Dingdong Dantes on the pressure of living up to title of Kapuso Primetime King: “It’s pressure with pleasure.”

Dingdong Dantes on living up to challenges and pressures of being Kapuso Primetime King: “Kasi, mas maganda namang napi-pressure ka sa isang project na alam mong ineffortan talaga ng GMA. Because GMA always wants to present something new to their audience, and in which, ako, hangang-hanga ako sa kanila sa ganoong klaseng aspeto. Much more na ako ang pinili nilang ilagay rito.”


Kakaiba para sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang bago niyang teleserye ngayon sa GMA Network, ang Genesis, na mapapanood na simula Lunes, October 14.

Ayon kay Dingdong, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Genesis sa Sequoia Hotel sa Timog Ave., Quezon City, noong October 8, “Parang ang Genesis po sa akin, pangkalahatan.

"Normally, kapag gumagawa po ako ng Genesis, normally, ang pag-ibig, sa babae. Pag-ibig sa nililigawan.

“Ito, mas pangkalahatan.

“It talks about love for your friends, love for family, love for yung minamahal mo, karelasyon mo at sa bayan. Mas maraming layer siya kaya mas mahirap.”

Hindi ba nakakatakot ang serye dahil tinatalakay nito ang katapusan ng mundo?

“Well, ako nakikita ko siya in a way na ipinapakita niya ang sitwasyon ng tao. Kapag may delubyo, doon lumalabas ang tunay na kulay ng tao.

“Kapag alam mong pushed to the wall na—sabihin mo na kapag wala ng gobyerno, kapag wala ng batas—doon lumalabas ang tunay na ugali, e,” kuwento niya.

May pagkahawig ba ang Genesis sa Hollywood movie na 2012? Matatandaang ang pelikulang pinagbidahan ni John Cusack na ipinalabas noong 2009 ay tumalakay din sa apocalypse o katapusan ng mundo.

“That’s just the backdrop of it. But ultimately, susundan nating kuwento yung mga buhay nila.

“Kung ano ang gagawin nila na maaaring alam na nila na maaaring matapos ang mundo bukas.

“Ano ang mga choices na gagawin nila? Sino ang isasalba nila? Kanino sila makikipag-reconcile? Iibig pa ba sila?” dagdag niya.

Sa bago niyang serye, si Dingdong ay gaganap bilang Isaak Macalintal, isang security agent na pinagkakatiwalaan ng bise-presidente ng bansa, na ginagampanan ni Lorna Tolentino.

Sa Genesis, ang pinaka-challenging part daw sa kanyang karakter ay iyong iilan lang ang puwede niyang iligtas.

Kuwento niya, “He has to save only a few. He is given a few slots but there’s a lot to save. So, that’s the main struggle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Who will he save?”

Kung sa totoong buhay, sino nga kaya ang mga ililigtas niya sakaling katapusan na ng mundo?

Mabilis niyang sagot, “Ako, this is what I always say. I have to start with myself first. Kumbaga, kung bago ka makapagsalba ng ibang tao, kailangang isalba mo muna ang sarili mo.”

Kung naisalba na niya ang sarili, sino naman ang mga susunod niyang isasalba?

“Siyempre, ang family ko at saka si Marian [Rivera], dalawa naman ang kamay ko.”

RECOMMENDATIONS. May kontribusyon pa ba siya sa ibang aspeto ng produksyon ng bago niyang primetime series bukod sa pagiging bida?

“Wala po, kasi noong ’nilatag sa akin ‘to, it was already fixed. Well, siguro, on my part, I helped doon sa... Security agent po kasi ako ro’n. Tumulong ako sa pagkuha ng resource people.

“Kasi, kumuha pa kami sa PSG [Presidential Security Group] para yung mga ginagawa namin do’n, by the book, yung talagang official.”

Siya ang nag-suggest ng ibang mga tao sa produksiyon tulad ni Direk Joyce Bernal at ang gumawa ng mga effects ng Mothership.

Sabi naman ni Dingdong, “Sa mga ganoong larangan lang. Kumbaga, recommendation.

“Siyempre, at the end of the day, GMA rin naman ang magde-decide kung sino. At masaya ako sa pagbabalik-tambalan namin ni Direk Joyce sa TV.”

Natawa naman si Dingdong nang sabihin namin ang biro ni Direk Joyce na for the friendship lang daw kaya siya kinukuha ni Dingdong at hindi dahil sa talent ng direktor.

“Hindi, alam naman natin ang talent ni Direk Joyce, di ba? She’s no end din.

"Si Direk Mark Reyes naman, ang tagal na rin naming hindi nagsama sa TV.

“The last time was You To Me Are Everything.”

Si Mark ay co-director ni Direk Joyce sa Genesis.

POLITICAL THEME? Kung pagbabasehan ang trailer ng Genesis at mga karakter na bumubuo ng pelikula, puwedeng isipin na may temang pulitika ang bagong serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dingdong, “Meron din po, meron din po. It also covers that. It covers corruption kasi, sa istorya, meron dun na parang may isang lugar na dadalhin kung sino ang maisasalba.

“So, doon pa lang, parang kailangan nang ma-determine kung sino ba ang karapat-dapat. Siyempre, may palakasan dun. So, ipapakita rin natin yung mga ganoon.”

Pero ayon din kay Dingdong, fictional lang ang kuwento ng Genesis.

“Siyempre, mananaig pa rin ang kabutihan at all times. We just have to show some instances ng corruption para makita nila na hindi talaga siya maganda,” dagdag niya.

Mas lalo tuloy hindi maialis ang mga tanong kay Dingdong kung papasukin nga ba niya ang pulitika.

Giit niya, “Well, sa ngayon po, I never entertained the thought of it. Mas gusto ko pong mag-concentrate sa pagiging artista po muna."

Sa kabila ng mga maugong na kontrobersiya at isyu sa gobyerno at pulitika ngayon, naniniwala daw si Dingdong na may pag-asa pa rin ang lahat.

“I think po, dapat hindi tayo mawalan ng pasensiya at pag-asa sa whole process. Kung bumitiw tayo sa pagiging vigilant, we won’t know the truth where it all started.

“Once we find out, lahat yun, magiging malinis na at dapat, bantayan talaga natin.

“And I hope, yung justice system talaga, maging mabilis talaga siya para mahanap natin ang pinagsimulan ng lahat na yun,” panalangin niya.

PDAF CONTROVERSY. Sa kontrobersiya nga ngayon sa pulitika, lalo na ang tungkol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), ang ilan sa mga pangalang nasasangkot sa isyu ay mga kapwa niya artista rin.

Ayon naman kay Dingdong, “Mahirap na nasa situwasyon nila, sa kalagayan nila. Because, siguro, they are popular.

“Aside from that, all eyes are on them. Ako, I don’t wanna pre-judge, but I believe rin in justice and I believe in due process and I hope that justice is served sa sinumang karapat-dapat na managot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Sometimes, hindi na natin maku-kontrol ang media ngayon. Hindi mo na maku-kontrol ang opinion ng tao.

“Kasi, galit na. Galit na sila.

“May makita ka lang na isang puwedeng mapagbuntunan ng galit, talagang nagtutuluy-tuloy, which I think naman is unfair.

“Kumbaga, para malaman muna natin if it’s true or not before we judge.”

Ang nangyayari ngayon, mismong ang Presidente ng bansa ay sinasabing may banta na rin ng “impeachment.”

Isa si Dingdong sa sumuporta at nangampanya sa kandidatura ni PNoy noon.

Ano ang masasabi niya roo’n?

“Alam mo ako, my trust in him remains. Kumbaga, ako, the fact that he’s strong enough na panindigan at hanapin kung saan nagsimula ang lahat ng ito, doon pa lang, he gained my respect.

“Kung meron man ganoong kuwestiyon e it will also go with due process and he’s entitled to that naman.

“Again, I wouldn’t judge unless he’s proven guilty. My trust in him remains,” diin niya.

Aminado naman si Dingdong na nakaramdam siya ng galit nang malaman niya ang isyu ng PDAF.

Ayon sa aktor, “Hindi kasi, lalo na nga po, may foundation ako. Tapos, malalaman mo, gumawa pala sila ng pekeng foundations.

“E ako, hirap na hirap akong maghanap ng mga funders. Sarili kong pera ginagamit ko roon, so, malaman-laman mo, puwede palang bigyan ang iba.

“Kaya masakit for us NGOs na legit.”

Galit siya na nangyayari yun?

“Hindi naman. Actually, para sa akin maganda na nangyayari siya. Kung hindi ngayon, kailan? Kailan mo malalaman? It will go on and on at hindi natin mahahanap kung kailan siya nagsimula.

“To think, with this exposé and the effort of the administration, matitigil na rin talaga ang corruption. Yun talaga ang culprit sa atin, and I think, kapag nawala yun, we’ll go places,” paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din kay Dingdong kung bakit nga ba siya nagtayo ng Yes Pinoy Foundation, wala ba itong kinalaman sa pulitika?

“Wala naman,” saad niya.

“Noon pa lang, early 2000 pa lang, may mga scholar na ako. Ang ginawa ko lang, ginawa ko lang siyang official.

“Para may office siya, may tao na. Dati, ako lang lahat. Ngayon, may tao ng umaasikaso and, siyempre, in the process, nag-extend na rin. Nag-expand. Lumaki na siya nang lumaki,” paliwanag niya.

REUNION PROJECT. Ang Genesis ay nagsisilbing reunion project para sa kanilang tatlo nina Rhian Ramos at TJ Trinidad.

Kumusta naman sila ngayon?

“Oh, a lot better, and mapalad ako that kasama ko sila rito and sobrang ganda ng working relationship namin [dati] sa Stairway to Heaven.

“I’m fortunate na magagaling na artista ang kasama ko rito,” pasasalamat ni Dingdong.

Ang Genesis din ang nagsisilbing unang primetime series niya mula nang pumirma siyang muli sa GMA at opisyal na tanghaling Kapuso Primetime King.

Nararamdaman ba niyang mas matindi ang pressure sa bago niyang serye?

“It’s pressure with pleasure. Kasi, mas maganda namang napi-pressure ka sa isang project na alam mong ineffortan talaga ng GMA.

“Because, GMA always wants to present something new to their audience, and in which, ako, hangang-hanga ako sa kanila sa ganoong klaseng aspeto.

“Much more na ako ang pinili nilang ilagay dito,” pagmamalaki niya.

PRESSURE? Tinanong naman namin ng PEP si Dingdong kung napag-uusapan ba nila ng girlfriend na si Marian Rivera na mas may pressure sa kanila ngayon dahil pareho silang Hari at Reyna ng Kapuso network?

“Hindi, e. Sa akin, just do your job. Kami naman, we don’t get that into our heads, e.

“Feeling ko, yung mga ganoong tag, e, I’m grateful for it but at the end of the day, we just want to do our job well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FUTURE PROJECTS. Bukod sa Genesis, ano pa ba ang mga puwedeng abangan sa kanya ngayong pumirma nga siyang muli ng kontrata sa Kapuso network?

“Hindi ko pa alam,” saad niya.

“Dito muna ’ko magpu-focus kasi nahirapan ako noong sumabay ang pelikula at saka ito.”

Ang pelikulang tinutukoy ni Dingdong ay ang She’s The One, na ipapalabas na sa Miyerkules, October 16.

Posible kayang balik-tambalan na silang muli ni Marian sa GMA?

Bilang sila naman ang Hari at Reyna ng network?

“Hindi ko pa alam, pero I’m looking forward to it,” nakangiting sabi niya.

Dugtong din niya, “Maaaring movie. Parang mas maganda yata, isang comeback movie siguro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN