Robi Domingo begins to "move on and step forward" after car robbery

Bagamat naiinis pa rin daw si Robi Domingo sa nangyaring pagnanakaw ng mga gamit niya sa loob ng kanyang sasakyan, tinitingnan pa rin niya ito sa positibong pananaw. Sabi niya, "We always have to look at the brighter side of things. Hindi ka puwedeng mag-dwell na nangyari na, dapat galit, galit ka palagi."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang taong nagnakaw ng mga gamit sa loob ng sasakyan ng young TV host na si Robi Domingo.

Um-attend ang former Pinoy Big Brother Teen housemate sa birthday party ng Star Magic handler niyang si Luz Bagalacsa, noong October 8, sa 55 Events Place, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ipinarada ni Robi ang kanyang sasakyan sa may Scout Rallos, ngunit nang balikan niya ito ay wala na sa loob ang kanyang backpack na may lamang iPad, cell phone, cash, at iba pang gamit.

(Read: Robi Domingo’s car robbed in Tomas Morato area)

Sabi ni Robi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-report ako sa PNP Kamuning Police Station, wala pa raw.”

Tungkol naman sa magnanakaw, aniya, “Tinake advantage niya yung sitwasyon—gabi, walang tao, ang lakas ng ulan.

“Medyo mabait pa rin yung magnanakaw, in a way, na yung salamin, tinanggal niya, ibinalik naman niya sa loob.

“Professional, e, parang may chisel. Kinurba niya, then iniwan sa loob.”

Bagamat naiinis pa rin siya sa nangyari, nananatiling positibo si Robi.

Pahayag ng TV host, “Naiinis pa rin ako nang kaunting-kaunti na lang.

“But the thing is, we always have to look at the brighter side of things.

“Hindi ka puwedeng mag-dwell na nangyari na, dapat galit, galit ka palagi.

“We should move on and step forward.”

Nakausap ng PEP si Robi sa presscon ng bagong reality show niya sa ABS-CBN, ang I Dare You, kahapon, October 10.



GRETCHEN HO. Samantala, kung may isa mang nagpapasaya ngayon kay Robi ito ay ang kanyang kasintahang si Gretchen Ho, dating varsity player ng Ateneo de Manila University volleyball team.

Inamin ng TV host na malaki ang impluwensiya sa kanya ni Gretchen sa maraming bagay.

Ayon kay Robi, ang kasintahan ang itinuturing niyang “life coach.”

Saad niya, “Very supportive, napaka-supportive niya as a girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s just plain and simple. Simple in every way, simple in every aspect.

“And, gaya ng sinabi ko dati, bago pa man naging kami, she will be forever be my life coach.

“Ang galing niya, ang galing niya sa pag-a-analyze ng mga situation, kung ano ang dapat kong gawin.

“Like, yung nangyari sa akin, di ako maka-get over nung nanakawan ako.

“Sabi ko, ‘Papatayin ko talaga yung magnanakaw na ‘yan!’ sa sobrang galit ko talaga.

“Yun ang initial feeling mo pag may kumuha ng mga gamit mo.

“Lahat ng mga contacts mo, kontrata mo, nandun, files mo… sobrang mapipikon ako.

“Pero sabi niya sa akin, ’Take this one as a blessing in disguise. Buti yun lang ang nangyari sa iyo, di ka natutukan ng baril o natutukan ng kutsilyo. Isipin mo na lang na kailangan-kailangan niya yung amount na yun.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN