Janine Gutierrez unfazed by JuliElmo fans reacting to Janine-Elmo loveteam: “Bakit naman po ako kakabahan? Wala naman po akong ginagawang masama.”

Janine Gutierrez to JuliElmo fans: “Mas maganda po na suportahan nila itong Villa Quintana namin ni Elmo, tulad ng pagsuporta nila sa teleserye ni Julie Anne with Kristoffer Martin na Kahit Nasaan Ka Man, para lahat tayo ay happy at nagtutulungan.”


Bagong magka-loveteam ang mapapanood sa upcoming teleserye ng Kapuso network na Villa Quintana—sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine kung hindi ba siya kinakabahan sa fans nina Elmo at Julie Anne San Jose, JuliElmo, na aktibo sa mga social networking sites?

Tugon ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, “Bakit naman po ako kakabahan? Wala naman po akong ginagawang masama.

“Siguro naman, mababait ang mga JuliElmo fans.

“Kilala ko naman po si Julie Anne, pero hindi kami naging very close talaga.

"Kapag nagkikita naman po kami, nagbabatian kami.

“Tsaka pagkakaalam ko sa mga fans nila, very understanding sila, kasi alam nilang trabaho lang itong ginagawa namin ni Elmo.

“Mas maganda po na suportahan nila itong Villa Quintana namin ni Elmo, tulad ng pagsuporta nila sa teleserye ni Julie Anne with Kristoffer Martin na Kahit Nasaan Ka Man.

“Para lahat tayo ay happy at nagtutulungan.”



SERYE REMAKE. Ang remake ng Villa Quintana ang ikatlong drama series ni Janine sa bakuran ng GMA Network, pagkatapos ng My Beloved at Makapiling Kang Muli.

Sa serye ay gaganap si Janine bilang Lynette Quintana, ang papel na pinasikat ni Donna Cruz sa ‘90s TV drama na Villa Quintana.

Nagkataon na noong bata at nag-aaral pa lang si Janine ay marami na ang nagsasabing malaki ang hawig niya sa semi-retired singer-actress.

Paborito rin ni Janine si Donna, at nakilala na raw niya ito dati dahil naging ka-loveteam noon ng kanyang uncle na si Ian de Leon.

Kaya laking tuwa ni Janine na sa pagpasok niya ng showbiz ay maibibigay sa kanya ang role na unang ginampanan ni Donna.

Pinaghandaan daw ni Janine ang pagsabak niya sa serye kaya nag-research siya kaagad tungkol sa naunang Villa Quintana.

Sabi niya, “Gusto ko pong makita kung ano ang hitsura ng show na iyon. Batang-bata pa kasi ako noong sikat nga raw ang Villa Quintana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was only six years old then kaya wala akong masyadong natatandaan sa show na iyon.

“Noong story conference po ay sinabi lang sa amin ang mga characters namin, but I want to know more.

“Nakaka-disappoint lang po kasi kahit sa YouTube, walang mga video clips ng Villa Quintana.

"Gusto ko sanang makita lang yung hitsura ng show."

Pakiusap pa niya, “Kaya sana nga po, kung sino ang merong nakapagtago ng mga video clips ng show, sana i-upload naman nila sa YouTube para mapanood ko.

“Very curious kasi ako kung paano ba umarte si Ms. Donna Cruz.

“Lahat kasi nagsasabi na ang ganda-ganda po niya.”

Salungat naman ang kanyang hangarin sa gusto ng kanilang director na si Gina Alajar.

Dapat daw ay walang maging basehan ang cast sa pag-remake ng Villa Quintana.

Gusto ni Direk Gina na fresh ang approach ng kanyang mga artista sa project, tulad ng ginawa niya sa Anna KareNina.



ANOTHER LOVETEAM. Si Elmo naman ang gaganap na Isagani, na orihinal na ginampanan ni Keempee de Leon.

Inamin ni Janine na hindi pa sila ganun ka-close ni Elmo, kahit na lumabas na silang magkapatid noon sa teen drama series na Together Forever.

Sabi ng dalaga, “Ngayon lang po kami nagiging close ni Elmo.

“We already did an acting workshop together kaya mas nakilala ko siya.

“Nakikita ko naman po na he’s a hardworking person at parang may pagka-perfectionist siya.

“That’s good, kasi yun naman ang dapat sa aming mga nasa showbiz.

“I pray that we can get along fine kasi six months kaming magkakasama.

“Good vibes lang ang kailangan naming dalawa to make this team-up work.”



ADMIRATION. Nabanggit naman ni Elmo sa isang interview na isang tingin pa lang daw niya kay Janine ay alam niyang mabait itong tao at mukhang madaling makatrabaho.

Reaksiyon ni Janine, “Well, I’d like to thank Elmo for saying that about me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong time kasi na ginagawa namin ang Together Forever, we did not have that chance na maging close kami.

“May sarili akong group and he has his din kaya sa set na lang kami nagkakausap.

“Kapag wala naman kaming eksena na magkakasama, hindi kami nagkakakuwentuhan din.

“Kaya chance na namin ito to really get to know one another.

“Sa workshop nga namin with Direk Maryo [J. de los Reyes], nagkaroon kami ng chance to interact na.

“Sa series po kasi, kailangan believable na lovers kami.

“Kaya all our inhibitions with one another kailangan mawala, so our performance will not get affected at lumabas na kapani-paniwala kami as a loveteam.”


CHILD ACTRESS. Two years old pa lang si Janine ay lumalabas na siya sa TV.

Kasama siya noon sa sitcom na Ang Mag-asawa’y Di Biro ng RPN 9 noong 1990 kunsaan bida ang kanyang celebrity parents na sila Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Dahil sa bata pa siya noon, wala siyang masyadong maalala sa naturang sitcom.

“What I remember ay parating maraming pong tao doon sa bahay ni Mamita [Pilita Corrales].

“Doon pala tine-tape yung show nila Mommy at Daddy noon.

“Naglalaro lang ako parati sa set noon. Basta tatawagin nila ako, tapos maglaro lang ako. Hindi ko naman alam na TV show na pala iyon.

“May mga nagsasabi nga sa akin na ang cute-cute ko raw doon sa show na iyon, para raw akong manika.

“Gusto ko nga pong makita iyon. Yun nga lang, wala rin akong makitang video clips ng sitcom na iyon.

“Kahit sila Mommy at Daddy, wala silang kopya ng show nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN