Maegan Aguilar lashes back at critics of dad Freddie Aguilar’s relationship with 16-year-old girlfriend

Megan Aguilar on her father’s relationship with his 16-year-old girlfriend: “[H]indi na bago sa mundo na ang may edad na lalake ay pumatol, nag-siyota o nag asawa ng mas batang babae...maski ang lola ko 16 nung ikasal sa lolo ko na 35 na noon... kaya hindi ko maintindihan bakit nawiwindang pa ang mga iba, bakit mga bobo ba mga kapwa nating pilipino?”


“ANONG PROBLEMA NIYO?”

Ito ang hirit ni Maegan Aguilar sa mga bumabatikos sa kanyang amang si Freddie Aguilar, ang legendary folk singer na nagpasikat ng kantang "Anak."

Umaani ngayon ng puna at batikos ang 60-year-old singer dahil sa pag-amin nito, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ang kasalukuyan niyang girlfriend ay 16 years old lamang.

(Read: 60-year-old legendary singer Freddie Aguilar is helplessly in love with 16-year-old girlfriend)

Ayon kay Freddie, "Hindi ko alam na sixteen siya noong niligawan ko. Nung malaman ko, sabi ko, ’Andun na, e. Ano pa ang magagawa ko?’ Aatras ka ba noon, e, na-in love na, e?"

Sinabi rin ng Anak singer na handa siyang pakasalan ang kasalukuyang girlfriend.

“Pero sa ngayon, hindi pa kami puwede,” aniya.

Hindi pa maaaring pakasalan ni Freddie ang kanyang 16-year-old non-showbiz girlfriend dahil menor de edad pa ito.

Dito sa Pilipinas, ang mga nasa edad na 18 hanggang 21 ay kailangang may parental consent bago magpakasal.

Nabanggit din ni Freddie sa naturang panayam ng PEP na ang kanyang ikatlong asawa ay 17 years old lamang nang maging girlfriend niya.

Bukas din ang legendary singer sa ideya na magkaroon ng anak sa kasalukuyan niyang teenager-girlfriend.



MAEGAN REACTS. Sa Facebook Fan Page ng panganay na anak ni Freddie na si Maegan Aguilar, nagpahayag ito ng galit sa mga masasakit na salitang natatanggap ng ama mula sa netizens matapos lumabas ang artikulo nito sa PEP.

Sabi ni Maegan, “Mahigit na sa isang dekadang hiwalay si Tatay sa Nanay namin...6 kaming magkakapatid at sa tingin ko’y wala siyang naging pagkukulang bilang AMA sa amin. Lumaki kaming ‘independent’ and absoutely FREE FROM THE SHACKLES OF SOCIETY. None of us are LIARS or CORRUPT like most people around us."

Sa kasunod na post ni Maegan ay binanggit niya rin ang pangalan ng kasalukuyang girlfriend ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Tatay dating ‘JOVI GATDULA’ is no problem to any of us at all, desisyon nilang dalawa yun-walang nagpilit sa kanila na maging sila...SO ANONG PROBLEMA NIYO? Kasi INAMIN NI TATAY? anung masama dun? Anung masama kung nagpakatotoo siya? Sige nga!”

Sa comment section ng post na ito, nagpatuloy si Maegan sa pagdepensa sa kanyang ama.

Aniya, “MAS MAINAM ANG HINDI SINUNGALING KESA SA IPOKRITO,TANDAAN NIYO YAN!!! Only people who live by the truth can admit to their deeds, GOOD OR BAD!!! And in this matter, ano ba ang BAD? it’s just a f---ing relationship for crying out loud! YOU CAN’T BE PRUDE ALL THE WAY, that’s just wrong!!!”

Nag-iwan din siya ng mensahe sa mga kontra sa kanyang mga sinasabi tungkol sa bagong relasyon ng kanyang Tatay Freddie.

Sabi ni Maegan, “Sa mga gustong kumontra! sige humirit lang kayo dito sa wall ko...NOTHING YOU SAY WILL IMPROVE NOR RUIN OUR LIVES ANYWAY. E di wag niyong pakinggan ang ANAK- may magagawa ba yun? eh pillar na ng Pilipinas ang ANAK at ang ama kong si FREDDIE AGUILAR, wala na kayong magagawa para sirain siya...AT DAHIL LANG SA GF NIYA? HALERR!!! ANG TATANGA NYO NAMAN!!!”

Dagdag pa niya, “[H]indi na bago sa mundo na ang may edad na lalake ay pumatol, nag siyota o nag asawa ng mas batang babae...maski ang lola ko 16 nung ikasal sa lolo ko na 35 na noon...kaya hindi ko maintindihan bakit nawiwindang pa ang mga iba, bakit mga bobo ba mga kapwa nating pilipino? konti na lang ba ang gumagamit ng UTAK NGAYON? GANUN BA YUN? PWEH!

“hindi rin pwedeng pumapel na ASAWA ang ANAK!!! magka ibang pagmamahal yun, kahit gaano pa ka-perfect ang mga anak, hindi yun mapupunan ng kaligayahan na makukuha ng tatay namin sa kanyang GF dibah, ANG SIMPLE HINDI MAKUHA NG IBA!!! DEYYMMM”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Maegan ang panganay sa anim na anak ni Freddie.

Siya ngayon ang tumatayong operations manager sa bar na pagmamay-ari ng kanyang ama, ang Ka Freddie’s Bar, sa Malate, Maynila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN