Are Charlene Gonzalez and Toni Gonzaga leaving The Buzz?

Kahapon, October 12, sa Instagram ni Charlene (@itsmecharleneg) ay nag-post ito ng logo ng The Buzz, at ang tanging caption nito ay ‘Maraming Salamat…’ Marami sa mga followers niya ang nagtatanong kung ano ang kahulugan ng nasabing post, at marami rin ang lumabas na haka-haka, kabilang na ang posibleng pag-alis ni Charlene sa programa.


May katotohanan nga ba ang mga usap-usapang papalitan na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz?

Ilang araw na ring pinag-uusapan sa mga tabloids na diumano’y matapos mawala sa ere ang Showbiz Inside Report (SIR) ng ABS-CBN, ipapasok naman daw ang dalawang hosts nito, na sina Carmina Villarroel at Janice de Belen, sa The Buzz.

Kaya naman, patuloy ng mga tabloids, mawawala na sina Charlene at Toni sa showbiz talk show ng Kapamilya Network.

Kahapon, October 12, sa Instagram ni Charlene (@itsmecharleneg) ay nag-post ito ng logo ng The Buzz, at ang tanging caption nito ay ‘Maraming Salamat…’

Marami sa mga followers niya ang nagtatanong kung ano ang kahulugan ng nasabing post, at marami rin ang lumabas na haka-haka, kabilang na ang posibleng pag-alis ni Charlene sa programa.

Bagamat naging maugong ang mga espekulasyon, wala namang ibinigay na sagot si Charlene ukol dito.

Isang follower ni Charlene ang tila umakong sumagot sa mga tanong ng ilang nag-comment sa Instagram post ni Charlene.

Bandang 1:13 ng hapon, ani @meldyferrer, “She’s no longer part of the buzz together with toni..new hosts are janice de belen & carmina villaroel with boy abunda..”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring pahayag ng The Buzz, ABS-CBN at nina Charlene at Toni tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN