Bea Alonzo jibes co-star Enrique Gil: You make me feel so young

When asked how she was able to relate to her character in She’s The One, Bea answered, “Siguro yung pagiging independent. I may not look like independent, but I am really. Promise. Siguro, yung hindi aasa sa ibang tao.”


Sa pelikulang She’s The One, mahuhulog ang loob ng karakter ni Bea Alonzo sa mas batang karakter, na gagampanan ni Enrique Gil.

Noong una raw, nagdalawang-isip pa ang 25-year-old actress dahil naisip niya na sobrang mas bata ang karakter ni Enrique para sa kanya.

Si Enrique ay 21 years old.

Sabi pa niya, “Like ako, sa totoong buhay, I can’t imagine myself falling in love with a younger man, as young as Enrique.

“Sabi ko, ‘Magwo-work ba ito? Baka naman laitin ako sa Internet?’

“Pero sabi nila, in-assure nila ako na mai-in love ako sa story. Of course, malaki ang tiwala ko sa kanilang lahat so, I said yes."

Kaya naman habang ginagawa ang pelikula, napaisip daw si Bea, “Kaya pala may mga babaeng nai-in love sa younger men, because nakikita nila yung mga nawala nilang pagkakataon to have fun.”

Sabi pa niya, “I had fun working with Enrique also because naibabalik niya yung energy, ang saya pala maging bata ulit.

“Habang ginagawa ko yung pelikula, parang nagiging bata yung pakiramdam ko rin.

“So, parang it makes me feel also kung ano yung nararamdaman ng mga babae kung in love with a younger man.

"When I was doing the movie, naiintindihan ko sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Bea sa blog conference ng pelikulang She’s The One noong Biyernes, October 11.



WORKING WITH A KAPUSO STAR. Samantala, natutuwa rin si Bea sa pagkakataong naibigay sa kanya para makatrabaho si Dingdong Dantes, na kilalang aktor mula sa rival network ng ABS-CBN na GMA Network.

“Refreshing because hindi ko siya laging nakikita,” ang unang paglalarawan ng Kapamilya actress sa pakikipagtrabaho niya sa Kapuso actor.

Noong una raw ay nag-aalangan si Bea dahil matagal nang mag-best friend ang karakter nila ni Dingdong sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, yung pagiging mag-best friend, yung history, hindi madaling i-take, e. Hindi magiging madali maging kumportable sa isa’t isa.

“Sabi ko, sana we should be open as much as possible, para hindi ako masyadong mahirapan, like, sa holding hands.

"So, sana maging open siya.”

Mabuti na lamang daw at madaling katrabaho si Dingdong.

“Natutuwa naman ako na naging open siya. He’s very professional and he knows what he’s doing.

“Alam mo yung I’m not worried that he’d be uncomfortable kung hahawakan ko siya or I talk to him.

“Kahit na siguro yung mga hirit na nabibiro ko kay John Lloyd [Cruz], nabibiro ko na rin sa kanya.”

Sa kabuuan, ani Bea, “I’m very, very, happy na nag-work naman.

“I’m very happy to have worked with someone like him. I always call him the closet geek kasi ang dami kong natutunan sa kanya.

“Para siyang si Kuya Kim, ang dami niyang trivia. I really had fun working with him.”

CLOSE TO HERSELF. Malapit daw ang personalidad ni Bea Alonzo sa karakter na ginagampanan niya sa pelikulang She’s The One.

Katulad ng karakter niyang si Cat, maaga ring nagtrabaho si Bea para sa kanyang pamilya.

Matatandaang nakilala si Bea sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay (2002), kung saan gumanap siya bilang isang batang abugado na si Katrina Argos.

Fourteen years old pa lamang siya nang gampanan niya ang karakter ng 21-year-old na abugado.

Sabi ni Bea, “Yung part na she lost her youth, ganun din ako, kasi I had to work early. Pangalawa, siguro yung pagiging independent.

"I may not look like independent, but I am really. Promise. Siguro, yung parang hindi aasa sa ibang tao.”

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Hindi ako nagdu-dwell sa problem.

“Kasi, every time I have a problem, ang iniisip ko kaagad, e, five years from now. Medyo may pagkaganun ako, futuristic. Parang kapag hindi ito nag-work, kailangan may plan B ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kasi na-form yung attitude kong ‘yon dahil sa pagiging breadwinner ko, parang I cannot play anymore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN