Rocco Nacino admits relationship with Lovi Poe has deepened

Nakatakdang gumawa ng isang TV series sa Singapore ang Kapuso actor na si Rocco Nacino. Excited si Rocco sa proyektong ito dahil malaking tulong daw ito sa kanyang career.


Hindi nag-aalala si Rocco Nacino na kapag natapos na ang GMA primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas ay baka matapos na rin kung anuman ang namamagitan sa kanila ng kaparehang si Lovi Poe.

Paliwanag ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi, kasi noong Yesterday’s Bride, ganito na rin naman kami.

“Hindi rin naman agad nasundan, matagal-tagal din yun.

“Nagkaroon nga ako ng soap in between, bago ito.

“Lalo na ngayon, mas malalim…”

Mas malalim na ang kung anumang meron sa kanila ni Lovi?

Sagot niya, “Siguro, siguro… para sa akin, I can say yes.

“We’re having a great time na ganito kami.”

Lumalabas ba sila ni Lovi pagkatapos ng taping nila?

“Minsan,” pag-amin ni Rocco.

“Kasama P.A. [personal assistant] ko, P.A. niya.

“May times na lumalabas din kami, dinner… bago umuwi.

“Siyempre, para sa akin, ang daming pagkain sa taping, nakakataba.

“So, hahanap kami ng lugar na healthy naman.

“Tapos, yun, kain muna bago umuwi.”

OPPOSITES ATTRACT. Aminado si Rocco na may pagka-opposite ang mga ugali nila ni Lovi, pero nagkakasundo naman daw sila.

Sabi niya, “Actually, medyo opposite nga kami.

“Marami siyang gusto na hindi ko gusto. Marami akong gusto na hindi niya gusto.

“Siguro, totoo nga yung sinasabi nila na opposites attract.

“Hindi ko rin alam ang thing na yun na nagugustuhan ko sa kanya, kaya it’s so easy to talk to her.

“And out of many people na kakilala ko, siya pa talaga yung ganoon ako kaano, ka-comfortable.”



PROJECT IN SINGAPORE. Napag-alaman naman ng PEP mula kay Rocco na may isa siyang proyektong gagawin sa Singapore.

Nakangiting sabi ng StarStruck alumnus, “Sana, tulungan ako ng Akin Pa Rin Ang Bukas dahil sa Singapore siya. Series siya sa Singapore.

“Pero, nagpapaalam pa ako sa ETV." Ang tinutukoy ni Rocco ay ang entertainment department ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Di ba, ang laking tulong nun sa career ko? Para siyang C.S.I.

Fly-in, fly-out siya sa Singapore?

“Oo, sabi ko, willing akong mag-fly-in, fly-out.

“May shoot siya sa Philippines, then may nine days siya sa Singapore.”

Nag-audition ba siya para sa role?

“Ni-request ako,” sabi ni Rocco.

“May kakilala ako, na sabi niya, fit daw ako sa isang role sa isang series sa Singapore.

“Pinag-send niya ako ng profile. Nagustuhan naman nila.”

Kung walang magiging pagbabago, ngayong huling linggo ng Oktubre raw ang simula ng shooting nila.

Nakatulong kaya sa pagkuha sa kanya sa proyekto ang pagtira niya ng ilang taon sa Singapore noon?

Sabi niya, “Nakakatulong din. Siguro, plus points din sa Singapore team na tumira ako sa Singapore for ten years.”

Marunong pa rin daw magsalita si Rocco ng Mandarin, na siyang lengguwahe sa Singapore.



MULTIPLE PROJECTS. Bukod sa Akin Pa Rin Ang Bukas, regular pa ring napapanood si Rocco sa weekly musical-variety show na Sunday All Stars.

Ginagawa rin niya ngayon ang Metro Manila Film Festival entry na Pedro Calungsod: Batang Martir, kunsaan siya ang pangunahing bida.

At magkakaroon din siya ng bagong programa para sa News And Public Affairs ng GMA.

Banggit ni Rocco, “Ipapalabas sa GMA, bago ang Wish Ko Lang, yun ang alam ko.

“Ang title niya, O.C., Out of Control.

“Para siyang nagta-travel sa mga unique, obsessive-compulsive disorders.

“Kami ni Mariz Umali ang magkasama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN