Jasmine Curtis Smith ecstatic as Transit continues to reap international acclaim; adjusts well to college life in Manila

Jasmine Curtis Smith on Transit’s ongoing success in the international market: “Sobrang saya ko, first film ko ’to shown to the public, tapos yun nga sobrang ganda ng feedback from everyone, not just film experts pero from the public itself. A lot of my friends from overseas naghahanap ng kopya, wala akong maibibigay na kopya siyempre we’re still waiting for distribution. We are very thankful to get a special citation from Busan and


Masaya si Jasmine Curtis Smith na unti-unti nang natutupad ang pangarap niyang magkaroon ng maraming endorsements gaya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Anne Curtis.

Bukambibig niyang sinasabi sa mga panayam sa kanya noon na gusto niyang tularan at sundan ang yapak ng kanyang Ate Anne hindi lamang bilang aktres kundi bilang commercial endorser din.

Ipinakilala si Jasmine bilang bagong endorser ng Bayo FilipInna noong nakaraang Lunes, October 14.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kailangan ganun. No pero siyempre, ganun talaga, gusto kong maging successful.

“You have to reach your goal and marami namang taong gustong tumulong sa akin so as much as possible, do the hard work para talaga ma-achieve mo yung gusto mong ma-achieve sa buhay.

“So yun, I’m just happy na meron akong billboard sa EDSA ngayon, di ba?”

BACK TO SCHOOL. Sa ngayon, bukod sa mga endorsements, may bago ring show si Jasmine na gagawin sa TV5.

Si Jasmine ay isang full-time freshman ngayon sa Ateneo de Manila University. Paano kaya niya bina-balance ang kanyang oras?

Saad niya, “Actually sembreak na ako, masaya di ba, bakasyon? Puno ng trabaho for the first week of sembreak pero okay lang naman kasi alam kong worth it yung bakasyon ko.”

Kumusta naman ang naging first semester niya sa Pilipinas? Matatandaang pinagdesisyunan ni Jasmine na mag-aral dito matapos niyang tapusin ang kanyang high school studies sa Melbourne, Australia, kung saan naroon ang kanyang pamilya.

Tugon nito, “Pumayat ako for the first semester. Okay naman, I met wonderful people, my blockmates are wonderful, ayun very thankful that I met great people.”

Nakapag-adjust na kaya siya sa Filipino setting?

Kuwento niya, “I think I need few more months to adjust.

“Siyempre ang tagal ko rin kasing nawala dito and nasanay na rin akong pabalik-balik ng Australia so we’ll see how it goes, pero okay naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakdang lumipad si Jasmine papuntang Australia upang bisitahin ang kanyang ina at kapatid.

TRANSIT. Labis din ang kasiyahan ni Jasmine na sa unang round ng botohan para sa Best Foreign Language Film para sa 2014 Oscars ay pumasok ang kanyang unang indie film na Transit.

Sabi niya, “Sobrang saya ko, first film ko ’to shown to the public, tapos yun nga sobrang ganda ng feedback from everyone, not just film experts pero from the public itself.

“A lot of my friends from overseas naghahanap ng kopya, wala akong maibibigay na kopya siyempre we’re still waiting for distribution.”

Napaganda rin ang tsansa ng nasabing pelikula para sa Oscars nang makatanggap ito ng special citation kamakailan sa 18th Busan International Film Festival, kung saan ito lumahok at nanalo ng Special Mention sa New Currents category.

Pahayag ng TV5 artist, “We are very thankful to get a special citation from Busan and nakikita ko talaga how much [Direk] Paul Soriano and Direk Hanna [Espia] try to make it work na mapili kami.

“Nakita ko na yung ibang films about the Philippines like Metro Manila, ang ganda, so even if we’re not choosen, pero I hope that we do, sana sila ang mapili kasi ang ganda rin ng film nila. Sana pati Iloilo, di ba?”

Ang Metro Manila at Iloilo ay mga pelikulang gawa sa ibang bansa na tumatalakay din tungkol sa Pilipinas.

ON SAM CONCEPCION. Pag dating naman sa pag-ibig, halatang happy naman si Jasmine kahit na hindi pa talaga sila umaamin ni Sam Concepcion tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Bagamat masaya sila, may ilan ding kumukuwestiyon sa pagkalalaki ni Sam. Ano kaya ang masasabi niya tungkol dito?

Saad niya, “Wala akong masasabi dun kasi I mean, you know, people talk, people try to create stories.

“Pero as long as you know what the truth is, sabihin na nila ang gusto nilang sabihin pero ikaw alam mo naman talaga ang totoo, so bakit ka pa magiging offended or kailangan mong ipagtanggol ang sarili, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN