Sarah Geronimo says "yes" to The Voice of the Philippines Season 2

The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg">

The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg">

When asked about the extreme challenge she has faced in life, Sarah Geronimo replied, “Pinaka-recent yung The Voice of the Philippines, kasi it came to a point na parang ayaw ko na. Kasi, ang daming bashers, di ba?”


Itinuturing ni Sarah Geronimo na isa sa mga “extreme” challenge sa kanyang career ang pagiging coach sa katatapos pa lamang na The Voice of the Philippines.

“It came to a point na parang ayaw ko na,” sabi ng 25-year-old singer-actress sa maiksing interbyu matapos ang pagpirma niya muli ng kontrata para sa iniendorso niyang Xtreme Magic Sing kaninang tanghali, October 16, sa Rembrandt Hotel sa Quezon City.

Patuloy pa ni Sarah, “Kasi, ang daming bashers, di ba?

"Parang, ‘Oy, hindi siya credible,’ ‘Wala namang sense ‘yong sinasabi niya,’ o maarte raw ako masyado sa Blind Audition kasi di ako ganun ka-frequent umikot.

“Pero tinanggap ko ‘to and kailangan pangatawanan ko yung trabaho o yung task na ibinigay sa akin.

“Kailangan talagang malagpasan ko.

“Hindi naman with flying colors, pero kailangan mabigyan ko siya ng hardwork, ng dedication, so talagang tinapos ko.”

Si Sarah ay isa sa apat na coaches ng naturang reality-singing talent show ng ABS-CBN na hango sa American show na The Voice. Ang iba pang mga coach na kasama niya ay sina Lea Salonga, Bamboo Mañalac, at Apl de Ap.

Sa kabila ng mga negatibong komento tungkol sa kanya, ipinagpatuloy raw ni Sarah ang kanyang trabaho dahil naisip niya, “This is not about me anymore. Hindi na ako ‘yon e.

“So what kung i-bash nila ako. Hindi naman ako ‘yon, e.

“Yung artist ko ‘yon, yung team ko.

"So, talagang nag-concentrate na lang ako sa kanila at natapos ko naman.”

Kaya bagamat may ilang ayaw sa kanya na maging coach sa naturang programa, hindi ito naging hadlang para muling tanggapin ang trabaho para sa ikalawang season ng The Voice of the Philippines.

Kinumpirma niya kanina, “Nag-yes na po kami for the second season.

“Noong una, ayaw ko kasi traumang-trauma na ako, e.

“Pero sabi ko, si Ms. Lea nag-yes na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap sa pakiramdam ang naging bahagi ka ng pagtupad ng pangarap ng ibang tao.

“In a way, parang nakakatulong ka na rin kung anuman yung naibibigay mo, naise-share mo sa mga tao. Masarap.”



PROUD OF KLARISSE. Kahit hindi nagtagumpay ang pambato ng Team Sarah sa grand finals na si Klarisse de Guzman, nananatili namang proud si Sarah sa kanya.

Natalo si Klarisse sa final showdown nila ng pambato ng Team Lea na si Mitoy Yonting.

Sabi ni Sarah, “Sobra-sobrang proud ako sa team ko, especially kay Klarisse.

“Talagang sa puso ng maraming tao, talagang siya ang panalo.”

Aminado ang pinakabatang coach ng The Voice of the Philippines na nakaramdam siya ng lungkot nang hindi nanalo si Klarisse.

Pero aniya, “Wala, siguro part pa rin ng competition ‘yon.

“Part naman talaga ng competition na mayroong nananalo, mayroong natatalo.

“Pero para sa akin, sa puso ko, siya yung panalo, at sa puso ng maraming tao.”

Nilinaw rin ni Sarah, “Palagi ko rin pong sinasabi na hindi po ako bitter.

“Masaya po ako kay Mitoy. Siyempre, pangarap po ni Sir Mitoy ay natupad.

“‘Yon naman ang ipinagdadasal ko palagi, kung ano yung will ng Diyos, kung ano yung will Niya.

“There’s a reason kung bakit hindi siya [Klarisse] ang nanalo, kung bakit hindi siya ang naging The Voice of the Philippines.”

Inaasahan na magiging parte ng 10th anniversary concert ni Sarah, na pinamagatang Perfect 10, si Klarisse at iba pang miyembro ng Team Sarah.

Ang concert ay gaganapin sa November 15 sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City, at sa November 30 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg">


The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg"> The Voice of the Philippines Season 2" data-url="https://www.pep.ph/news/40756/sarah-geronimo-says-yes-to-the-voice-of-the-philippines-season-2" data-desc="Sarah Geronimo says she has not given up on The Voice of the Philippines because what matters are the team constestants—not her," data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edd003ca9.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN