Sharon Cuneta on motherhood: “Mabuti akong anak, pero I think mas mabuti akong ina.”

Sharon Cuneta on being a good daughter and a good mother: “Uhm, siguro lahat tayo ganito. Yung nakikita natin sa magulang natin na feeling mo mas puwede pa i-improve, ita-try mong gawin pag may anak ka na. But, really, it’s for my children to say. I try to be good in both areas, kasi family is everything to me.”


Magsisimula na bukas, October 14, ang Madam Chairman, ang bagong tawa-serye ni Sharon Cuneta sa primetime ng TV5.

Aminado ang Megastar na ito ang kauna-unahang teleserye sa buong career niya. Napapayag daw siya dahil ang director ay si Joel Lamangan, head writer ay si Direk Joey Reyes, at ang ganda ng kuwento na nakakatawa, nakakatuwa, pero may saysay at social relevance.

“You’ve never seen me like this,” panimulang pahayag ng Megastar, sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Showbiz Police ng TV5, kahapon, October 12.

Paano siya naka-relate sa kanyang karakter sa serye, na si Bebeth de Guzman, isang housewife na magiging punong barangay?

Kuwento niya, “I think all mothers naman have that core similarity.

"Na, siyempre, mahal mo sa buhay, kahit kapatid mo, anak mo, magulang mo, basta malapit sa iyo, kahit nga kaibigan, di ba—pag nasaktan sila, lalo na kung anak mo, gusto mo ikaw na lang sana. Huwag na yung bata.

“Pero what KC [Concepcion] is, she’s at the right age now. Kaya na niya yung sarili niya.

“It’s just that ayaw ko lang nung sinungaling na gumagawa ng istorya. It’s very…[sabat ni Direk Joey Reyes, ’Para pagtakpan ang kanyang sarili’)…Parang ganun.”

ON KC’S LOVE LIFE. Pagdating kay KC, gumaganda ang career nito, pero tila tahimik ang kanyang lovelife sa ngayon?

Tugon ni Sharon, “Talagang as God is my witness, honest talaga, hindi ko alam.

"I think she’s ano…Siguro nahihiya na siyang mag-share sa akin, kasi baka hindi na naman mag-work. I know she goes out.”

Inamin naman ng Megastar na hindi siya yung tipong nag-uusisa tungkol sa mga ganung bagay. Pero minsan naman daw, tinatanong niya kung masaya ba ito o kung may mga dini-date ba ito.

Aniya, “I think na ano lang… because it’s so… she knows that I get emotional and she’s old enough... so because I’m so protective of my children and I think it’s normal for a mother.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang mga anak, kanino niya nakikita ang sarili niya?

Tugon niya, “Really Miel but also Frankie. Frankie is as musical as KC. I am a singer but she and KC know how to make good songs. Frankie and KC play instruments.

“Miel and I, we like drawing, and she likes to sing, she dances, parang its really Miel and Frankie.”

GOOD DAUGHTER OR GOOD MOM? Sa pakiwari niya, isa ba siyang mabuting ina o mas mabuting anak?

Sagot niya, “Sabi ko nga kanina e, paano ko kaya sasagutin ito?

"…Mabuti akong anak, pero I think mas mabuti akong ina.”

Paliwanag ni Sharon, “Uhm, siguro lahat tayo ganito. Yung nakikita natin sa magulang natin na feeling mo mas puwede pa i-improve, ita-try mong gawin pag may anak ka na.

“But, really, it’s for my children to say. I try to be good in both areas, kasi family is everything to me.”

Sa mga dating concert ng Megastar, palaging nakasuporta sa kanya ang mga magulang. Ganun din kaya ang suportang ibibigay niya sa kanyang mga anak?

Aniya, “Oh my God, yes! Yes! Very. Minsan pag may premiere si KC, hindi ako nagpupunta kasi I don’t like to steal any bit of the thunder that is… that should be hers.”

Sa buhay niya ngayon, sino ang pinakamahalagang pinagkukunan niya ng lakas at inspirasyon?

Tugon ng Megastar, “Dati, parents ko. Ngayon, mga anak ko. Asawa ko rin, pero really I’m a mother, e.

"Pag tinanong mo sarili mo isa lang naman yun: ano ba at sino ba ang gusto mong makasama pag mamamatay ka na?

“Kunyari nakahiga na ako, alam ko na, ba’t naman ako maghahanap ng iba? Dapat sana’y mga anak ko. I hope ganun din sila sa akin.

“Ang wish ko lang naman e patay na patay yung mga anak ko sa akin pagtanda ko. Hindi yung umiiwas sila. Hindi ko alam ang gagawin. Sabi naman ni KC, ‘Oh no, Mom, we’re gonna fight.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WISHES FOR A SEXY BODY. Para sa isang katulad ni Sharon na tila wala nang ibang hihilingin pa sa buhay, ano pa kaya ang ipinagdadasal niya sa ngayon?

Patawang sagot nito, “A sexy body.”

Patuloy pa niya, “A sexy body that used to be so easily achievable. Kasi dati, sexy ako.

“No, I think ano lang, it’s not that I’m not disciplined. There were just personal issues that you’d rather not say, so it’s taking some time to get used to it.”

Marami ang nagsasabi na minsan hinuhusgahan daw si Sharon dahil sa kanyang timbang.

Natatawang sagot ni Shawie, “There’s more to me than my taba.”

Paano kaya niya gustong maalala?

Aniya, “As a good person, who also happened to know a little bit about acting and singing.”

Makahulugan pang dugtong ni Sharon, “Hindi naman lahat ng kabutihan kailangang ibalandra. I’m not the type.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN