Shamcey Supsup glowingly reveals details of her wedding to businessman Lloyd Lee

Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup could not hide her excitement over her upcoming wedding to fiancé Lloyd Lee: “We’re really excited na… actually, parang hindi na excited, e. Para bang we’ve been waiting for it for quite some time na parang at least malapit na.”


Sa December 29, 2013 gaganapin ang kasal ni Miss Universe 2011 Shamcey Supsup at ng kanyang fiancé na si Lloyd Lee.

Ayon kay Shamcey, hindi naman siya masyadong nakakaramdam ng pressure kahit na nalalapit na ang araw ng kanilang kasal ng Filipino-Chinese businessman.

“Medyo lang, kasi medyo ano ako e, relaxed.

"Parang, ‘Ang tagal pa! ‘Wag muna nating gawin ‘yan.’

“And then lately, kailangan pala agahan na yung mga ganito, yung mga ganyan.

“Not just that, of course you have to take in consideration yung parents—ano yung gusto nila.

"Hindi puwedeng puro ikaw lang yung mag-decide so it takes time.

“Pero hopefully, everything will be smoothened out na by that time.”

Sabi pa ng beauty queen, Pinoy ang kanilang magiging kasal kumpara sa naging engagement party nila.

“Wala naman, kasi nung engagement, we had a Chinese engagement.

"Pero this time naman, it’s more of a Filipino wedding.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press si Shamcey sa launch ng RTL CBS Channel Philippines, kagabi, October 16, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Kasama ni Shamcey ang kanyang future husband sa naturang event.



DREAM WEDDING. Bagamat hindi nagbigay ng detalye si Shamcey, sinabi niyang sa isang simbahan sa Quezon City magaganap ang kanilang kasal. Habang sa ballroom ng isang kilalang hotel naman daw magaganap ang reception.

Paliwanag ni Shamcey, “Sa Chinese family, for them, they always love big weddings.

"Kasi parang for them, it’s a… parang it’s a symbol of a successful wedding.

“Parang sa kanila, it’s successful if a lot of people were able to witness parang the wedding of their children, yung mga ganun.”

Dahil dito, masugid siyang tinutulungan ng kanyang future husband pagdating sa pag-o-organize ng kanilang kasal.

Kuwento ni Shamcey, sobrang hands-on ni Lloyd sa kanilang wedding preparations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Everything, we go together in all meetings with suppliers and kinu-consult ko lahat sa kanya.

"Kasi, siyempre wedding namin yun, e.

“It’s not just about me, it’s about the two of us, so lagi ko siyang kasama.”

Ilan pang mga detalye ng kanilang engrandeng kasal ang ibinahagi ni Shamcey sa press.

Ayon sa kanya, walang specific na theme ang kanilang magiging kasal ngunit ito raw ay maituturing niyang "dream wedding."

“Yung theme is more of parang lace and pastel colors.

"Wala talaga siyang yung parang motif na very detail-specific na kailangan ganito.

“Sa akin, it’s really like pastel colors and the use of lace. Kasi, in all, everything lace siya.”

Dagdag pa niya, “Ito yung talagang ine-envision ko.

"Although, I initially wanted to have a destination wedding.

"Pero since it’s hard to invite people pag malayo, so we decided to do it here na lang in Manila.”

Ang kanyang wedding gown ay balak niyang ipagawa kina Francis Libiran at Cherry Samuya Veric.

Hindi naman sinabi ni Shamcey kung sino ang gagawa ng damit ng kanyang entourage.

Paliwanag niya, “Mahirap magsabi baka mamaya hindi pa matuloy, e.

"Basta kapag once nagawa na, natahi na, I will share it.

“Kasi minsan, di ba, mahirap na yung parang mamaya hindi naman natuloy, tapos sabihin, ‘Ay, sabi niya ikaw yung nag-design tapos hindi naman.’”

Si Louie Heredia, na nagpasikat ng kantang "Nag-iisang Ikaw," ang napiling wedding singer ng dalawa.

Samantala, kabilang naman sa entourage ni Shamcey ang ilang matatalik na kaibigan simula nang sumali siya sa Binibining Pilipinas.

“Si Carol [Ty] kasi, siya yung cousin ni Lloyd. She’s the reason why we met.

"And then, MJ Lastimosa, kasi siya talaga yung naging kasama ko during my reign, siya yung parang parati kong kasama.

“And then, the third one, si Sora [Jung], si Miss Korea. She’s coming here for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan naman kaya nila balak mag-honeymoon?

Sagot ng 27-year-old beauty queen, “We wanted to go to Europe, pero it’s winter.

"So, we’re gonna postpone it for now. And we’ll go there holy week.”



WEDDING JITTERS. Kadalasan, kasabay ng papalapit na kasal ay ang ilang mga ikinakatakot ng mga bride-to-be.

Ngunit ayon kay Shamcey, wala siyang nararamdamang wedding jitters.

Sa halip, mas excited pa nga raw siya na dumating na ang araw ng kanilang kasal.

Sabi ni Shamcey, “Actually, baliktad. Parang sabi namin, ‘Sana nung June pa tayo nagpakasal.’

"Parang, ‘Bakit pa natin pinatagal ng December?’

“Pero, yun, so we’re really excited na… actually, parang hindi na excited, e.

"Para bang we’ve been waiting for it for quite some time, na parang, at least, malapit na.”

Ayon kay Shamcey, wala naman sigurong masyadong magaganap na pagbabago sa kanila pagkatapos nilang ikasal, dahil ipagpapatuloy muna nila ang kanilang mga career.

Bukod sa kanyang showbiz stints, may hinahawakan ding architectural firm si Shamcey.

Kuwento niya, “We’re very ano na… adjustment stage. We’ve done it already.

"Kasi nga, I’m doing like hosting jobs, and then I have a new show in Lifestyle Network.

"So, I have to shoot every week. One to two days.

“On the other days, I have a day on my firm. I even help him sa business.”

Dagdag pa ni Shamcey, “Still the same, kumbaga, you’re one family na.

"So, we’ll be living together and most of the time, parang wherever you go, kasama mo na siya.

“The only thing that will change is that we will be living in one place and then, siguro yun na yung adjusments.

“Dun lang, but then, there are things naman na it’s still the same for us, e.

"Kasi, we’re not yet planning to have a baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN