Luane Dy says she has no peg from GMA News for role as ambitious investigative reporter in Genesis

Tatlong taon na ang relasyon ng GMA newscaster na si Luane Dy sa aktor na si Carlo Gonzales. Sabi ni Luane tungkol sa boyfriend, "Naging magkaibigan muna kasi kami bago kami nauwi sa relasyon. Kaya kilalang-kilala ko na siya."


Muling susubukang umarte sa isang teleserye ng newscaster na si Luane Dy.

Kasama siya sa bagong primetime series ng GMA na Genesis, kunsaan gagampanan niya ang papel ng isang ambisyosang investigative reporter.

Ito ang pangalawang teleserye ni Luane sa GMA. Una siyang lumabas sa I Heart You Pare (2011) bilang girlfriend ni Dingdong Dantes.

Ngayon ay kasama ulit niya si Dingdong, dahil ang tinaguriang Primetime King ng GMA ang pangunahing bida sa Genesis.

Sabi ni Luane sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I want to give acting another try.

“Noong nasa ABS-CBN pa ako noon, lumabas na ako sa ilang series doon. Like, The Wedding with Anne Curtis and Precious Hearts Romance Presents Somewhere In My Heart.

“When I did I Heart You Pare, matagal na akong hindi nakakaarte sa TV that time.

“I was more on doing the showbiz news na on Unang Hirit, Balitanghali, and 24 Oras Weekend.

“But I enjoyed myself doing I Heart You Pare, kaya na-miss ko na ang acting ulit.

“Kaya, after two years, heto, I am back sa acting.

“And maganda ang character na ibinigay nila sa akin.

“Ambitious and sort of scheming ang role ko rito as an investigative reporter. She wants to always be ahead of the others.

“Kahit na may matapakan siyang ibang tao, gusto niyang mauna parati sa mga balita tungkol sa Operation: Genesis.

“So far, masaya ang pag-work ko ulit sa teleserye.

"Malalaki parati ang mga eksena namin at bongga ang mga special effects. Para na siyang pelikula talaga.

"Sa pilot episode pa lang, people will expect more from Genesis.

Nakausap ng PEP si Luane sa press launch ng Genesis sa Sequoia Hotel sa Quezon City noong October 8.



INVESTIGATIVE REPORTER. Wala naman daw pinagbasehan si Luane sa kanyang role sa Genesis bilang ambitious and scheming investigative reporter.

Pinag-aralan lang daw niya ang kanyang character nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Sa bakuran naman ng GMA-7, marami ka namang puwedeng makunan ng pagbabasehan mo sa role.

“Pero iba kasi itong sa Genesis. Parang wala na siyang iniisip kundi ang career niya, kahit na may mga saktan siyang mga tao.

“Wala namang ganyan sa news department ng GMA-7!

“Kaya nga Kapuso tayo, dahil mas inuuna natin ang pangangailangan ng ibang tao kaysa sa ating sariling pangangailangan.

“Kung may pagbabasehan man ako, it’s the how hard they work, lalo na ang mga investigative reporters ng GMA-7. Talagang sugod sila kahit saan.”

Wala pa raw sa plano ni Luane ang subukang maging isang investigative reporter.

Marami pa raw siyang limitations at baka hindi siya makapagbigay ng maayos na trabaho.

“It takes years bago maging isang mahusay na investigative reporter.

“Bago ka maging isang Kara David or maging isang Sandra Aguinaldo, marami ka pang pagdadaanan."

Ang mga binanggit ni Luanne ay ang mga kilalang reporters ng Kapuso network.

“Ako kasi ngayon, kuntento ako sa pag-deliver ng mga light showbiz news.

“Hanggang doon pa lang ang kaya ko as far as being a newscaster is concerned.

“Siguro, balang-araw, kapag ready na ako at kaya ko na, susubukan ko rin ang mga ginagawa nina Kara David.

“We all grow naman sa trabaho natin. Someday, magagawa ko rin ang mga ‘yan. All in God’s time,” pahayag niya.



THREE YEARS. Sa personal life naman ni Luane, magta-tatlong taon na sila ng boyfriend na si Carlos Gonzales, pinsan ni Dingdong.

Sa January 2014 ang third anniversary nila.

Pero ayon kay Luane, wala pa silang plano ni Carlos para sa kanilang third anniversary bilang magkarelasyon.

Katuwiran niya, “Next year pa naman siya, kaya mauuna pa muna ang Christmas at New Year.

“Kami naman ni Carlos, we don’t really plan. Kung ano na lang ang mangyari at dumating, we go for it. It’s just being spontaneous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin naman yung sinosorpresa ako. Kaya whatever happens, I know na maganda iyon.”

Ibinuking din ni Luane na hindi maregalong tao ang kanyang boyfriend.

“Naku, once a year lang ako regaluhan ni Carlos! Isinasabay-sabay na lang niya sa isang gift.

"Pero special naman parati. Kung magregalo naman siya, alam niyang magagamit mo nang matagal.

“Praktikal lang siyang magbigay ng gift. Pangmatagalan parati.”

Sa kanilang relasyon, walang masasabing hindi maganda si Luane dahil napakabait daw ng boyfriend.

Lahad niya, “Naging magkaibigan muna kasi kami bago kami nauwi sa relasyon. Kaya kilalang-kilala ko na siya.

“We accept each other’s flaws. Wala namang perfect sa isang relasyon, e.

“It’s only a matter of accepting one another, flaws and all.

“Tsaka we’re open parati to one another. Open ang communication namin sa isa’t isa.

“Kung may problema, we talk about it at hahanapan namin ng solusyon.

“Walang room ang magtago kami ng problema sa isa’t isa. Habang maliit pa ang problema, aayusin na namin ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN