Jake Vargas admits dating Ella Cruz, but insists they’re just friends for now

Jake Vargas explains why he prefers to take his time in nurturing friendship with Ella Cruz: “Oo naman kasi maganda siya, mabait at masaya naman kami every time na magkasama sa mga lakaran. Marami rin kaming mga bagay na napag-uusapan na pareho naming gusto, kumbaga may mga bagay na nagma-match sa amin, kaya siguro masaya ako pag kasama siya at alam kong masaya rin siya pag kasama ako. Sa ngayon siguro mas magandang magkaibigan kami, kasi mamaya pag nahaluan ng malisya, baka i


Madiing pinabulaanan ng tween star na si Jake Vargas ang balitang may namumuong relasyon sa kanila ng ABS-CBN teen star na si Ella Cruz na palaging napagkikitang kasama nito sa mga lakaran.

Paliwanag ni Jake sa PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal ) nang makausap ito sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa Studio 6 ng GMA-7 kamakailan, kaibigan lang daw niya ang dalagita at wala raw mas malalim na relasyon na namamagitan sa kanila.

“Naku, hindi po totoo na kami na ni Ella, kaibigan ko lang siya, papa’no namang magiging kami, e wala namang ligawang nagaganap?

“’Tsaka bago pa lang kaming magbabarkada, kapag lumalabas naman kami kasama namin yung mga non-showbiz friends namin at hindi yung kami lang dalawa.

“Siguro lang yung mga nakakakita sa amin, ang alam dalawa lang kami kasi nga hindi naman artista yung iba naming kasama.

“Basta nag-e-enjoy lang akong kasama siya, kasi mabait si Ella,” dagdag pa ni Jake.

MUTUAL CRUSH? Pero totoo ba na pareho niyong crush ang isa’t isa?

Mabilis niyang sagot, “Ako inaamin ko crush ko siya, maganda at mabait kasi si Ella.

“Kahit naman siguro sinong lalaki magkaka-crush sa kanya.

“Hindi ko alam si Ella kung crush niya rin ako. Ha-ha-ha! Mas maganda sigurong siya na lang ang tanungin niyo.

“Ayoko naman mag-assume at sabihin na crush niya rin ako, hindi maganda yun.

“Pero katulad ng sinabi ko noon, crush-crush lang muna. Ha-ha-ha! Ayoko muna ng seryosong relasyon.

“Totoo na naka-move on na ako [from breakup with Bea Binene], pero pass na muna ako sa pakikipagrelasyon, mas gusto ko muna talagang atupagin ang pagtatrabaho.

“Pero hindi ko naman po sinasabi na hindi na ako mai-in love ulit, pero ’tsaka na lang muna.

Pero may chance ba na maging kayo ni Ella?

“’Yan ang hindi ko masasagot, kasi kahit na dumating yung time na ligawan ko siya at ready na ako ulit na magka-girlfriend pero ayaw niya, wala ring mangyayari,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS FIRST. Pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo rin bang maging girlfriend si Ella balang araw?

Agad niyang sabi, “Oo naman kasi maganda siya, mabait at masaya naman kami everytime na magkasama sa mga lakaran.

“Marami rin kaming mga bagay na napag-uusapan na pareho naming gusto, kumbaga may mga bagay na nagma-match sa amin, kaya siguro masaya ako pag kasama siya at alam kong masaya rin siya pag kasama ako.

“Sa ngayon siguro mas magandang magkaibigan kami, kasi mamaya pag nahaluan ng malisya, baka imbes na maging maganda yung friendship namin, baka mawala pa.”

ON BEA BINENE. Okey lang ba sa ’yo kung magkaka-boyfriend na si Bea?

“Oo naman, matagal na kaming naka-move on, alam kong masaya na siya ngayon at alam niyang masaya na rin naman ako.

“If ever na magkaka-boyfriend na siya, okey lang sa akin. As long as masaya siya, masaya na rin ako.

“Sinabi ko naman sa kanya na kung kailangan niya ng makakausap pag may problema siya, nandidito lang ako bilang kaibigan.

“Okey na naman kami, pero this time magkaibigan na lang, mas maganda na yun,” pahayag ni Jake.

NEW TELESERYE? May bago bang teleserye si Jake sa GMA?

“Ang alam ko, sabi ni Tatay Germs [Moreno] meron daw akong gagawin na kasama pa rin si Bea, pero hindi ko pa alam kung ano.

“Pero sa ngayon may three shows naman ako—ang SAS [Sunday All Stars], Walang Tulugan with the Master Showman at Pepito Manaloto, kaya busy pa rin naman sa trabaho.

“Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng GMA at magkakaroon din ako ng bagong teleserye, ’yan ang aabangan ng mga fans ko,” pangwakas niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN