up to her.

“Ang payo ko sa kanya, ‘Mahirap pagsabayin ang dalawa.’ Siguro for now, enjoy niya na muna ang career niya.

“May time naman sa personal niyang buhay, pero sana, bilang ama, ‘wag na muna.”


NEW BREED. Napagtuunan naman ng usapan ang tungkol sa mga baguhang artista ngayon, ano ang masasabi ni Monching?

“Ang gagaling nila!” bulalas niya. “I think, they’re taking their careers seriously.

“Dito nga sa Sunday All Stars [SAS], ang seseryoso nila. Kami noon sa That’s... noong una, palaru-laro lang hanggang after a while ay saka nagiging seryoso.

“Pero, happy ako na yung mga artista noon ay unti-unti they’re coming back.

“Yung iba ay nawala, nangibang-bansa, tapos, bumabalik. So. siyempre, masaya ako kapag nakikita ko na nagbabalik-artista rin sila.

“Iba na ang roles na ginagampanan nila pero makikita mo yung craft na pinaghirapan nila... nags-shine talaga.

“Doon ako proud sa mga dating artista,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN