Geoff Eigenmann happily reports that relationship with girlfriend Carla Abellana is "stronger than ever"

Geoff Eigenmann accepts “there’s no such thing as a perfect relationship." He says he and girlfriend Carla Abellana are communicative people who discuss matters to settle differences: “We got to keep working to make it better. Pero ang importante, napag-uusapan namin and we make up for it in our own little way.”


Nawala sa sirkulasyon ng ilang buwan ang Kapuso actor na si Geoff Eigenmann dahil sa pagtuon niya ng pansin sa kanyang kalusugan.

Matatandaang nag-isyu ang GMA Network ng “fat memo” upang bigyan-pansin at isaayos ng kanilang contract stars ang mga katawan nito.

Sa mga buwan na nawala si Geoff, naging “very visible” naman ang kanyang girlfriend na si Carla Abellana, dahil sa pagganap nito sa matagumpay na My Husband’s Lover.

Nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magandang resulta ng pagpapayat ni Geoff, nang makakuwentuhan namin siya sa birthday party ng manager niyang si Perry Lansigan noong October 15.

Parang ibang tao na nga si Goeff. Lumiit at bumata ang mukha, naging mas-maverick ang itsura, kaya mas sexy. Sa pangangatawan naman, parang nawalan ng ilang taon ang edad nito sa pagbaba ng kanyang timbang.

Tanong agad ng PEP, kung noong abala si Carla sa My Husband’s Lover at siya naman ay naka-focus sa pagdyi-gym, hindi ba ito nakaapekto sa relasyon nila?

Sabi ni Geoff, “No naman, no.

"Ano naman kasi kami, we’ve always been a very communicative couple.

“I guess, stronger than ever, I suppose.

“Palagi kaming nag-uusap kapag something’s bothering someone, palagi naming napag-uusapan. Hindi na namin pinapatagal.

“I’m very happy, iba yung ground na brineyk ng MHL.

“It was the happiest show that she’s ever been part of, so I’m very happy for her.

"I couldn’t be prouder, especially noong Saturday ng concert.”

Napapanood ba niya ang mga episodes ng My Husband’s Lover noon?

“Well, hindi naman, pero kahit hindi ko panoorin, alam ko ang nangyayari dahil palaging kinukuwento sa akin.

“My support is always there, kahit ano naman ang ginagawa niya.”

Malaki ang ipinayat ni Geoff.

Mula sa 210 lbs. ay nasa 170 lbs. na lang ang timbang niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang sabi ni Carla, proud ba ito sa kanya?

“Yes, definitely,” nakangiting sabi ni Geoff.



ON THEIR OWN. Kasalukuyang nasa Europe pa si Carla at nagbabakasyon, samantalang noong nakaraang mga biyahe ay nagkakasama sila.

Bakit hindi sumama si Geoff ngayon?

Ayon sa aktor, “She’s with her family, e. And I might be working soon, so there’s no time.”

May kinalaman ba ang hindi niya pagsama sa estado ng kanilang relasyon?

May nabanggit si Carla dati na may hinahanap pa rin sila sa kanilang relasyon.

Aminado naman si Geoff na hindi niya masasabing perpekto na ang kanilang relasyon.

“There’s no such thing as a perfect relationship. We got to keep working to make it better.

"So, okey lang naman yun.

“Alam ko naman na marami akong pagkukulang as a boyfriend and all that.

“Pero ang importante, napag-uusapan namin, and we make up for it on our own little way.”


UNDERSTANDING. Sa kanilang dalawa, si Carla ang mas nalilinya na sa mas mature o daring roles.

Bilang boyfriend, hindi ba siya yung seloso o nagse-set ng limitasyon o mga pagbabawal sa girlfriend pagdating sa mga eksenang gagawin nito?

Sagot ni Geoff, “Selos? Before siguro, oo.

"Pero ngayon kasi, nature ng trabaho namin yun.

“And before we got together, parang na-layout na yung rules, na this is our job.

“Kahit anong gawin natin, we’re gonna be paired with different people.

“May kissing scene, love scene sa TV or movies, hindi maiiwasan talaga.

“There’s really no point. Kami lang ang mapapagod kung problemahin pa namin yun.”

Sa parte niya, wala rin namang mga selos o pagbabawal si Carla?

“Wala naman. Minsan, if something’s bothering us, nasasabi ko or napag-uusapan namin.

“Pero yung to the point na pinag-aawayan namin malala talaga, never.”

Ang huling programa na pinagsamahan nila ni Carla ay ang Magic Palayok pa. Nami-miss ba niyang katrabaho ang kasintahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, definitely,” nakangiting sagot ni Geoff.

“I miss working, and I miss working with her, too.”


INDIE FILM. Mapapanood muli si Geoff sa primetime series ng GMA, bilang leading man ni Kylie Padilla sa fantaseryeng Adarna.

Pero bilang isang aktor, bukas si Geoff sa ideya na makagawa ng isang indie film.

Sabi niya, “I don’t think people see me [as] fit for indie.

"Why? I’ve no idea but I’m willing to do indies.

“Pero siguro, feeling lang nila, masyado akong mainstream, but I’m willing to.”

Baka akala ng iba, mahal ang talent fee niya tulad ng ibang mainstream actors?

Sagot dito ni Geoff, “It’s an indie, hindi pinag-uusapan ang presyo sa indie.

“Ako, I don’t mind, I just wanna do some quality works.”


LEADING LADIES. Sa muli niyang pagsabak sa pag-arte, may mga leading ladies pa rin ba sa Kapuso network na gusto niyang makatrabaho?

“Marami pa, marami pa akong hindi nakakatrabaho sa GMA,” mabilis niyang sagot.

“I’ve never really gotten the chance to work with Marian [Rivera].

"Si Rhian [Ramos], hindi ko pa nakakatrabaho.

"I’m always open to work with Heart [Evangelista] again.

“Si Glaiza [de Castro], si Andrea [Torres], hindi ko pa rin nakakatrabaho. Marami, marami…

“Better kung iba-iba para natsa-challenge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN