Known personalities react on the Net to Freddie Aguilar’s relationship with a minor

Naging viral sa iba’t ibang social networking sites ang PEP article, kung saan inamin ng legendary singer na si Freddie Aguilar ang kanyang relasyon sa isang disisais-anyos na dalaga.


Bagamat iba-iba ang reaksiyon ng netizens sa pag-amin ng legendary folk singer na si Freddie Aguilar sa pakikipag-relasyon sa isang menor de edad, ang karamihan ay negatibo rito.

Inamin ni Freddie sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na lumabas noong October 16, na ang kasalukuyan niyang girlfriend ay 16 years old lamang.

(Read: 60-year-old legendary singer Freddie Aguilar is helplessly in love with 16-year-old girlfriend)

Nakuha ng balitang ito ang atensiyon ng marami, kabilang na ang ilang kilalang mga personalidad sa loob at labas ng showbiz.

Ang iba sa kanila ay nagbigay pa nga ng reaksiyon sa kani-kanilang personal accounts sa Twitter—kasama na sina Eat Bulaga! host Joey de Leon, character actor Ping Medina, RockEd Philippines founder Gang Badoy, at comedian Gabe Mercado.

Narito ang kanilang mga Twitter post:

Kahit ang ilang parody accounts sa Twitter ay nag-post din ng reaksiyon nila sa relasyon ni Freddie sa 16-anyos na dalaga, na pinangalanan na ni Meagan Aguilar, ang anak ni Freddie.

Ang kilalang humor blogger namang si Professional Heckler ay inihalintulad si Freddie sa komedyanang si Tiya Pusit.

Matatandaan na inihayag ni Tiya Pusit sa isang interbyu na pakakasalan niya sa susunod na taon ang kanyang 27-year-old na nobyo.

(Read: Comedienne Tiya Pusit to marry 27-year-old boyfriend next year)


MAEGAN REACTS. Agad namang dinepensahan ni Maegan ang kanyang ama na si Freddie, sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang saloobin sa Facebook.

Sabi ng panganay na anak ni Ka Freddie, “[H]indi na bago sa mundo na ang may edad na lalake ay pumatol, nag siyota o nag asawa ng mas batang babae...maski ang lola ko 16 nung ikasal sa lolo ko na 35 na noon...kaya hindi ko maintindihan bakit nawiwindang pa ang mga iba, bakit mga bobo ba mga kapwa nating pilipino?”

(Read: Maegan Aguilar lashes back at critics of dad Freddie Aguilar’s relationship with 16-year-old girlfriend)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN