(UPDATED) Rhian Ramos says no snubbing incident happened between her and Marian Rivera on Genesis set

Rhian Ramos on what really happened when Marian Rivera visited the set of Genesis: “No, walang isnaban na nangyari. In fact when she walked in and said hi to everyone, and she brought food pa for everyone, I immediately got up and made her beso. But the thing is, we were sitting kasi waiting for a scene to start or waiting for the set to be ready about the time that she came. Naging ready na din yung set. I had to change, I had to get ready for the scenes,


Dahil tumatalakay sa katapusan ng mundo ang Genesis, ang pinakabagong sci-fi teleserye ng GMA-7, inamin ni Rhian Ramos na nahihirapan siyang humugot ng inspirasyon para sa nararapat na emosyon sa temang sadyang malagim.

“Ako, parang the way I feel pag nasa loob ako ng eksena is lagi ka lang talagang nagmamadali.

“You just... parang you wanna make the right decisions now kasi you won’t have time to correct it if you make the wrong decision. It’s like that.

“There’s always that feeling, kahit ano yung ginagawa mo.

“It’s either... like for example si Raquel [Rhian’s character], kailangan niyang piliin kung si Paolo [TJ Trinidad] ba o si Isaak [Dingdong Dantes].

“She needs to hurry up and make that decision kasi who does she want to be with when the world ends?” panimulang pahayag ni Rhian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Genesis, na ginanap nitong nakaraang Martes, October 8, sa ballroom ng Sequoia Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

At dahil tungkol nga sa katapusan ng mundo ang usapan, tinanong namin si Rhian kung ano ang tatlong bagay na gagawin niya kung sakali ngang magkatotoo ang ganung sitwasyon.

“E, di hindi na eere yung Genesis,” pabiro munang reaksyon ni Rhian sa tanong.

“One is, all of my savings that I’ve been working on so that I can get a house or something, I’m gonna spend it na. I’ll buy my dad a car.

“You know, I’ll just spend it on the people that I love, which will in turn also make me happy. It’ll make them happy, it’ll make me happy.”

Aanhin pa ng ama niya ang kotse kung katapusan na ng mundo?

“Wala, para naman, kasi alam ko dream ng dad ko magkaroon ng Ferrari. E, hindi ko naman yun afford, pero kung end of the world na, ite-trade-in ko na kung ano yung mga dreams ko para, ‘O sige, mag-Ferrari ka na, go!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then I would go skydiving. I’ve always wanted to go skydiving,” dagdag pa niya.

Hindi pa raw ito nagawa ni Rhian kahit kailan.

“Ewan ko, parang wala lang ano. Gusto ko talagang gawin pero parang there’s never really been an opportunity. Parang on a free day, lagi ko pa ring iniisip, like, ‘Are there any clothes that I need to pick up?’

“Yung chores, alam mo yun? Na ‘Is there anything that I need to pick up?’

“Parang, ‘Kailangan ko nang magpa-highlight ng buhok.’

“Yung mga ganun, so parang hindi ko naiisip yung, parang wala ako dun sa stage na parang, ‘Uy may free day ako, what’s on my bucket list?’

“Actually, I’ll try to do that, yung skydiving.

“Third na gagawin ko, ililibre ko mag-buffet lahat ng mga taong mahal ko, tapos kain lang kami nang kain, tapos baka dun na kami mamatay. It’s my joy to eat,” at tumawa si Rhian.

“Pero ano, parang where Genesis is going though, it could be the end of the world, pero it’s not the end of life kasi may way pa. Parang ganun, may way pa to save everything, so hopeful pa rin siya.”

Bukod kina Rhian, TJ, at Dingdong, nasa Genesis din sina Ms. Lorna Tolentino bilang Sandra Trinidad, Jackie Lou Blanco bilang Ramona Escalabre, Irma Adlawan bilang Tiya Fely...

Ronnie Henares bilang Emil Trinidad, Carlo Gonzalez bilang Waldo, Betong Sumaya bilang Tolits Dimagiba, Luane Dy bilang Jill Galvez...

Sasha Baldoza bilang Osie de Guzman, Rainier Gison bilang MJ Trinidad, at Annette Samin bilang Summer Trinidad.

WORKING WITH DIREK JOYCE. Pangalawang beses na ni Rhian makatrabaho si Direk Joyce Bernal. Ang una ay sa Stairway To Heaven.

“Sobrang happy ako pag nakakatrabaho ko siya kasi, parang feeling ko, she has such a deep understanding of people and the way they think.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung psychology and everything, so because of that I feel like she has a deep understanding of me.

“So that’s the behind-the-scenes part and then also in front of the camera naman, ang dami ko lang talagang natututunan sa kanya, e.

“Kasi parang sometimes, lalo na pag hindi mo pa nagagawa o napapagdaanan yung napagdaanan ng character mo, parang ang hirap i-act out kasi hindi mo alam kung ano yung mapi-feel mo.

“Pero some way or another—kasi never siyang maggu-good take unless happy siya sa performance mo—so one way or another she will get me there. Wala kang choice,” at muling tumawa si Rhian.

Bukod kay Joyce ay direktor din ng Genesis si Mark Reyes.

SNUBBING INCIDENT WITH MARIAN? Hiningan naman ng PEP ng paglilinaw si Rhian tungkol sa isyu na nag-isnaban sila ni Marian Rivera nang minsang dumalaw ang huli sa taping ng Genesis.

Dinalaw ni Marian ang kasintahang si Dingdong Dantes, ang male lead ng serye.

“No, walang isnaban na nangyari," agad na sagot ni Rhian.

"In fact when she walked in and said hi to everyone, and she brought food pa for everyone, I immediately got up and made her beso.

“But the thing is, we were sitting kasi waiting for a scene to start or waiting for the set to be ready, about the time that she came. Naging ready na din yung set.

“I had to change, I had to get ready for the scenes, stuff like that, so I just didn’t, you know, parang we didn’t have time to hang out.

“And besides, hindi naman ako yung vinisit niya dun, di ba?

“Siyempre si Dong so...”

Kumain ba siya ng dalang pagkain ni Marian?

“No, I was on a diet at that time. Swear, I was really on a diet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpansinan sila ni Marian?

“Yeah!” diin ni Rhian.

Samantala, kahapon, October 13, ay muling nagkita sina Rhian at Marian sa first birthday party ng anak ng GMA News reporter na si Aubrey Carampel.

Upang patunayang ayos na ang lahat sa pagitan nila, magkatabi ng upuan ang dalawang Kapuso actress, kasama si Isabel Oli, sa isang mesa.

Nagpakuha rin sina Rhian at Marian ng larawan, na ipinost pa nga ni Rhian sa kanyang Instagram account.

SYMPATHIZES WITH FANS. Handa na ba siya sa mga fans na mang-aaway sa kanya ngayong siya ang leading lady ni Dingdong?

“I don’t want to say na it’s expected, pero it’s, hindi naman specific sa kanila, e. Kasi para bang whenever, kasi ako, wala talaga akong loveteam, I’m not a loveteam person, you know.

“So every time that I’m partnered with someone, nanggaling na sila sa ibang loveteam.

“When I was partnered with Chard, it was Richard [Gutierrez] and Angel [Locsin]. JC [de Vera]/Yasmien [Kurdi], and then Mark was Mark [Herras]/Jennylyn [Mercado], di ba?

“Every time I’m partnered with someone, wala akong loveteam kasi.

“It’s not a path that I chose for myself, I didn’t want to be ano, I just wanted to work with everyone, parang ganun.

“Anyways, so parang yung nangyayari, not naman na ini-expect ko lagi, pero it’s, iyon yung napapansin ko na normal behavior ng fans.

“Kasi, siyempre, nakasanayan na nila na makita yung dalawa nilang idols together, tapos pag na-partner sa akin, it’s like, ‘Ha?’

“Parang ganun. Especially when you fall in love with a partnership, parang ini-expect mo na din na every show, sila na yung magkasama. Kasi ang dami na nilang nagawa together, bakit hindi yung show na ito? Parang ganun yung reason, e.”

Kaya naiintindihan daw niya ang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nage-gets ko naman din.”

At hindi siya nasasaktan kapag inaaway siya ng mga fans.

“You know what, as weird as this sounds, even when people get mad at me, I don’t think that it’s personal.

“Kasi hindi nila ako kilala, you know? Parang I don’t take it personally, unless kilala ko talaga yung tao, we see each other face-to-face, tapos galit siya sa akin, ayaw niya sa akin. Iyon, parang, ‘Ah okay, personalan ito.’

“Pero kung hindi kami magkakilala personally, and then they’re mad at me, I don’t get hurt kasi parang, wala, it’s just a behavior, parang ganun,” natatawang paliwanag ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN