Rhian Ramos on marriage plans with KC Montero: “Marami pang time, hindi pa end of the world.”

Rhian Ramos on what she has learned from her past relationships: “Well, kasi parang, siguro, what I’ve learned in my past relationships is hindi puwedeng laging ikaw yung nagku-compromise. Parang ayaw mong gawin, tapos gagawin mo na lang kasi mahal mo yung tao. Hindi naman puwedeng laging ganun.”


Kung ilalarawan ni Rhian Ramos ang sarili niya ngayon, matapos ang mga unos na pinagdaanan niya sa buhay, sino na siya bilang aktres?

Handa na ba siya sa mga mature at daring roles?

“Yeah! I’ve always naman been willing to do all kinds of roles.

“Pero sometimes, the things that you’re ready to do, people aren’t ready to put you there. Alam mo yun?

“Like, for example, if you spoke to me, like, four years ago, I would still say yes to a mother role. Parang it’s no big deal for me.

“Pero parang they just decided to not to give me one, parang ganun. So, like for example right now, I’m ready for all sorts of roles, daring or not daring.

“Pero it’s really up to them kung ano yung maibibigay nila sa akin.

“I’ll be happy,” pahayag pa ni Rhian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng Genesis noong October 8, sa ballroom ng Sequoia Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Gumaganap si Rhian sa Genesis bilang Raquel, ang babae sa buhay ni Captain Isaak Macalintal, na ginagampanan naman ni Dingdong Dantes.

Bago ng Genesis ay napanood si Rhian sa Indio.

MARRIAGE PLANS. Naitanong ng PEP kay Rhian kung may marriage plans na sila ni KC Montero.

“None! None yet. Maybe, when I’m thirty-something.”

“Matagal nga iyon. Hindi pa naman end of the world, di ba?

“Marami pang time, hindi pa end of the world. Sa Genesis lang,” at natawa si Rhian.

Ang Genesis ay sci-fi drama series ng GMA tungkol sa pagwawakas ng mundo.

LOVE ISN’T ENOUGH.” Paano kung gusto na ni KC na pakasalan siya?

Hindi ba siya pinipilit ni KC?

Aniya, “No, no, hindi. He doesn’t.”

Hindi rin daw seloso si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay no, he’s super not seloso, and I’m super not selosa also.

"I think that’s what makes us a good partnership,” dagdag pa niya.

Kahit pabiro ay hindi nagyaya si KC na magpakasal na sila?

Sagot ni Rhian, “It’s just, I think he understands kasi. Like the reason why it’s not brought up is I think he—I don’t even have to say it—pero I think halata na it’s... na I’m not in that stage yet.”

Kung si KC ay naroroon na sa stage na iyon, paano kung papiliin siya between him and her showbiz career?

“Well, kasi parang siguro what I’ve learned in my past relationships is hindi puwedeng laging ikaw yung nagku-compromise.

“Parang ayaw mong gawin, tapos gagawin mo na lang kasi mahal mo yung tao.

“Hindi naman puwedeng laging ganun. That’s why honestly I believe that love isn’t enough,” paliwanag niya.

ON RICHARD GUTIERREZ. Nang pumasok si Rhian sa showbiz, si Richard Gutierrez ang una niyang leading man, sa Captain Barbell.

Noong gabing kausap namin si Rhian, ikinagulat niya nang banggitin naming hindi na nakakontrata si Richard sa Kapuso Network.

“Ah, wala na ba? Hindi ko alam. What? Asan siya? I just thought he was laying low or something. I just thought natapos lang yung show,” pag-amin niya.

Ngayong alam na niya, ano ang reaksyon ni Rhian?

“Shocked! Puwede nating unahin yung shocked,” at natawa si Rhian.

“You know what, parang feeling ko, I’m not in a position naman to give advice or judge a decision or whatever.

“As long as he made the decision himself and he’s happy, then I’m all for it, whatever.”

Ikinalungkot niya bang baka hindi na niya makasama si Richard muli sa isang GMA project?

“You know what, I don’t believe na porke’t nasa ibang istasyon yung tao, hindi mo na sila makakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, look at everyone na nakakatrabaho ngayon ni Dingdong.

“And right now, I’m working with someone from Channel 2 in an indie film also.

“I can’t say the title kasi, e, pero dark love story, indie film with someone from Channel 2, that’s all I can say.”

Naniniwala ba siyang magku-krus muli ang landas nila ni Richard?

“Posible naman, anything’s possible. For all we know nga, may mga umalis na sa GMA bumalik pa, so, di ba?” patuloy niya.

Taon na raw ang lumipas mula nang huli niyang makausap si Richard.

Si Rhian naman ay may dalawang taon pang kontrata sa GMA Network.

May ibang istasyon na bang sumubok na mang-pirata sa kanya?

“I don’t know kasi usually ano, e, I don’t talk about that part with my manager. Kasi parang yung umaabot lang sa akin is yung final offer,” lahad niya.

EXPECTATIONS. Malaki ang inaasahan ng publiko sa Genesis.

“Well, if they’re looking for drama, I promise na kayang-kaya naming ibigay yun. If they’re looking for cutting-edge special effects, kaya din namin,” pagmamalaki ni Rhian.

Kagulat-gulat nga raw ang special effects ng Genesis, lalo na sa mga eksena ng end of the world.

“Actually yung end of the world setting is not the focus, kasi it’s really a story of relationships—a mother and daughter, a husband and wife, a rocky relationship, an estranged couple pero dapat sila pa rin.

“Good lessons and a feeling of hope.

“Pero, even if may hope, we’ll still keep you at the edge of your seat kasi, ayun nga, may laging feeling na something bad is going to happen.

“Parang ganun. But you don’t know what,” pagtatapos ni Rhian sa interbyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN