PEPtalk. Martin Escudero and what’s keeping him "positive" these days

Martin Escudero will play an HIV-positive patient in his upcoming series on TV5.


Ikinatuwa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdalaw sa set ng PEPtalk ni Martin Escudero, ang isa sa mga nominees ng The PEP List sa kategoryang Newsmaker of the Year.

Sa unang episode, nagkuwento si Martin kay Demai Sunio-Granali, section editor ng PEP, tungkol sa mga parating na projects niya.



POSITIVE. “First in the Philippine history, sinabi nila na tatalakayin yung istorya ng people living with HIV [Human immunodeficiency virus] or AIDS [Acquired Immunodeficiency Syndrome],” panimula ni Martin.

Dagdag niya tungkol sa tema ng kanyang series, “Drama siya dahil yung istorya niya, napakabigat, at saka ito yung masasabi ko na iba sa mga nagawa ko kasi reality yung topic ng istorya.

"Totoong nangyayari sa ating bansa lalo na ngayon, mainit na mainit.”

Gagampanan ni Martin ang character ni Carlo Santillan, na ang "kanyang buhay, almost perfect na talaga..."

Maganda raw ang takbo ng career ni Carlo, at magkaka-baby na sila ng misis niya.

“Napaka-perfect lahat ng nangyayari, and then suddenly mada-diagnose siya na positive sa HIV, at ang masakit pa dito, umabot na sa pagiging AIDS.

READ: Martin Escudero portrays HIV positive patient in TV5 series Positive


ACTUAL HIV TESTING. Bilang paghahanda raw sa kanyang role, sumailalim siya sa actual HIV testing.

Sabi ng Positive lead actor, “Kinailangan kong gawin yun sa maraming dahilan.

"Kailangan ko mismong pumasok sa buhay [ng character ko].

“Gusto kong makatulong, maging isa sa kanila sa advocacy nila.

“Gusto ko maging halimbawa, kung hindi man dapat tularan e isa sa mga puwede nilang paniwalaan na hindi ito ang katapusan ng buhay nila.

“Gusto ko makatulong.”

MUMBAI LOVE. Samantala, abala rin si Martin sa paggawa ng kanyang indie film na Mumbai Love.

“Halos lahat first time sa akin, fresh lahat,” sabi ng 23-year-old actor.

Isa sa mga ikinatuwa ni Martin ay ang special treatment na na-experience raw niya sa India at ang paggamit ng isang vanity van, na nagsilbing standby area ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katumbas ito ng isang aircon tent na karaniwang ginagamit ng mga artista dito sa bansa.

Patikim pa lang ito.

Samahan at alamin pa ang mga kuwento ni Martin tungkol sa kanyang experience sa #MartinEscuderoonPEPtalk!

PHOTOS: Martin Escudero is positive!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN