CamSur Gov. Miguel Villafuerte on rumoured Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli romance: “I’m happy for them.”

Camarines Sur Governor Miguel Villafuerte is only 24, the youngest to win the position in the Philippines, but he’s been honed to politics by his father and grandfather who preceded him for the job.


Mula nang mahalal siya bilang gobernardor ng Camarines Sur noong May 2013, naging prayoridad ni Gov. Miguel Villafuerte ang pagsisilbi sa kanyang mga nasasakupan sa kanilang probinsya.

Sa edad na 24 anyos, siya ang pinakabatang gobernardor sa Pilipinas.

Siya ay ikatlong henerasyon na gobernador sa kanilang pamilya.

Anak siya ni dating Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte at apo ni Luis Villafuerte, na dati ring gobernardor ng nasabing probinsya.

Umugong ang pangalan ni Gov. Miguel Villafuerte noong 2011 nang ma-link siya kay Sarah Geronimo. Matatandaan na kinumpirma ni Sarah noon na pinadalhan siya nito ng cake at flowers.

Gayunpaman, hindi umusbong ang pagpapareha sa dalawa at hindi na nasundan ang pagpaparamdam ng batang gobernador kay Sarah.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gov. Miguel sa Local Education Policy Workshop na pinagunahan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa Crowne Plaza, Ortigas, Quezon City, tanghali ng Huwebes, October 10.

“Well, yung kay Sarah naman talaga sinabi ko hinahangaan ko siya,” pagtatapat ng gobernador. "I think she’s one of the beautiful actresses in our generation today.

“Pero sa ngayon kasi pangako ko rin sa aking probinsya na ang puso ko talaga ay para sa kanila ngayon.

“May time naman po siguro sa lovelife pero ngayon talagang I’m very grateful. Habambuhay po akong may utang na loob sa aming probinsya dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon.

"So yung aking personal commitment, lovelife, siguro set aside muna ngayon.”

Hindi pa rin naman daw lumilipas ang paghanga niya sa Popstar Princess.

“I still think she’s very beautiful and I still want to meet her soon, hopefully,” tugon ng binata.

At hindi pa raw sila nagkikita ni Sarah.


HAPPY FOR MATTEO AND SARAH. Ano naman ang masasabi niya sa pagkaka-link ngayon nina Sarah at Matteo Guidicelli?

“Ah talaga?” nakangiting sagot ng gobernador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ako masyado nagpa-follow, e, pero I’m happy for them.”

May usap-usapan ngayon na may relasyon na umano sina Sarah at Matteo, subalit nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa isyu.

“Kung si Sarah naman may Matteo, ako naman may probinsya ng Camarines Sur,” lahad ni Gov. Miguel.

Sa tanong kung hindi ba siya nakikipag-date?

“Not really,” maiksi niyang tugon. “I’m very much single.”


HANDS-ON POLITICIAN. Abalang-abala man si Gov. Miguel sa kanyang mga responsibilidad, masaya naman siya dahil may fulfilment siyang nakukuha.

Paglalarawan niya sa kanyang pagiging pulitiko, “Masaya at very time-consuming, but I know that comes with the job.”

“Every week may consultation in each sector, very time-consuming but at the same time, fulfilling dahil pag makita mo na may natutulungan ka, nakakataba po ng puso. Yun yung best part about that.”

Nakatulong daw sa kanya nang malaki na bata pa lang ay namulat na siya sa pulitika.

“Ako naman po ever since behind the scenes po sa pagiging governor ng aking ama,” paliwanag niya.

Siniseryoso raw niya ang kanyang posisyon sa pamamagitan ng pagdalo ng mga conventions o events kasama ang mga kapwa-pulitiko dahil natututo siya sa mga ito.

Dagdag pa niya, “I think [and] I believe, the best knowledge come from people who are actually the governors.

“Talaga pong nakaka-inspire ang kanilang itinuturo sa akin, lalong-lalo na po bata pa ako at sila ay nakakatanda sa akin.”

Kinumusta rin ng PEP.ph ang relasyon nito at ang lolo niya, si former Governor Luis Villafuerte.

Matatandaang naging magkatunggali ang mag-lolo noong Mayo, at ang apo ang nagwagi.

Dahil din sa pulitika ay nagkaroon ng lamat sa relasyon ng mag-lolo.

“Unfortunately, as much as I want to, hindi pa kami nagkakausap, e. I really wanna talk to him soon,” sambit ni Gov. Miguel.

OPINION ON PDAF. Sa patuloy na usapin hinggil sa Priority Development Fund (PDAF) o pork barrel, kinunan ang gobernador ng opinyon hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang PDAF based on my experience, marami po akong kaibigang congressman… marami po talagang natutulungan ang PDAF, like for example scholarship, maraming natutulungan sa medical bill.

“Pero at the same time, yung mga lumabalabs na anomalya ay dapat po talaga kailangan nating pag-aralan nang mabuti kung paano hindi na maulit na nangyayari na PDAF scam.

“Sa ngayon po dapat siguro line item na lang na alam na ng taong-bayan kaagad bago pa aprubahan, [nang] sa ganon wala nang mga anomalies na mangyayari.”

Sang-ayon din daw siya sa Freedom of Information o FOI bill na naglalayong mabigyan ng karapatan ang media at mga tao ng impormasyon kung saan napupunta ang pork-barrel funds.

“Yes of course. I’m all for accountability and transparency,” aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN