Edgar Allan Guzman overjoyed by his relationship with Shaira Mae dela Cruz

Edgar Allan Guzman says he has become more mature, more understanding, because of girlfriend Shaira Mae dela Cruz.


Feeling nasa “cloud nine” daw ang pakiramdam ng young actor na si Edgar Allan Guzman dahil sa relasyon nila ng Artista Academy alumna na si Shaira Mae Dela Cruz.

“Okey naman masaya, bago, iba sa dati,” bungad ni Edgar nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Shaira Mae.

Dagdag pa ng Kapatid actor, “Yun lang ang masasabi ko, basta sobrang saya ko ngayon, ibang-iba.

“Ayoko na magkumpara sa mga nakalipas kong relationships, pero iba ngayon.

“Basta, happy ako every time na kasama ko siya, at alam kong happy din naman siya pag kasama ako.

“Sobrang saya ko sa kanya. Marami kaming bagay na napagkakasunduan.

“Basta, every time na magkasama kami, masaya lang.”

Ano ang mga nabago kay Edgar nang maging karelasyon niya si Shaira Mae?

“Mas naging mature na ako. Alam ko na kung papa’no i-control yung sarili ko sa pakikipagrelasyon.

“Marami akong natutununan ngayon. Hindi na gaanong mainitin ang ulo ko. Hindi na rin ako gaanong nagseselos.

“Iniintindi ko na lahat. Alam ko na kung papa’no i-handle ang isang babae.”

Sa palagay ba ni Edgar ay si Shaira Mae na ang huling babaeng mamahalin niya?

Sagot niya, “Mahirap kasi magsalita ng tapos. Sa ngayon, oo, masasabi ko na siya na talaga.

“Pero hindi kasi natin hawak ang panahon. Hindi natin malalaman kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na buwan o taon.

“Hayaan na lang natin dumaan ang mga taon.

“At pag kami pa rin at tumagal nang matagal na matagal, at umabot na sa puntong gusto na naming magpakasal, siguro dun lang namin masasabi na kami na talaga ang magsasama hangang sa pagtanda namin.

“Sa ngayon kasi, napakaaga pa. Seven months pa lang kami at kinikilala pa namin ang isa’t isa.”

GETTING APPROVAL. Pagdating ba sa kanilang mga proyekto ay kailangan nilang magpaalam sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi!” bulalas ni Edgar.

“It depends on our manager naman, e. Tsaka labas naman kasi yung personal naming relasyon sa mga trabaho namin.

“Nagkukuwentuhan lang kami about our new projects, pero hindi ibig sabihin, ipapaalam namin sa isa’t isa at hihingi ng approval kung tatanggapin namin.

“May mga manager kaming mas nakakaalam kung maganda ba yung proyektong ibibigay sa amin."

Pero, ayon kay Edgar, kung sakalin gumawa siya ng sexy scene sa isang pelikula o soap opera ay ipapaalam niya ito sa kasintahan.

“Oo, siguro ipapaalam ko lang sa kanya para alam niya. Pero hindi to the point na pipigilan niya ako.

“Ipapaalam ko lang para alam niya, pero ako pa rin naman yung magdedesisyon sa gagawin ko pagdating sa pagtanggap ng project.

“If ever na magkaroon din siya ng ganung eksena sa mga projects niya, papayagan ko siya. Kasi trabaho lang naman yun at maiintindihan ko yun.”

JOHLAN VELUZ. Bago si Shaira, matagal nakarelasyon ni Edgar ang dating SexBomb dancer na si Johlan Veluz.

May communication pa ba sila ni Johlan?

Sagot ni Edgar, “Wala na. After na magtapos yung relasyon namin, wala na kaming komunikasyon. Mas maganda kasi yun para mas madali kaming maka-move on.

“Alam ko naka-move on na rin siya, at ganun din ako. Naririnig ko naman kasi na masaya na siya ngayon, at ganun din naman ako.”

Pero naging maayos ba ang pagtatapos ng relasyon nila at nananatili silang magkaibigan?

“A, oo, naging maayos naman yung naging pag-uusap namin nang magdesisyon kaming maghiwalay na,” sabi ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN