Joyce Bernal on being Dingdong Dantes’s first choice to direct Genesis: “Ano naman yun, mutual naman ang feeling.”

Direk Joyce Bernal on the challenge of coming up with a strong show for Dingdong Dantes and GMA: “Noong una, ball game ng GMA. E ngayon, pumirma siya, ball game na niya ‘to, di ba? Nasa kanya na, ’Uy, pa-rate mo ‘to.’ Parang ganoon. Napi-pressure ako na I have to do it for Dong.”


Puwedeng-puwedeng sabihing hiniling talaga ni Dingdong Dantes na si Binibining Joyce Bernal ang mag-direk ng Genesis, ang bagong sci-fi drama series na pinagbibidahan niya para sa Kapuso network.

Ang nasabing serye ay ipapalabas na sa Lunes, Oktubre 14, pagkatapos ng 24 Oras.

“Ano naman yun, mutual naman ang feeling. Nag-aano lang kami, marami na kasing beses na sabi ko, ’Dito muna ’ko.’ So, every time, si Dingdong, nagpapa-reserve ‘yan.”

Binibiro si Direk Joyce na dahil daw sa friendship nila ni Dingdong kaya siya nire-request nito.

“Friendship talaga,” nakangiti namang saad ng mahusay na direktor.

Hindi sa galíng?

“Sumusunod yung galíng,” natatawang sabi niya.

“Pero, nauuna muna ang friendship.”

WEIRD FEELING. Nagsisilbing reunion naman ang Genesis para kila Dingdong, Rhian Ramos, at TJ Trinidad mula sa una nilang pinagsamahang serye na Stairway to Heaven.

Kumusta ang pagbabalik Kapuso ni Direk Joyce?

“Medyo weird ha,” saad niya.

“Hindi ko alam, nawi-weirdan ako, e. Wala lang, parang weird lang. Parang may hinahanap ako na nawala.

“Parang may hinahanap akong energy na nawala. Hindi naman siya negative, it’s just that, parang naiba. Parang napraning, parang on your toes.

“Hindi ko alam, parang may feeling akong ganoon.

“Kasi, kapag kausap ko ang mga boss, okay naman. The energy is there.”

DIRECTOR MARK REYES. Tungkol nga ba saan ang Genesis?

Kuwento ni Direk Joyce, “Tungkol sa end of the world at kung ano ang gagawin mo. Maliligtas ka, bakit ka deserving na maligtas?

"Actually, ang unang title yata nito, Exodus ba. At least, Genesis, medyo hopeful.”

Dugtong pa niya, “High concept ‘to, yung setting. Karamihan ng nag-handle ng effects namin, si Direk Mark Reyes.

“Kasi, magaling siya ro’n. Marami siyang movie na ginawa. Ako naman, ano ba ang ginawa ko? KimmyDora, kambal lang na ginawa kong effects.

“Si Direk Mark, marami siyang ginawa. So, more on sa nag-uusap, after effects na lang ako. Yung ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Co-director credits sila ni Mark Reyes sa Genesis.

Aminado naman si Direk Joyce na dahil nag-shooting siya ng 10,000 Hours sa Amsterdam, naiwan niya nang ilang araw ang taping ng Genesis.

Natatawa naman si Direk Joyce sa pang-iintriga sa kanya ng ilang entertainment press sa co-director niyang si Direk Mark.

Sabi tuloy nito, “Teka, magkaaway ba kami?!”

May naging balita rin na nag-reshoot daw sila ng ilang eksena.

Sabi naman ni Direk Joyce, “Wala akong reshoot. Hindi ako pumayag. Wala na rin naman akong ibibigay. Yun na rin yun.

“Ang ginawa ko, nag-edit ako. For the pilot lang. Baka puntahan ko na rin ang second at third, baka… Pero sa pilot week, mag-edit ako. I-share ko lang.

“Sobra yung nai-share ni Direk Mark, so, magsi-share na rin ako ng konting talent.”

PRESSURED TO EXCEL? Kinumusta namin si Direk Joyce sa pressure ng pagdidirehe ng Genesis, bilang unang primetime series ni Dingdong matapos pumirma muli ng kontrata sa GMA at opisyal na mabansagang Kapuso Primetime King.

“Oo, oo,” mabilis na sagot ni Direk Joyce.

Gaano kalaki ang pressure?

“Siguro rin, sa part ni Dingdong na pumirma siya. Noong una, ball game ng GMA. E ngayon, pumirma siya, ball game na niya ‘to, di ba?

“Nasa kanya na, ’Uy, pa-rate mo ‘to.’ Parang ganoon. Napi-pressure ako na I have to do it for Dong.

“Pero, baka hindi ko na ma-enjoy masyado. Aside from technically, kahit ako, naha-high conceptan ako rito. Hindi kasi ako sci-fi [science fiction] na tao.

“May mga taong sci-fi. May mga taong gustong ganoon. Ako, hindi ako sci-fi. Petchay-petchay lang ako, e.

“Pero, noong nakita ko yung ano, ano siya, exciting,” sabi niya.

10,000 HOURS. Kinumusta rin namin kay Direk Joyce ang naging shooting ng 10,000 Hours, na isang official entry sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

“Sobrang efficient ng production na nag-handle ng 10,000 Hours. As in, we grind at 8 o’ clock in the morning, ready silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung 30 shooting days na binudget nila, nagawa namin ng 25 shooting days,” pagmamalaki niya.

Sa Amsterdam daw, walong araw ang shooting nila. May permit daw silang mag-shoot sa magandang siyudad na ito ng The Netherlands o tinatawag ding Holland.

“Actually, hindi siya yung Amstermdam na nandoon kami sa tourist spot, kasi nagtatago [dapat ang mga karakter ng pelikula], e. Naghanap kami ng mga rundown houses, wala pala. Walang squatters. Kami na lang nagpa-squatter,” natatawang sabi niya.

IMPRESSED WITH ROBIN. Puring-puri ni Direk Joyce si Robin ngayon.

Aniya, “Sa lahat ng ginawa namin, ito yung pinaka-best kong experience with him.”

Nakikita ba niyang malakas ang laban ng pelikula nila sa MMFF?

“Sana makalaban. Alam mo naman, siyempre, iba yung feel ng Metro Manila Filmfest. Gusto mo ng saya. Gusto mo, merry, e,” pagbibiro niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN