Niño Muhlach looks forward to doing more movies: “Naniniwala talaga ako na once an actor, will always be an actor... Hindi talaga maaalis na aarte at aarte ako.”

Niño Muhlach admits to having a difficult time doing Slumber Party: “Hirap din ako sa dialogue ko kasi salitang bading. Siguro, five days kong pinag-aralan yun. Ang hirap, ha? Nagkakabulul-bulol talaga ako!”


Kahit sabihin pang lipas na ang panahon ng kasikatan ni Niño Mulach, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang buhay-showbiz.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Naniniwala talaga ako na once an actor, will always be an actor.

“Kahit may iba pa akong inaasikaso sa buhay-negosyo ko, family ko, pero hindi talaga maaalis na aarte at aarte ako.

“Heto na rin kasi ang naging buhay ko mula three years old ako.”

Patotoo pa niya sa kanyang hangarin, “Tuloy pa rin ako sa pagdidirek ng shows and plays, nagdidirek din ako ng MTVs.

“I love what I’m doing, kaya nga nagtayo ako ng production para mag-encourage ng young talents na gawin nila ang gusto nilang gawin.

“Siguro sa ngayon, itutuloy ko pa rin ang pagdidirek at pati ang acting, basta may offer."


INDIE MOVIE. Natutuwa ang dating “Child Wonder of Philippine Cinema” na maipapalabas na finally, on a regular screening, ang indie movie niyang Slumber Party.

Dati na itong ipinalabas pero sa isang special screening lang, at ire-release muli ng Star Cinema sa unang linggo ng November.

Kuwento ni Onin, palayaw ni Niño, “Natutuwa kaming lahat dahil mas marami na ang makakapanood nito.

“First time ko pa naman na gumanap na gay at hindi ko alam how the public will react on me.

“Ang peg ko dito ay si Tita Nena. Marami ang nagsasabing kamukha ko raw siya."

Ang Tita Nena na tinutukoy ni Niño ay ang ’60s movie queen na si Amalia Fuentes, ang nakatatandang kapatid ng ama ni Niño, na si Alex Muhlach.

“Hirap din ako sa dialogue ko kasi salitang bading. Siguro, five days kong pinag-aralan yun.

“Ibinigay sa akin yung script, tapos meron silang CD na ibinigay sa akin na puro salitang bading.

“Ang hirap, ha? Nagkakabulul-bulol talaga ako!”



DOLPHY’S GAY ROLE. Naalaala niya ang pelikula ng yumaong Comedy King na si Dolphy, kung saan gumanap ito bilang tatay niya na isang bading din sa Ang Tatay Kong Nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw niya sa award-winning role ni Dolphy, “Yung role naman kasi doon ni Tatay Dolphy ay tagong bading, so iba yung packaging.

“Tapos, yun... drama, di ba? So, ibang-iba talaga sa role ko dito sa Slumber Party.

“Dito, makapal ang mukha ko, mahaba ang kuko ko, naka-heels ako.

“Yung wife ko nga, siya yung nagkakabit ng kuko ko, pati yung [hair] extension ko.

“Yung anak ko, ayaw niya... natatakot siya sa akin. Sabi niya, ‘No, you’re not my mama?’”


NEXT CHILD WONDER? Natuon tuloy ang kuwentuhan tungkol sa kanyang anak na si Alonzo, na sinasabing kamukhang-kamukha niya.

Paano kung dumating ang panahon na kahiligan din nito ang pag-aartista, papayagan ba niya?

Pahayag ng dating child star, “Okay lang sa akin, nasa dugo naman niya talaga, e."

Kadugo ni Niño ang mga kilalang artista tulad nga ng Auntie Amalia niya, mga pinsang Liezl Martinez, at Aga at Arlene Muhlach.

“Sabi ko nga ay hindi naman masama ang naging experience ko sa pagiging artista.

“So, kung gusto niya, full support ako sa kanya. Next child wonder siya! Ha-ha-ha!

“Pero, kung ayaw niya talaga, hindi ko siya pipilitin.”


NEW GENERATION. Marami ang nagsasabing mahirap nang pantayan si Niño ng mga nagsusulputang child stars ngayon.

Paliwanag ng minsa’y binansagang Child Wonder, “Siguro, kaya nasasabi nilang mahirap nang ma-achieve ang nagawa ko noon, kasi wala ng mga pelikula ngayon, e.

“Kung may child wonder man ngayon ay nasa TV na lang, di ba?

“Wala nang nagbibida sa pelikula, at iba ang TV. Ako, puro pelikula ang ginawa ko.

“Ngayon, parang hindi na puwedeng gawin yun ng mga child stars natin ngayon, e—ibang-iba na.”

Gayunpaman, aminado si Niño na tuwang-tuwa siya sa pinakahuling TV child sensation na si Rizza Mae Dizon.

“Ah, oo. She’s very smart,” nangingiting puri niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very smart in a way na parang street-smart ba—yung talinong-kalye.

“Parang mas matalino pa siya sa matanda.

“Parang nakikita ko nga yung sarili ko sa kanya noon. Tapos, mabait siya, very lovable, wala siyang ere.

“Kasi may ibang child stars na... sorry, ha? May iba kasing batang artista na feeling talaga nila ay sikat na sikat sila.

“Sorry talaga... pero, siya [Rizza], talagang wala.”


OTJ. Nang ilihis ni Niño ang usapan ay pinag-usapan naman namin ang role niya sa OTJ (On The Job), na umani ng maraming papuri para sa kanya.

Aniya, “Alam mo, very proud talaga ako sa role ko doon.

“Kahit ganoon lang kaikli yun, pero markado naman. Kahit ganoon siya, pero nasasama ako sa reviews.

“Yun. Talagang haping-happy ako doon.

“Kaya kahit nga hindi siya ang ipapadala sa Oscars, pinag-usapan naman siya internationally.

“Sana nga matuloy yung sabing remake sa Hollywood.

“Kahit hindi siya nakapasok sa Oscars, pero yung Hollywood version, malaking bagay na rin yun sa atin, di ba?” pagtatapos niya.


PREVIOUS MOVIES. Naging phenomenal child star si Niño noong dekada sitenta.

Ang ilan sa mga ginawa niyang pelikulang noon ay ang Lulubog Lilitaw Sa Ilalim ng Tulay; May Lalaki Sa Ilalim ng Kama Ko (1974); Ang Leon at ang Daga (1975); Jack En Poy; Ang Pagbabalik ni Harabas at Bulilit...


Tahan Na Empoy, Tahan (1977); Ang Tatay Kong Nanay; Bruce Liit; Butsoy; Magkaaway; Kaming Mga Patok na Patok (1978); Kuwatog (1979); at Darna at Ding (1980).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN