Aljur Abrenica hopes to see girlfriend Kylie Padilla at his concert despite conflict in her schedule

“Gusto ko lang makita nila sa akin yung the real Aljur. Makikita nila sa akin kung ano ang kaya kong maibibigay sa singing, dancing, sa pagpapa-sexy—ganun tayo, e,” says Aljur Abrenica about his Come And Get Me concert at the Music Museum on November 7.


Kung maaari lang sana, nais ni Aljur Abrenica na isama sa mga guest sa concert niyang Come and Get Me ang kasintahang si Kylie Padilla.

Ito ang inihayag ng Kapuso hunk actor kanina, October 17, sa press conference na inihanda para sa nalalapit niyang concert.

Gaganapin ang concert niya sa November 7, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Sabi ni Aljur tungkol kay Kylie, “Hangga’t maaari sana, kukunin namin siyang guest.

“Pero may sari-sarili kaming mga schedules.

“Kylie is so busy right now, marami po siyang ginagawa.

“Magsisimula po siya ng bagong soap at kailangan po niyang paghandaan ‘yon.”

Hanggang ngayon daw, hindi pa rin sigurado si Aljur kung makakapunta ang dalagang anak ni Robin Padilla sa kanyang concert.

“In-invite ko siya. Sana makapunta siya.

“Hindi pa siya nagpa-promise, e,” sabi ng 23-year-old actor-singer.

Gayunman, tiniyak ni Aljur na masaya sila ngayon ni Kylie sa kanilang relasyon.

“Ipinagpapasalamat ko na we’re happy right now.

“Kung ano man yung pinagdaanan namin noon, part ng relationship ‘yon.”

Kapansin-pansin din na mas bukas na ngayon sina Kylie at Aljur na pag-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi pa ng binatang aktor, “We never talked about it, tungkol sa ganito. I think it just came out naturally.”

MUSIC-LOVER ALJUR. Samantala, labis naman ang excitement ni Aljur sa kanyang concert.

Talaga raw pinaghahandaan niya ito dahil ang ibang hilig naman niya ang maipapakita niya sa kanyang mga tagahanga.

“I love acting. But I also love music and entertaining people.

“Mayroon din akong gustong patunayan. Mostly, gusto kong maipakita o mai-share sa kanila kung ano yung love ko for music.

“Si Aljur, hindi lang sa TV. Puwede rin tayong maging musikero.”

Dagdag pa niya, “Ito kasing concert na ito, para sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa lahat po ng naghahangad na makita yung other side ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When it comes to music, dito ko maipapakita o maie-express yung sarili ko, yung love ko for music.

“Beside sa acting, kakaibang Aljur ang makikita nila rito.”

Dahil sa titulong Come And Get Me, naitanong tuloy si Aljur kung magiging sexy concert ito.

“Actually, sexy talaga yung concept ng show natin,” sagot ng Prinsesa ng Buhay Ko lead actor.

“Nandoon lang ako para mag-enjoy at para pasayahin natin ang mga manonood.

“Kaya Come And Get Me, wala nang labis, wala nang kulang, ‘yon talaga ang gusto kong sabihin sa mga manonood.”

Sabi pa niya, “Gusto ko lang makita nila sa akin yung the real Aljur.

“Makikita nila sa akin kung ano ang kaya kong maibibigay sa singing, dancing, sa pagpapa-sexy. Ganun tayo, e.”

Pero agad din niyang nilinaw, “Hindi lang pagiging seksi [ang concert], mayroon ding kilig naman sa amin ni Kris, tapos yung power of the Abrenicas, at siyempre para sa musikero talaga, nandiyan si Ms. Julie Anne San Jose.”

Ang special guests ni Aljur sa kanyang Come And Get Me concert ay sina Kris Bernal, Rochelle Pangilinan, Julie Anne San Jose, at ang nakababata niyang kapatid na si Vin Abrenica.

(Read: Aljur Abrenica will have Kris Bernal and Julie Anne San Jose as guests in his November 7 concert)

Sa ngayon, puspusan ang ensayo ni Aljur para sa concert niya sa susunod na buwan.

“Aniya, Pinaggugugulan ko po talaga siya ng oras.

“Pinagpapaguran, pinagpupuyatan ko po talaga siya.

“Sa kabila ng tapings, naghahanap talaga ako ng time in between tapings, sa mga oras ng tulog ko, para makapag-prepare ako,” ani Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN