Perci Intalan-Jun Lana wedding all set for October 14 in New York

In his Instagram account, Direk Jun Lana posted the following excerpt from the landmark decision that legalized same-sex marriage in Massachusetts: “Civil marriage is at once a personal commitment to another human being and a highly public celebration of ideals of mutuality, companionship, intimacy, fidelity, and family. Without the right to marry one is excluded from the full range of human experience… And the right to marry means little if it does not include the


Sa Lunes, October 14, gaganapin sa New York ang kasal ng dating TV5 Creative and Entertainment Head na si Perci Intalan sa long-time partner nitong award-winning writer-director na si Jun Lana.

Matatandaang lumikha ng ingay ang nasabing same-sex marriage, noong nag-post ang dalawa ng litrato ng kanilang engagement rings sa Instagram noong Hulyo.

Limang araw na ang nakaraan ay nag-post naman si Perci sa kanyang Instagram account ng litrato ng kanilang wedding guestbook.

Tatlong linggo na ang nakaraan, nag-post naman si Direk Jun ng larawan ni Perci, kung saan sinusukatan ito ng isusuot nito sa kanilang big day. Naka-caption dito, “@percinotpercy’s first fitting for the big day.”

Apat na araw na ang nakalipas, dalawang sunud-sunod na posts naman ni Direk Jun ang ibinahagi niya sa kanyang mga followers.

Una na rito ay ang kanilang marriage license na nakuha nila mula sa City Clerk ng State of New York.

Naka-caption dito ang mahabang mensahe ni Direk.

Ani Jun Lana: “’Civil marriage is at once a personal commitment to another human being and a highly public celebration of ideals of mutuality, companionship, intimacy, fidelity, and family. Without the right to marry one is excluded from the full range of human experience…And the right to marry means little if it does not include the right to marry the person of one’s choice.’ - excerpt from the landmark decision which legalized same-sex marriage in Massachussets.”

Sinundan niya ito ng isang post ng marahil ay kanilang wedding invitation, na ang nakasulat ay “Mr. and Mr.”

Sa pamamagitan ng Facebook, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Perci na sa kasalukyan ay nasa New York na.

Itinanong namin sa kanya kung maari bang makakuha ng ilang detalye sa kasalang magaganap sa Lunes.

Matipid man, nagbahagi pa rin ito ng detalye.

Saad ni Perci, “Sa Bethesda Fountain sa Central Park ang wedding this Monday morning. Sa Jeepney Gastropub na Pinoy restaurant sa Lower East Side ang reception.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw ninong at ninang ang naturang pagsasaisang-dibdib.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN