Maxene Magalona on non-showbiz boyfriend Chino Copuyoc: "I’m so blessed na ako ang napili niya."

Sa tagal na rin ng panahon na nakakatanggap ng pambabatikos mula sa bashers, natutunan na raw ni Maxene Magalona na parte ito ng isang pagiging artista. Sabi niya tungkol sa pagbabahagi ng kanyang lovelife sa publiko, “I want the people to know who’s making me happy, what’s making me happy, because they deserve to be acknowledged."


“I’m happy. Very, very happy."

Ito ang paglalarawan ni Maxene sa relasyon nila ng kanyang bagong non-showbiz boyfriend na si Chino Copuyoc.

Dagdag pa ng Kapuso actress-TV host, "You know, parang everything was perfect timing lang talaga.

“I know, may ibang relationship na ang tagal na nila—two years, three years. Kami, ano pa lang kami, like a few months pa lang.

“It’s not naman the quantity but the quality of the relationship talaga.

“I mean, there are people who are in a relationship for more than ten years, but they are not happy.

“So, ako, I really wanna... so, you know, ako, with everything that I’ve been through and I’ve gone through, I wanna make things right.

"You know, I wanna take care of this, of what I have.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa taping ng GMA afternoon soap na Mga Basang Sisiw sa Boystown, Marikina, noong nakaraang linggo.

IS HE THE ONE? Nararamdaman ba niyang si Chino na ang huling lalaking mamahalin niya?

Sagot ni Maxene, “You know, ayokong batiin, e.

"You know, you always have that feeling. Ako naman, ganoon ako ma-in love. You get excited. You know, for me, I get overly excited. I get, super oh my gosh!

"Nae-expressive ako na I’m so happy. Kasi, totoo naman.

“At one point, kahit sa mga past relationships ko, I was happy and I don’t deny that.

"So, when I said all of those things before, every time I would express what I’m feeling, that was really what I’m feeling at that moment.

“Pero siyempre, hindi nag-work out.

"Pero this time, I’m also expressing that I’m very, very happy. But I don’t want to make bati, baka... alam mo na?

"At saka, parang with this relationship, I’m just so scared. I just really wanna be careful and take care of it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Isa pang katangian ng relasyon na ito ni Maxene ay hindi taga-showbiz si Chino, na ayon sa aktres, ay isang banker.

“He’s working na. And he was trader of the year ng BPI [Bank of the Philippine Islands] for two years.

"I’m so proud and he’s only twenty-six. He’s of my age. He’s three months younger than me."

Pero idiniin ni Maxene na ayaw niyang ikumpara ang mga naging non-showbiz boyfriends niya sa mga nakarelasyon niyang taga-showbiz.

Aniya, “Actually, I had a relationship with a guy na six years, na non-showbiz.

"So, ako talaga, I don’t have requirements. Ang unfair nun, kasi ibig sabihin, dapat sila rin may requirement for me. What if, yung taong idine-date ko, ayaw ng artista?

“Ayoko kasing magbigay ng ano... I want the person to love me and see me for what I do.”

Muli naming tanong sa kanya: Umaasa ba siyang si Chino na ang lalaking para sa kanya?

Sabi ni Maxene, “Well, I don’t want... kasi naman, when you say it’s the one na talaga, it’s one person that you won’t give up, di ba?

“Yun yun, e. You don’t really know kung the one ba ‘to. But once you make the conscious effort to make the person feel special, and to make that person happy, I think, yun na yun.

“Just thinking about it, siyempre kinikilig ako.

"I’m not getting any younger, pero alam mo yung pressure, oh my gosh!

“Siyempre, let’s be realistic, I’m turning twenty-seven this November. Siyempre, doon at doon na rin papunta yun, where else?

"But, siyempre, e, I don’t wanna jinx it.

“Siyempre, the thought gets me excited. And what excites me the most, the guy I’m with now is so caring and so loving, which actually made me so excited for the future. You get what I mean?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can be twenty-seven now, but I can’t be with someone who I don’t see a future with or I can’t imagine being a good father or a good husband.

“But Chino, I can see he’s such a good guy, and any girl would be lucky to have him.

"And I’m so blessed na ako ang napili niya.”

"HE MAKES ME LAUGH." Ano naman ang mayroon sa relasyon nila ni Chino ngayon at gusto niya itong alagaan?

“Ano ba... he makes me laugh talaga,” sagot ni Maxene.

“Chino was the one who told me, sabi niya talaga, ’Crying, puwede mong pekein ‘yan. Pati yung paggalit mo, puwede mong gamitin na galit ka.’

“Pero yung tawa, genuine. Yung tawang-tawa ka, yun ang hindi mo puwedeng mapeke.

“And he makes me laugh every day.

"You know, yun lang ang importante na, you know, a guy can make you cry, but as long as he makes you laugh naman na may pambawi.”

Ngayon lang ba niya naranasan ang ganitong klaseng relasyon?

“Well, I laughed din naman in the past. But this time, you know, it’s parang constant.

"It’s consistent and he’s so patient. I can feel the sincerity.”

Kay Chino ba, walang mga bawal, lalo na sa mga ginagawa ni Maxene sa showbiz?

“Wala, he trusts me,” nakangiti niyang sabi. “Magkaibigan kami noong college pa lang.”

Dugtong pa niya, “Eto pala, ang gusto kong sabihin is, our relationship is very healthy. Very healthy.

“Open communication, everything, we talk about. We talk every day.

"He’s really a best friend to me more than my boyfriend—he’s a best friend.

"So, talagang I’m very happy."

Kumusta naman sila sa kanya-kanyang pamilya?

"Well, his family is so nice. He has his mom, dad, and a sister. Small family sila, dalawa lang silang magkapatid. Me, my sisters, my brothers, my mom, and yung family ko sa kanya, they super love him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, of course, si Saab [Magalona, Maxene’s younger sister]. Magkaibigan kasi si Chino at ang boyfriend ni Saab, magbarkada sila.

“So, we all get along. It’s just happy. Happiness, ganoon lang.”

EX-BOYFRIEND. Ang huling boyfriend ni Maxene, bago naging sila ni Chino, ay si Renz Fernandez.

Gaya ni Maxene, nasa Kapuso network na rin ngayon ang bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Rudy Fernandez. Nagkaroon na ba ng pagkakataon na nagkita na sila sa GMA compound?

“Hindi pa, hindi pa,” sagot ni Maxene.

Nangiti naman ang aktres nang tanungin ng kung papayag kung pagsamahin sila ni Renz sa isang proyekto.

Sabi niya, “Why not? Work is work. And, you know, Tita Lorna is also in the industry. Si Kuya Rap [Fernandez, Renz’s older brother], for sure, at one point, magkakabanggaan din kami.

“You know, Renz will always be a friend. Even his family, they were so nice to me.

"Yun lang, hindi naman ibig sabihin, porke’t hindi nag-work out noong naging kami, kailangan yung buong mundo, tumigil at hindi na kami magpansinan.

“It’s just very immature.”

NEGATIVE COMMENTS. Isa si Maxene sa mga artistang madalas nakakatanggap ng negatibong komento mula sa netizens.

Ito ay dahil sa pagiging vocal niya sa kanyang mga opinyon, at pagiging bukas niya kapag nagkakarelasyon siya.

Sa mismong Instagram account nga ni Maxene ay may ilang followers na nangba-bash kapag nagpu-post siya ng mga larawan nila ng kanyang boyfriend.

Naaapektuhan pa ba siya sa mga negatibong komento sa kanya?

Sabi ni Maxene, “Paiba-iba na naman... yung mga ganoon.

“You know what, at first, siyempre, ang una kong thought bubble was, ’Kilala niyo ba ako? Who are you to talk about me that way?’

“But I have to understand na yun lang din kasi ang nakikita nila, and they do not understand the story behind it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, it’s because napapaisip ako, ’Sana ba, hindi ko na lang sinabi ang mga dati kong relationship para hindi na lang nila nalaman?’

“Pero ayoko, e. I want the people to know who’s making me happy, what’s making me happy, because they deserve to be acknowledged.

“The people who make me happy, and even my family and friends, I want the people to know.

"I share with the people what I wanna share. Pero yun na nga, sometimes, ang nangyayari, hindi nila naiintindihan.

“Ang sa akin, nakakainis, pero ganoon talaga.

"That’s the price you have to pay for being a celebrity. Deadma na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN