KC Concepcion spends time-out from TV shows entertaining suitors: "Hey, girl din naman ako!”

Kung mayroon man daw iniiwasan na klase ng manliligaw si KC Concepcion, ito ay ang mga "lalaking mas madaldal pa sa babae" at "masyadong showy." Kabilang sa kanyang mga manliligaw ay mga kasamahan niya sa showbiz na "hindi showbiz mag-isip."


Ngayong wala pang bagong pinagkakaabalahang TV show si KC Concepcion, may pagkakataon daw ang dalaga na mag-entertain ng mga manliligaw at kilalanin ang mga ito.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal), pagkatapos ng hosting job niya sa 5th Star Awards for Music sa grand ballroom ng Solaire Hotel and Casino noong Linggo, October 13, inamin ni KC ang pagbibigay-oras niya sa kanyang mga manliligaw.

Saad ni KC, habang nangingiti, “Yes naman, before siyempre yung pagka-career girl mo, maganda rin naman yun na meron kang independence bilang babae.

"Pero nari-realize ko na, ’Hey, maganda rin naman pala na meron kang kilig, meron kang mga ini-entertain na guys siyempre.’

"Kasi, nakaka-girl din naman yung ganun. Hindi mo dapat makalimutan na, ’Hey, girl din naman ako!’”

Inamin din ni KC sa PEP na hindi lang mga non-showbiz ang mga manliligaw niya, mayroon ding mga kasamahan niya sa showbiz industry.

“Meron ding mga tiga-showbiz, pero hindi showbiz mag-isip,” sabi ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta sa dati nitong asawang si Gabby Concepcion.

Artista ba ang mga ito o working behind the camera?

“Mga pareho! Ay, hindi-hindi! Parang artista rin!” napahalakhak na sabi ni KC.

Patuloy niya, "Actually, ang diskarte ko ngayon, i-friend sila. Yun talaga, sa akin. It doesn’t have to be romantic from the start.

“I mean, I have to be honest. Siyempre, meron din namang mga cutie na nagpapakilig sa akin now. Kasi, nakaka-girl.

"Mas napi-feel ko na mas nakaka-let go ako nang hindi na ako takot, na hindi ka dapat in control lagi.

“Parang okey lang siguro na ma-trauma ka minsan, para hindi mo na i-allow ang sarili mo na makaramdam uli ng mga feelings, di ba?

"Kasi, parang ganun ang ginagawa ko for the longest time, e.”

PINOY VS. FOREIGNER. May pagkakaiba ba ang panliligaw ng mga non-showbiz sa mga tiga-showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa halip na ikumpara ang mga non-showbiz sa mga tiga-showbiz, ikinumpara ni KC ang mga manliligaw na Pinoy sa hindi Pinoy.

Sabi niya, "Well, siyempre, pag Pinoy, alam na nila yung life mo dito. Alam na nila kung paano tantiyahin. Kasi siyempre, alam nila yung journey mo bilang artista at public figure.

“Kasi pag hindi tiga-rito, kailangan mong ipakita sa kanila kung saan ka nanggaling at kung ano yung situation dito.

"Na parang baka meron silang ini-expect na may gagawin ang isang girl na hindi mo gagawin bilang Filipina. Yung openness, parang gano’n.

“May mga ganun pa rin na unspoken culture ng Pinoy na hindi pa gannu ka-normal sa tiga-ibang bansa.

"Pero yung showbiz and non-showbiz... siguro yung sweet type lang talaga yung hinahanap ko.

"Malapit lang siguro sa akin yung mga maginoong-bastos, pero sweet.

"Alam mo yung ganun? Expressive.”

Pero paglilinaw naman ni KC sa pagiging open niya sa mga manliligaw, “I mean, I don’t wanna naman na sabihin na lahat ng mga lalaking lumalapit sa akin, nanliligaw.

"Siyempre, at the end of the day, marami rin naman akong kaibigan. Ayoko naman silang ikumpul-kumpol, di ba? Na parang eto yung mga ano ko.

"Siyempre naman, may respeto ako sa bawat isa. Iba-iba naman ang mga tao.”

Ano ang kilig na hatid sa kanya ng may mga manliligaw?

Sabi ni KC, “Pag hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila at padadalhan ka nila ng kanta, na nandun lahat ng gusto nilang sabihin.

"Ayoko kasi ng mas madaldal pa sa akin. Pag medyo may pagka-silent type siya, parang mas mysterious sa akin.

"Sabi nila, huwag ka raw kukuha ng lalaking mas madaldal pa sa babae. Saka yung hindi masyadong showy.

"Alam mong yung mga bagay na private, alam mo talagang hindi lalabas."

Dagdag pa niya, "Totoong tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN