Meryll Soriano certain Italian boyfriend is not gay

Bagamat in love ngayon si Meryll Soriano sa kanyang Italian boyfriend, hindi pa raw niya masasabi kung ito na ba ang lalaki para sa kanya. "Sa ngayon, hindi ko pa naiisip ang tungkol sa pag-aasawa. Gusto kong tapusin muna ang pag-aaral ko."


Italian ang boyfriend ngayon ng aktres na si Meryll Soriano.

Nakilala ni Meryll ang boyfriend niya sa Central Saint Martins College of Art and Design, sa London, England, kung saan kumukuha siya ng kursong Product Design.

Hindi ba mahirap na karelasyon ang isang foreigner, dahil sa pagkakaiba ng kanilang kultura at iba pang mga aspeto?

"Actually, mas okay ako. Wala naman kaming nagiging problema so far," sagot ni Meryll, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong indie film niyang Sapi Martes ng gabi, October 22, sa Chantilly Villas, Mandaluyong City.

Alam ba ng Italian boyfriend niya na artista siya rito sa Pilipinas?

"Of course. He found out after."

Love at first sight ba ang nangyari sa kanila?

"Hindi. Akala ko nga, vaklah!" pabakla at natatawang sagot ng aktres.

Pero sigurado naman siyang lalaki nga ang kanyang boyfriend?

"Sure naman ako!" tawa na naman ni Meryll.

"Napagkamalan ko lang. E, kasi, alam mo naman ang mga Italian, grabeng magporma.

"Dito sa atin, sanay tayo na ang mga lalaki, ’What’s up, pare?’ Na, ’dude,’ di ba?

"E, pagdating mo dun [sa London], lahat sila nakaporma. Na may pagka-banidoso.

"Pero, sure ako, hindi ako matatanso!" tawa pa rin niya.

Sa palagay ba ni Meryll ay ito na ang lalaking para sa kanya?

"Sana, pero hindi naman natin masasabi, e.

"Unless nandiyan na, ikakasal na kayo. Yung gano’n.

"E, sa ngayon, hindi ko pa naiisip ang tungkol sa pag-aasawa. Gusto kong tapusin muna ang pag-aaral ko.

"Babalik ako sa London sa September next year. Itutuloy ko pa rin ang pag-aaral ko.

"So, habang nandito sa Pilipinas, magtatrabaho muna ako.

"Bukod dito sa Sapi, may dalawa pa akong indie film.

"So, samantalahin na may mga projects.

"Work lang nang work, tapos ipon."

Ikinasal noon si Meryll sa aktor na si Bernard Palanca, at mayroon silang isang anak na lalaki, si Elijah, na anim na taong gulang na ngayon. Hiwalay na sila ni Bernard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN