John Prats mum about marriage plans, but hints girlfriend Isabel Oli is ready to say yes

John Prats on marriage plans with Isabel: “Secret! Baka ma-preempt yung proposal ko. But I want it to be really special for her.”


Sa darating na Sabado, October 12, magsisimula nang ipalabas ang pagbabalik ng original “realiseye” ng ABS-CBN, ang I Dare You Season 2. Kabilang sa mga host nito ang Kapamilya star na si John Prats at ang mga ex-PBB housemates na sina Melai Cantiveros, Robi Domingo at Denniesse Joaquin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng online media si John Pratts sa pocket presscon ng kanilang programa nung Martes, October 8, sa ABS-CBN Head Office.

Kakaibang experience daw ito para sa kanya dahil hindi lang basta reality program ang I Dare You.


“Ang sarap nung experience kasi talagang one week or two weeks kaming magkakasama with the ‘Bidang Kapamilya,’ which is yung tinutulungan namin kaya medyo nagiging close kami,” kuwento ni John sa press.

“And na-attach ako dun sa place na Masantol and I think it won’t stop here… helping this community.”

Nakasama ni John ang Kapamilya star na si Jewel Mische sa pilot episode ng kanilang programa. Hindi naman naitago ni John ang pagkabilib kay Jewel dahil kaya raw nitong magpatakbo ng helicopter.

Ani John, “Ang galing kasi; pilot pala siya. May background pala siya ng pagpapalipad kaya siya—yung isa sa mga helicopters namin—siya yung nagpapalipad talaga ng helicopter.”

Sino naman kaya ang mga artistang gusto niyang imbitahin na sumali sa kanilang programa?

“I’m looking forward to see the Gonzaga sisters—si Alex, saka si Toni. I want to see them in a reality talaga. Kung paano sila mag-away, magkapikunan or kung paano sila mag-usap.

“And definitely, I want to see big stars. Siyempre sina Piolo [Pascual], Diether [Ocampo] or ano na ma-experience yung ganitong klaseng show na... it’s not just drama. It’s reality show talaga.”

BALANCING ACT. Last year pa nagsimulang mag-shoot ang production team ng I Dare You. Kasabay itong ginagawa ni John pati na rin ang ASAP at Banana Split. Siyempre, naglalaan din siya ng oras para sa kanyang pamilya at ang girlfriend na si Isabel Oli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit paano nga ba nagagawa ni John na pagsabay-sabayin ang lahat ng ito?

Sagot ng Banana Split host, “Well, you have to balance it, kasi this show is really a commitment e. Hindi lang siya yung pupunta ka ng M-W-F to tape.

“Sometimes, we go to Zambales. Yung episode ni Robi, we were there for two weeks or a week na dire-diretso. So, para talaga kaming ano, para kaming mga sundalo na nadedestino kung saan-saan.

“Fulfilling at ang sarap kasi yun na yung ginagawa mo. So, nandun lang yung puso mo sa trabaho na yun.

“Sa ‘tin kasi, parang nagda-drama ka ngayon. Bukas magko-comedy ka. Bukas, sasayaw ka sa ASAP. Nakakabaliw but this one, mas-focused kami ‘pag gusto namin ng ganun kahahaba.”

Kung bibigyan pa ng pagkakataon, mas gusto raw ni John mag-focus muna sa hosting sa susunod na taon.

Paliwanag ng aktor, “I’m thinking na, siguro I wanna focus kung ano ba talagang gusto ko. Kasi para akong masyadong kalat.

“Masyadong ang dami kong ginagawa na wala akong talagang parang nag-mark sa akin na parang laging kundi dancing, comedy. Yun lang, e.”

SUPPORTIVE GIRLFRIEND. Samantala, sumabak naman sa matinding military training si John kasama si Jewel sa Barangay Masantol sa Pampanga para sa I Dare You.

Kuwento ni John, hindi naman daw masyadong nag-alala si Isabel ng malaman niyang halos di nito kayanin ang military training challenge na kanyang hinarap.

“Si Liv naman kasi very… alam naman niya na kaya ko and pag hindi ko naman kaya I’ll say, e.”

Ano naman kaya ang katangian ni Isabel na masasabi niyang mas nangibabaw kaysa sa mga dati niya nang naging ka-relasyon?

Sagot ng 29-year-old actor, “I’m not saying naman na they’re not all down to Earth but sobrang extra down to earth lang si Liv [Isabel Oli], siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Simple, and mas gusto niya mag-Jollibee kesa mag-buffet.

“Ganun siyang klase ng tao na you’ll really appreciate it. Very practical.”

Isa raw ang katangiang ito ang hinahanap niya sa isang babaeng nais niyang makasama habang buhay.

Aniya, “Yun siguro, yung ideal for me if ever I’m gonna get married with someone… is to be with someone not high-maintenance and mas praktikal mag-isip.

“Kasi long-term e, mas family oriented. Yun siguro yung trait niya na talagang sobrang blessed ako to have from her.”

Ipinagpapasalamat ni John ang katangiang ito ni Isabel kaya naman masasabi niyang kuntentong kuntento siya sa kanilang relasyon.

“Wala akong reklamo and mas focused ako sa work ko ngayon kasi alam kong nandiyan siya to support me and never kong na-experience na hina-harras niya ako for time, or ano.

“Alan niya kasi na siguro ako yung lalaki. Eventually, I’ll be the one who’s be there financially for my family and that’s why sobra ang support nya sakin.”

SHE’S THE ONE. Matagal nang nasabi ni John na nais niyang si Isabel na nga ang kanyang maging kabiyak sa buhay.

Saad ng aktor, “Sabi ko sana, I hope. Pero this time, I say ‘Yes, she’s the one.’”

Kaya naman, hindi na rin maiwasan na mapag-usapan nila ang bagay na ito. Sigurado rin si John na handa na si Isabel ano mang oras niyang tanungin ito ng ‘Will you marry me?’

Ani John, “That’s why I think… I know that she’s ready anytime I ask her and siguro that’s what I want and that’s what I like about her.

“Kasi hindi siya kagaya ng ibang artista ngayon na mas focus sa career na ‘wag muna, may ano pa ako, e.’

“Maganda sa kanya kasi nakikita niya yung sarili niya to be a housewife.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa naman kaya siyang magpakasal kay Isabel?

Ang sagot ni John, “Secret! Baka ma-preempt yung proposal ko. But I want it to be really special for her.”

Dagdag pa niya, hindi na aabutin pa ng matagal na panahon ang tinitignan niya upang tanungin si Isabel tungkol sa bagay na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN