Aljur Abrenica says near-breakup with Kylie Padilla "part of growing up"

Bilang isang lalaki, hindi raw maiiwasan ni Aljur Abrenica na magselos kapag nagkakaroon ng kissing scene ang kasintahan niyang si Kylie Padilla. Ngunit bilang isang aktor, naiintindahan daw ni Aljur na bahagi ito ng kanilang trabaho.


Sa mga magkasintahan ay hindi maiiwasan ang magkaroon ng tampuhan.

Sa kaso nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kamakailan ay hinarana ng young actor ang dalaga pagkatapos ng isang matindi nilang hindi pagkakaunawaan.

(Read: Aljur Abrenica serenades girlfriend Kylie Padilla to win her back)

Ano ang dahilan ng away nila na muntik pang humantong sa hiwalayan?

Sabi ni Aljur, “Walang may kasalanan, e. Walang may kasalanan sa amin.

“It’s just part of growing up.

“At we have to… may mga bagay lang kaming kailangang tanggapin.

“Kailangan naming magbago para sa ikabubuti ng isa’t isa.

“May mga bagay kaming kailangang i-give up.

“And, alam naman natin sa showbiz, kapag may relasyon, hindi madali, at mahirap yung mga pinagdadaanan.

“So, iyon, prinoseso lang namin, and what’s important is we’re happy together.

“Happy kami together. We’re together, and happy kami.”

Hindi ba nag-aalala si Aljur na baka matulad ang relasyon nila sa ibang showbiz couples na humantong sa hiwalayan?

Sabi niya, “Ang importante naman kasi, habang nandiyan, para sa akin is isipin lagi kung ano’ng makakabuti para sa isa’t isa.

“Kapag minahal mo ang isang tao, it’s beyond love, e.

“Yung love itself, pag nagmahal ka talaga, ako, is beyond love, e.

“If alam kong nakakabuti pa ako, then stay.

“Pag hindi na, alam mo kung ano ang gagawin mo.

“Ang punto ko lang, mga bata pa kami, e, di ba? Marami pang darating, marami pang mangyayari.

“Kaya ang ginagawa ko, habang nandito pa is tsine-cherish ko siya, at ginagawa ko yung mga as much as possible na kaya kong gawin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa presscon para sa kanyang upcoming concert, Come And Get Me, kahapon, October 17, sa Victorino’s restaurant, sa Quezon City.



KYLIE & KRIS. Bagamat bukas na sa publiko ang relasyon nina Aljur at Kylie, mainit pa rin ang pagtanggap ng mga manonood sa tambalan ng Kapuso hunk kay Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkapareha ngayon ang dalawa sa early primetime series ng GMA na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Dahil dito, hindi maiwasan ang iringan sa pagitan ng mga tagahanga nina Kylie at Kris.

Ano ang masasabi ni Aljur dito?

Aniya, “Well, on my part kasi, as much as possible, sinasabi ko sa kanila [fans] na gusto namin yung ginagawa nila, na suportahan kami.

“Naa-appreciate namin yung sinusuportahan ninyo yung idolo ninyo, na minamahal ninyo kami.

“Sana lang, hindi naman kami nagkulang, ang sinasabi ko lang is yung respeto—ibigay yung respeto at relaks lang minsan.

“On our part kasi, lagi kong sinasabi sa kanila, ito ang importante, e—si Kylie naman tsaka si Kris, magkasundo naman sila.

“Wala silang problema.”

Pero sa isang panayam kay Kylie ay sinabi nitong ginawa na niya ang lahat para maging close friends sila ni Kris, pero mahirap.

Reaksiyon dito ni Aljur, “Well, siyempre, I’m proud, I’m proud.

“I’m just glad na ginagawa naman nila ang part nila na magkaroon ng peace sa kanilang dalawa.

“Pero sa totoo lang, pag nagkikita sila, maayos sila, e.”

Hindi raw nag-isnaban ang dalawa kailanman.

“Nagkukuwentuhan pa nga sila, e,” dagdag pa ng 23-year-old actor.

Pakiramdam ba ni Aljur ay naiipit siya sa sitwasyon?

“Sobra, sobra… Ngayon, sobra akong naiipit ngayon.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa inyo.

“Puwedeng huwag ninyo na lang itanong!” ang natatawang pakiusap ni Aljur.



KYLIE & MIKAEL. Kung si Aljur ay ipinapareha kay Kris, si Kylie naman ay may bagong katambal sa katauhan ng model turned actor na si Mikael Daez.

Sina Kylie at Mikael ang magkapareha sa upcoming fantasy series ng GMA, ang Adarna.

Ano ang reaksiyon ni Aljur dito?

“Well, Mikael is a good actor, and also a good friend of mine.

“Kapatid ko ’yan sa network.

“Ang perspective ko, ang tinitingan ko kasi diyan, yung kalalabasan ng project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, yung foremost na tinitingnan ko diyan is yung makakapag-benefit kay Kylie tsaka kay Mikael.

“Wala akong selos, wala akong inggit.”

Dagdag niya, “If that’s the decision of GMA, tina-trust ko iyon.

“I think this is the right time na magka-partner sila.

“So, I think, I have positive vibes sa project nila, tsaka sa mga makakatrabaho ni Kylie.

“It’s a good project, tapos nakita ko pa yung powerhouse cast nila and yung chemistry nila, happy ako sa kanila.”

Hindi ba magiging problema kay Aljur kung sakaling magkaroon ng kissing scene sa Adarna sina Kylie at Mikael, o si Kylie sa ibang aktor?

Sagot niya, “Siyempre, hindi ko maiiwasan din na magseselos din.

“Bilang isang lalaki, hindi ko rin maiiwasan na maapektuhan.

“Lahat naman ng tao siguro… lahat naman ng tao naaapektuhan.

“Pero as an actor, we have to understand na our profession is kailangan ganun.”

Nagkaroon na raw noon ng kissing scene si Kylie, pero hindi nagalit si Aljur. Ipinagpaalam pa raw iyon sa kanya ng kasintahan.

“Ipagpaalam man ‘yan o hindi, ang importante is yung maiintindihan mo, e, di ba?

“Kung ipagpapaalam man sa iyo, kung hindi mo maiintindihan, hindi mo papayagan, mag-aaway pa kayo.

“Pero ang gusto ko lang sabihin, kung anuman ‘yan…

“Sa trabaho namin kasi, e, ganun din naman ako, may mga kissing scenes din ako. Lahat naman, di ba?

“So, kasama na ‘yan, intindido na ‘yan.

“Wala naman akong restrictions kasi it’s her career, e.

“May sarili kaming career, e, may sarili kaming path.

“Kung ano’ng gusto naming gawin, gagawin namin, and we’re happy together.

“Iyon ang ipinagpapasalamat ko bilang isang mag-boyfriend girlfriend.

"Pero we’re not married, e, so…”

Kailan naman kaya sila magtatambal ni Kylie sa isang TV project ng GMA?

Sabi ni Aljur, “Siyempre, gusto naming magka-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much as possible, gusto naming umikot din yung mga loveteams at makatrabaho yung iba’t ibang artista, para makapag-explore.

“Pero yung tiwala namin, nasa GMA pa rin, e.

“Alam nila kung ano ang best for us, e. Alam nila kung kailan yung tamang timing.

“Kung dumating man iyon, magiging masaya ako, sobra!”



KYLIE AS A BEAUTY QUEEN. Nabanggit ng PEP kay Aljur ang isang panayam namin kay Kylie, kung saan sinabi ng dalaga na pangarap niyang maging isang beauty queen.

“O, e, di maganda!” reaksiyon naman dito ng young actor.

Papayagan ba ni Aljur kung sakaling sumali si Kylie sa isang beauty pageant?

“Oo naman, oo naman. Wow, ha! Kahit hindi na magpaalam sa akin.”

Paano kapag nanalo sa international pageant si Kylie, at dumami ang mga manliligaw nito kapag tumira ito sa ibang bansa ng isang taon, tulad ng Miss World 2013 na si Megan Young?

Aniya, “Hindi ko na iisipin yung manliligaw sa kanya.

“Iisipin ko na lang yung kapakanan niya, iisipin ko na lang yung success niya sa buhay.

“Hindi ko hahadlangan yun, kung sakaling manalo siya at mag-one year siya sa ibang bansa.

“Titiisin natin yun para sa kanya.”



KRIS & CARL. Samantala, may mga naiinis diumano sa ka-loveteam ni Aljur na si Kris Bernal dahil sa patuloy nitong pagde-deny ng relasyon nila ni Carl Guevara, samantalang sina Aljur at Kylie ay open na sa kanilang relasyon.

Ano ang komento rito ni Aljur?

“Well, we have to respect that, e. Kung anuman yung sinasabi ni Kris.

“Basta ako kasi, ang tagal na naming magkasama ni Kris, kilala na namin ang isa’t isa.

“Kung anuman yung maging desisyon nila, irespeto na lang natin yun," sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN