Janine Gutierrez surprised by overwhelming support for her teamup with Elmo Magalona

The late rapper Francis Magalona, father of Elmo, and actor Ramon Christopher Gutierrez, father of Janine, were together in the hugely popular teen movies, Bagets 1 and Bagets 2, in the mid-1980s. Elmo and Janine are brought together as the love team in the GMA 7 remake of Villa Quintana.


Ilulunsad na bilang pangunahing bida ang actress-TV host na si Janine Gutierrez.

Sila ni Elmo Magalona ang lead stars sa remake ng drama series na Villa Quintana, na unang ginampanan nina Donna Cruz at Keempee de Leon.

“Sobrang saya ko po! Talagang ipinagdasal ko po na magka-project and then, sobrang sinuwerte po ako na ito pa yung napunta sa akin,” pahayag ni Janine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, October 9.

Ikinagulat daw ni Janine na siya ang napili na maging bidang aktres sa bagong version ng Villa Quintana.

Marami na raw ang may alam nito, pero isa siya sa huling nakaalam na sa kanya ang nabanggit na proyekto.

“Opo, hindi ko pa po alam noong una. Naririnig-rinig ko lang na may project nga po na Villa Quintana, pero wala pa pong confirmation na ako po pala yung kasama doon.”

Hindi raw niya inakala na darating ang araw na siya ang gaganap ng papel dati ni Donna.

“Oo nga po, e, it’s very unexpected.”

Ayon kay Janine, hindi niya napanood ang naunang Villa Quintana, pero nakilala na raw niya nang personal si Donna noon pa.

“Kasi po dati, loveteam siya ni Uncle Ian,” pagbanggit niya kay Ian de Leon, na kapatid ng ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

“E, idol namin siya [Donna] ni Je [Jessica, Janine’s younger sister].

“So, naalala ko, may isang beses isinama siya ni Uncle Ian sa birthday ni Je, so nandun siya.

"May pictures pa kami noong bata kami.”



THE BIG BREAK. Hindi ba siya nainip sa paghihintay na mabigyan ng big break bilang isang artista? May mga nagsasabi kasing dapat ay noon pa siya ini-launch bilang leading lady.

Sagot ni Janine, “Well, pinagarap ko po talaga na kahit hindi launching, na magka-teleserye o mapasama sa show, so ayun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“While waiting, nag-focus na lang po ako sa hosting sa Party Pilipinas tsaka sa Sunday All Stars.

“Tapos, workshop-workshop, ganun po.”

Alam daw ni Janine na may pressure para sa kanila ni Elmo na tapatan o higitan ang tagumpay na nagawa noon ng Villa Quintana at ng team-up nina Donna at Keempee.

“Siyempre, hinahangad po namin na maabot din yung success na inabot nung original,” sabi niya.

Tinanaong ng PEP si Janine kung handa na ba siya sa reaksiyon—postibo man o ngeatibo—ng JuliElmo fans.

Dating magka-lovetam sina Elmo at Julie Anne San Jose, na ngayon ay leading lady naman ni Kristoffer Martin sa umeereng primetime drama series na Kahit Nasaan Ka Man.

May mga nangba-bash na ba sa kanya?

“Wala naman po,” sagot ni Janine.

“Nagulat nga po ako na yung mga fans ni Elmo, mga finallow rin ako sa Twitter. Tapos tini-tweet nila ako na susuportahan daw nila yung show.

“So, talagang na-surprise ako kasi naisip ko din na baka yung mas gusto nila, yung tambalan dati.

“Pero, they’re very supportive. Sobrang nagpapasalamat po ako sa kanila.”



ELMO MAGALONA. Nakapag-bonding na raw sila ni Elmo sa pamamagitan ng workshop na sinalihan nila sa ilalim ng aktres at direktor na si Gina Alajar.

Ano ang masasabi niya tungkol kay Elmo?

Sabi ni Janine, “Si Elmo, matagal ko na pong hinahangaan.

“Hindi pa po ako nag-aartista, siya po talaga yung pinapanood naming magkapatid sa Party Pilipinas.

“Kasi magaling siyang mag-rap, magaling siyang kumanta.

“And then now na nag-workshop kami, mas madami pa akong nalaman tungkol sa kanya na hindi ko alam before.

“Like, I didn’t know na talagang seryoso pala talaga siya sa pagiging artista, na gusto niyang maging magaling na artista.

“Akala ko kasi dati, puro singing lang yung gusto niya, so I was surprised.

“And I’m excited, kasi I know that he really wants the show to be good, na we’ll do good, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong lumaki sa showbiz sina Janine at Elmo.

Si Janine ay anak ng dating teen stars na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Grandparents naman niya ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, ang Drama King na si Christopher de Leon, at ang Superstar na si Nora Aunor.

Si Elmo naman ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Sabi ni Janine, “Siguro isa lang similarity na yung from a showbiz family.

“Kasi yung mga tatay po namin, nagkasama sa Bagets dati. Sa Bagets 2, magkakasama sila.”



PARENTS’ ADVICE. Naitanong din kay Janine kung ano ang mga payong ibinibigay sa kanya ng mga magulang ngayong nag-aartista na siya.

“Si Mama, palagi po niyang pinapaulit-ulit na, ‘Mahalin mo yung trabaho mo.’

“Kasi, doon po talaga bumabalik sa iyo yung mga work na gusto mong makuha.

“Ganun, so iyon po, na you treasure every opportunity na dumarating sa iyo, na alagaan mo ang trabaho mo, ang career mo.

“Si Papa naman, very supportive po nun. Pag may taping, binibisita niya po ako.

“And then, lagi lang niyang ipinapaalala, ‘To do your best tsaka to make the most of every project na ibinibigay sa iyo.”



RECONCILIATION. Tinanong din si Janine tungkol sa pagbabati ng kanyang ina na si Lotlot at ng lola niyang si Pilita Corrales.

Matagal ding hindi nagkausap ang dalawa dahil sa hindi pagkakaunawaan na nag-ugat sa paghihiwalay nina Lotlot at Monching.

Although noon pang Pasko nagkabati ang dating magbiyenan, ngayon lamang nagsalita si Janine tungkol dito.

Aniya, “It was very happy sa aming magkakapatid, kasi malaking bagay po iyon para sa amin, na yung nakalimutan na nila ang lahat ng mga kung anumang mga pinagdaanan nila dati.”

Masaya raw silang lahat na maayos na ang sitwasyon sa pagitan nina Lotlot at Pilita. Nagkakausap na raw muli ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN