Richard Poon still “courting” wife Maricar Reyes: “Hinahabol ko pa rin siya up to now, may ligawan factor pa rin.”

Richard Poon says he and Maricar Reyes constantly communicate to keep their bonds strong: “Lagi akong on my toes, lagi kaming nag-uusap. Per week, dapat may amount of hours na nag-uusap kami… sarap! Ang sarap ng pag-uusap namin.”


Malapit nang mag-Platinum ang kauna-unahang self-titled pop album ni Richard Poon, ang Legend, under Universal Records.

Pakiramdam niya, may kinalaman ang pagiging in love nila ng kanyang asawang si Maricar Reyes sa success ng album niya.

Sina Richard at Maricar ay ikinasal noon lamang June 9, 2013, sa Bellevue Hotel, sa Alabang, Muntinlupa.

Sabi ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro may kagagawan ang aking asawa doon.

"Ewan ko… dahil ba in love ba kami kaya bumebenta ang album?

"Kasi puro love songs yung laman ng album, e.”

Nakausap ng PEP si Richard sa 5th Star Awards for Music noong Linggo, October 13, sa Solaire Resort & Casino.



IN LOVE. Hindi rin naman masabi ni Richard na nagbago ang kanyang musicality mula nang mag-asawa siya, kahit ganito ang assessment ng iba sa kanya.

Sabi niya, “Ewan ko, pero parang feeling ko, pareho lang.

"Pero yung ibang tao, sinasabi nila mas in love daw ako ngayon.

“Totoo naman na in love ako. Pero they see na it comes out daw in the vibes I have.

“Ako naman, ang feeling ko, para lang naman akong… I think, I’m same as before, same as today… wala naman.

“Pero natutuwa talaga ako sa kanya,” pagtukoy niya kay Maricar.



CHANGES. Paano ba nabago ang buhay niya mula sa ilang buwan na nilang pagsasama ni Maricar bilang mag-asawa?

Saad ni Richard, “Ako, maganda yung change, e, kasi hindi ko na siya kailangang uwiin, e.

“Dati, uuwiin ko siya talaga, e, tapos lagi kaming phone.

“Recently nga, may taping siya for Honesto, tatlong araw siyang wala sa bahay.

“Naka-book siya sa Pampanga, doon ang taping niya.

“Tapos, sinasabi niya na, ‘Hon, parang hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko.’

“Ako rin, sinasabi kong, ‘Hindi rin ako sanay na wala ka sa tabi ko.’

“Mag-isa lang ako sa kama, hinahanap ko siya… parang kulang, e. But we talk a lot. Nasa Pampanga siya, nag-uusap kami sa phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang sabi niya sa akin, ‘Alam mo, ‘eto yung ginagawa natin dati.’

“Hindi ko na maalala sa sobrang araw-araw kaming nag-uusap. Hindi na kami nagpo-phone ngayon.

“Kasi, lagi sa bahay, usap kami nang usap. So, hindi na kami nagpo-phone. Recently, noong naghiwalay kami, nag-phone uli kami.

“Naalala ngayon namin na ganito kami magligawan, ganito ko siya nililigawan... parang bumalik lang.

“Usually sa bahay, we’re always together or either eating out with friends, doing shopping, we do vacations together.”



LONG DISTANCE. Sa ngayon, walang specific arrangement sina Richard at Maricar kung gaano katagal ang limit nila sa isa’t isa na magkahiwalay dahil sa trabaho.

Sabi ni Richard, “But we made a promise to each other na we won’t allow too much distance.

“Sa ibang couple, okey sila na trabaho sila, two weeks silang hiwalay. Pero kami, kailangang magkita.

“So, ako, I may not have details, pero may limit ako na kung masyadong matagal… Halimbawa, kung may US tour ako, pakikiusapan ko yung producer na siya na lang ang isama. So, plus one ako.

“Or kung matagal siya, pupuntahan ko siya sa Pampanga. Hindi puwedeng matagal, hindi maganda yung matagal.

“Para sa akin, ha? Base ko lang naman.”

Alam ba ito ni Maricar?

“Oo, nag-uusap kami. Siyempre, tuwang-tuwa siya. Alam mo, any girl if… huwag lang maltratuhin…

“I think any girl would love to be pursued and pursued kahit married.

“Hinahabol ko pa rin siya up to now, e, may ligawan factor pa rin.

“Hindi siya mahilig sa flowers. Chocolates, hindi masyado. Pero cookies, mahilig siya sa cookies.”


REVELATIONS. Ano pa ang mga nadi-discover niya kay Maricar ngayong nagsasama na sila?

Lahad ni Richard, “Well, she’s a triathlete. Ako naman, hamak na… kitang-kita ninyo naman na wala akong ka-muscle-muscle sa katawan.

“So, I bought a bike yesterday [October 12], tapos nakita niya, tuwang-tuwa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Hon, you have a bike na, weekend biker ka na.’

“Tuwang-tuwa siya, kitang-kita mo yung mata niya na parang binigyan mo ng kendi. Ganoon yung tuwa niya.

“Kasi nga, triathlete. E, ako naman, hindi ako triathlete.

“So, sa ibang mga friends namin, kung ano yung trip mo, sige, inuman ka sa mga barkada mo.

“As much as possible, kung puwedeng ganoon kami, hindi kami sana maghihiwalay masyado.

"Pero kailangan din, e. So ako, samahan ko siya sa bike. Ako, samahan niya ako sa mga trip ko na hindi niya masyadong trip.”


SACRIFICES. May mga sacrifices na ba para lang sa pag-ibig?

“Oh, yes!" bulalas ni Richard.

"Lahat ng mentors, including Jose Mari Chan, yung mga ninong na… there’s no such thing na marriage will work without sacrifice.

“Kung maging tamad ka, puwedeng maging okey kayo the first five years.

“Like, Martin Nievera told me, ‘Richard, the first ten years with Pops [Fernandez] was great.’

“Sabi ko, ‘Really? So, what happened?’

"Sabi niya, ’You just have to take care of it.’ Parang sinasabi niya, ’Don’t neglect your marriage.’

“So, hindi siya kailangan na parang malaki na yung ulo ko. Okey na kami, e. We started okay naman.

“Once you start getting loose about it, usually puwedeng mag-deteriorate yung marriage, e.

“So, I have to be constantly on my toes na, ‘Nag-uusap ba kami? Okey ba siya? Am I meeting her needs? Am I making her happy?’ Lagi akong on my toes, lagi kaming nag-uusap.

"Per week, dapat may amount of hours na nag-uusap kami… sarap! Ang sarap ng pag-uusap namin.”

Paano naman pinasasaya ni Richard si Maricar?

“Ako, conversation talaga, e, she likes conversing.

"Kaya nga sabi ko, maraming mas guwapo sa akin. May muscle at six packs na nanligaw sa kanya. Pero ako ang pinili niya because I can speak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can really, really draw out the little Maricar inside of her. Kaya ko, e.

“Siguro, bias ang personality ko. Wala man akong muscle, pero kaya kong maglabas ng thoughts niya, e.”


COMPROMISES. Wala pa bang mga tampuhan?

“Meron. Meron, meron," pag-amin ni Richard.

"Alam mo, sinasabi ng ibang couples, you fight about the silliest of things. So, ako, may boundaries kami. No shouting, bawal sumigaw.

"Kaya ako, pag sumigaw ako, magti-T sign yun—timeout, hindi puwedeng sumigaw.

“May agreement kami na kailangan if I shout, do the T sign. So, kailangan tigil ako.

“Hindi ako puwedeng mag-shout. Kailangang ibaba ko yung boses ko.

“No walking out, no sarcasm.

"Kasi yung iba, tolerated, e. Puwedeng sumigaw, ibi-bear mo na lang. Pero hindi, e.

“Pag walang boundaries yung galit, yung respeto flies out the door.

"Wala na hundred percent, kahit mahal ninyo ang isa’t isa... wala, e.

“So ako, honestly, yung anger issues, mas ako, e. Kasi yung family ko, more on confrontational type, e.

“So, I put those guards on our marriage for myself.

“Kasi between the two of us, hindi naman nagagalit yun, e, mas ako yung mabilis gumano’n. Ako yung nag-impose ng rules na yun, kasi I have to protect her.

"Ang role ko is to protect her. Ang mahirap naman, I need to protect her from me. So, kailangang mag-boundary ako.

“I fight, shout, I raise my voice, she makes the T sign.

“Minsan hindi niya nagagawa, wala. Minsan, nagkakasamaan ng konti."


ADVISERS. May mga counselors daw sina Richard at Maricar sa mga panahong hindi sila nagkakaunawaan.

Ani Richard, “Pero ang maganda, we patch things up.

"Tapos minsan, may nagre-referee sa amin, meron kaming mentors na married. I think it’s good.

"Sabi ng mga nagtuturo sa amin, na to have mentors in marriage na married din, para balanse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halimbawa, ikaw may asawa. Yung asawa mo nagsumbong sa akin, tapos yung asawa mo nagsumbong sa iba. Ang tendency, maghiwalay.

“Halimbawa, nagsumbong ka sa akin, siyempre magkaibigan tayo, kakampi ako sa iyo. Kampi naman yung asawa mo sa kung saan siya tumakbo.

“Pero kapag married kami, ‘Oy, ikaw tama ka. Pero ‘eto rin ang mali mo, ‘eto naman ang mali niya.’

“Pag married din, sabay kaming magka-counsel na mag-asawa.

"So, ang mentors namin, mag-asawa rin, hindi single.”


“LITTLE SIOPAO.” Kailan na ang plano nilang magka-baby?

“Well, tingnan natin.

"Ako, alam mo kami… kung puwedeng one and half years onwards, para maka-enjoy naman siya as a single or kaming lang dalawa, sana.

“Pero kung lumabas ang maliit na siopao namin, okey naman… ang tawag namin, ’little siopao.’

“Kung dumating yung little siopao, kasi maputi, di ba? Sabi ko, pag lumabas yung little siopao, okey naman.

“Sabi niya, okey naman.

"Tingnan natin kung may lumabas na little siopao this year. Kung wala, e, di tingnan natin [next] year.”

Hindi ba nila kinu-control ang pagbubuntis ni Maricar? “We tried to, you know, count the days. Pero alam mo, niloloko ko nga siya dati, ‘Gusto ko ng twins, gusto ko sampu!’

“Alam mo, nagro-roll yung eyeballs niya, e.

“I think one muna, kasi she wants to take it slow, e. Alam mo yun? Which I respect. Kasi ang priority ko, siya over the child, e.

"I know, mostly sa culture, it’s more the child, not the wife.

“Ako, wife… dapat wife muna bago anak, e. So, I really prioritize wife.

“Kasi pag nagkaanak, definitely lahat ng focus ninyo, whether you like it or not, doon mapupunta yun.

“Ang daming magsasabi sa iyo na they didn’t get to go abroad because of the kids.

“So, ako, gusto kong ibigay kay Maricar as much as… I’m trying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masasabing perpekto ako, ita-try ko na one and half years na mag-enjoy na kaming dalawa lang.

“Yun, nai-enjoy niya yung honeymoon once namin sa Taiwan.

“Sana ma-enjoy pa niya yun muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN