Elmo Magalona denies mom Pia Magalona approves projects for him

Elmo Magalona is back on television after a puzzling hiatus. He will star in the GMA 7 teleserye Villa Quintana. As to the buzz created by his sudden absence after Party Pilipinas, he said he has chosen to just shrug it off: "Hassle lang iyon, e."


Marami ang nagsulputang espekulasyon at issue sa matagal na kawalan ng projects ni Elmo Magalona.

Kaya minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na alamin mismo kay Elmo kung bakit matagal siyang napahinga sa showbiz.

Paliwanag niya nang makausap ng PEP, “Wala lang. Parang mali kasi, e, hindi ko naman alam na… mali yung scheduling ko.

“Kasi, after noong Party Pilipinas, dapat mag-i-school ako. Tapos… hindi ko na maalala, e, basta after noong Party P, dapat may gagawin ako. Tapos, hindi ko siya nagawa kasi…

“Ah, hindi, hindi. Hindi ko alam na matatapos yung Party Pilipinas, so hindi ako kumuha ng school, nag-leave pa ako.

“Tapos... Basta, ang dami kong tinurn down, tapos after noon, yun pa lang mawawala yung Party P. So ayun. wala akong ginawa nang madaming months, like wala akong school, wala akong project or anything.”


EXCLUDED. Bakit hindi siya inilagay sa Sunday All Stars? Totoo bang sumama ang loob niya dahil hindi siya isinama doon sa musical variety show?

Sabi naman ni Elmo, “Hindi, hindi siya pagiging masama ng loob.

“Pero ano lang, parang feeling ko, kasi nga, akala ko may gagawin pa ako, e. Like akala ko, mag-i-school ako, akala ko may iba pa akong gagawin.

“Like gusto ko kasing gumawa ng individual work—yung album ko, gusto ko siyang gawin na sarili ko lang, e.

“E, yung Sunday All Stars sabi sa akin, sobrang... like almost more than half of the week, kailangang nakatutok doon yung time mo.

“And mahirap yun, e, kung siyempre marami ka pang gagawing iba.”


SERYE REMAKE. Pero sa paglungsad ng GMA Network ng bagong primetime serye na remake ng Villa Quintana, balik-telebisyon na naman si Elmo.

Pagbibidahan ni Elmo at Janine Gutierrez ang papel na ginampanan noon ni Keempee de Leon at Donna Cruz bilang si Isagani at Lynette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Elmo, “Noong binanggit sa akin yung Villa Quintana, sabi sa akin sobrang successful noong original.

“Doon daw talaga umuso sina Keempee de Leon at si Donna Cruz, na tandem nilang dalawa.

“So iyon. Ibig sabihin, talagang feeling ko, maraming manonood ng Villa Quintana para makita nila kung ano yung bago naming gagawin.”

Handa naman daw si Elmo na maikumpara sila ni Janine kina Keempee at Donna.

Hindi rin daw niya napanood ang orihinal na version.

Saad niya, “Siyempre, may kaba yun, kasi iyon nga, hindi lang siya remake, pero successful yung iri-remake namin.

“Pero uunahin muna namin yung show, like si Direk Gina [Alajar], nakausap ko na about this, e.

“Sabi niya, noong ginawa rin daw niya ang Anna KareNina, remake din yun, e. So noong ginagawa niya, hindi rin daw niya pinanood.

“Tapos iyon, nag-stick siya sa kung ano yung feeling niya na ito yung gusto niyang gawin sa show niya.

“So feeling ko, ganoon rin ang gusto niyang gawin sa show na ito.”

Hindi ba siya nanghinayang sa mga buwan na wala siyang ginagawa?

Limang buwan nang wala ang Party Pilipinas.

“Well, siguro, kung mas maaga yung mga ibang projects na iyon, tapos, magagawa ko pa rin itong Villa Quintana. Siguro siyempre, manghihinayang ako, kasi at least, nakapag-show pa rin ako, di ba?

“Pero kung magiging conflict siya with Villa Quintana, I feel like mas gagawin ko yung Villa Quintana.”


MOM’S DECISION. Hiningan naman si Elmo ng paglilinaw tungkol sa balitang ang ina niyang si Pia Magalona ang tumatanggi sa mga projects para sa kanya.

Paliwanag niya, “Yung totoo doon, wala akong tinanggihan. Ang nangyari, lahat noon may conflict.

“Like yung isa, conflict of schedule; yung isa, parang hindi na sa akin nakarating yung show. Like sabi, ‘Gagawin mo ito,’ tapos, biglang a week later sasabihin, ‘Hindi ka na part ng show na ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So may mga ganoon na nangyayari. Like hindi pa nakakarating sa akin, hindi ko na nga alam na part ako ng show, e.

“Sabi sa akin, hindi ako kasama, tapos, biglang mamaya sasabihin, ‘Ay part ka pala nito dapat.’

“Pati ako, nalilito na ako.”

So, sa mommy niya dumadaan muna, na kapag hindi naman matutuloy ay hindi na ipinaaabot sa kanya?

“I think, baka. Hindi ko alam, e.”

Sumama ba talaga ang loob niya?

“Ewan ko. Kasi yung iba naman doon, parang gusto ko sanang gawin.”

Hindi rin daw totoong ayaw niyang maipareha kay Lauren Young kaya hindi siya inilagay sa Dormitoryo. Napapabalitang may relasyon sila ni Lauren.

Giit ni Elmo, “Wala talaga akong tinatanggihan. Yung mga sinasabi sa akin na tinatanggihan ko raw, tapos, parang unprofessional ang ginagawa ko.

“Pero ako nga, parang after noong lahat ng mga ginawa kong acting workshop, parang doon ako nga naging sobrang willing.

“At tsaka sobrang naghihintay ako ng time na puwede akong mag-acting ulit.

“Tapos ayun, parang noong sinabi sa akin na may mga offer pala ako, parang, ‘Sana pala nagawa ko iyon.’ Ayun.”


MISCOMMUNICATION. Kasama rin dapat si Elmo nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin sa Kahit Nasaan Ka Man.

Pero napapabalita ring ayaw ng mommy niya na makatrabaho na niya ulit si Julie Anne.

“Ha?” gulat pero natawa ang binata.

“Actually yung show na yun, pinalitan nila yung title. Dati, iba yun, tapos, medyo iba yung story. Tapos, nag-screen test ako for that, tapos, iyon din, miscommunication na naman.

“Kasi, hindi nakakarating sa amin na, ‘Okay, nag-screen test ka, tapos, sasabihin namin kung ano’ng mangyayari.’

“Tapos, iyon, nag-screen test ako. Tapos, sabi…”

Hindi siya qualified o hindi bagay ang role sa kanya?

“Siguro ganoon ang nangyari,” at tumawa muli si Elmo.

“Tapos, iyon, hindi na ulit nakarating sa akin sabi, ‘Gagawin mo ito.’ Tapos, basta hindi siya natuloy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO REFUSAL. Kaya for the record daw ay wala siyang anumang proyekto na tinatanggihan.

“Oo, wala. Talagang nag-try ako, e.”

Iba-iba kasi ang lumalabas, na kesyo mommy niya diumano ang tumatanggi, na kesyo si Elmo mismo ang tumatanggi.

Esplika niya uli, “Siguro nag-iba-iba na yung mga pinag-usapan pero ang pinaka-isyu diyan ay nagkaroon ng miscommunication—conflict of schedule.

“Tapos, iyon ang pinaka talaga, yung miscommunication, e, na hindi nakakarating.”

At hindi siya naging visible para sagutin ang mga katanungan tungkol dito.

Pag-amin ni Elmo, “Tsaka iyon din, e. Parang ako rin, ako mismo... Parang pag nakikita ko na nag-aano sa mga interview, tsaka sa mga Twitter na sinasabi, parang, ‘You have to speak up.’

“Ganoon... parang para sa akin, hassle lang iyon, e, na pag ginawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN