Boholana Rich Asuncion joins relief efforts to help Bohol earthquake victims

Pinanghihinayangan ni Rich Asuncion ang pagkasira ng ilang historical churches at tourist spots sa Bohol dala ng malakas na lindol noong October 15.


Isa ang Kapuso actress na si Rich Asuncion sa nabahala nang yanigin ng malakas na lindol ang lalawigan ng Bohol noong October 15.

Taga-Tagbilaran City, Bohol, ang StarStruck 4 alumna.

Nandoon ang kanyang pamilya at mga kamag-anak kaya hindi napigilan ni Rich na mataranta.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong mabalitaan ko ang tungkol sa earthquake sa Bohol, hindi ako mapakali.

“Tawag ako nang tawag sa family ko from time to time.

"Pinilit ko silang pumunta na dito sa Manila. Mas magiging kampante ako kapag magkakasama kami rito.

“Pero ayaw nila kasi ayaw nilang iwan ang bahay. Yung lola ko nga, matanda na, at ayaw na bumiyahe.

“So, ako na lang ang umuwi the following day [October 16] para makita ko kung okey ba silang lahat doon.”

THE TRAUMA. Ayon kay Rich, nagkaroon ng konting damage ang kanilang bahay sa Bohol dahil sa lakas ng lindol.

Bagamat ipinagpapasalamat ng Kapuso talent na walang nasaktan sa kanyang pamilya, nabahala siya dahil nagkaroon ng trauma ang bunso niyang kapatid dahil sa lindol.

“Noong una ay hindi ko siya makausap nang maayos sa phone. So, nung umuwi ako, hindi ko siya iniwan.

“Naawa ako kasi first time niyang maranasan ang ganun. Niyakap ko siya nang mahigpit at sinabi ko na hindi ko siya iiwan.

“Unti-unti naman ay nagiging maayos na siya. Ipinagdarasal ko na mawala na ang takot niya.

“May mga aftershocks pa kasing nangyayari, at kahit ako, medyo nagkaka-trauma na rin.

“Pero dasal lang kami na malampasan namin ang takot.”

RELIEF EFFORTS. Tutulong daw si Rich sa kanyang mga kababayan sa Bohol sa pamamagitan ng fundraising event ng iba’t ibang organizations na kasapi siya.

“Yung high school community ko na Tagbilaran City Science High School ay nag-organize agad ng relief operations.

"This week ay nagsimula na sila at namigay kami ng mga clothes at pagkain sa mga nawalan ng tirahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isang kapatid ko na nurse ay kasama sa rescue operation para sa mga nasaktan at naospital na kababayan namin.

“Marami rin kasi kaming mga kilalang hindi naka-survive sa lindol. Yung mga pamilya nila ang tinutulungan namin ngayon.

“Yung ibang kapatid ko naman ay nag-volunteer para tumulong sa mga evacuation centers.

“Lahat kami ay nagtutulung-tulong para muli naming maibangon ang pinakamamahal naming Bohol.”

Hindi raw makapaniwala si Rich na makakaranas ang kanyang home province ng isang matinding trahedya.

Lumaki kasi si Rich sa Bohol, at hindi siya kailanman nakaranas ng ganung katinding pangyayari.

Laking panghihinayang din ni Rich na gumuho ang ilang tourist attractions sa Bohol, lalo na ang mga lumang simbahan na napuntahan na niya.

Sabi niya, “Dasal namin lahat na ma-restore ang mga simbahan na nasira.

“Ipinagmamalaki namin ang mga simbahan sa Bohol, tulad ng Baclayon Church at ang Loboc Church.

"Dinarayo ang mga iyan ng maraming tourists every year.

“Ang laki rin ng naging pinasala sa Chocolate Hills.

"Wala talagang makapagsasabi kung ano ang puwedeng mangyari.

“Nagpapasalamat kaming mga taga-Bohol sa mga nagpapadala ng tulong at mga gumagawa ng mga fundraising events para mas maraming matulungan.

“Kaya kailangan ay magsama-sama at magtulungan tayong lahat para muling maibalik ang sigla at ganda ng Bohol.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN