Jake Cuenca says his courtship of Jessy Mendiola is not for publicity, it’s "genuine"

Jake Cuenca to all the women he loved before: “Kahit anong relasyon that I’ve had in my life, ke nagalit man yun sa akin o kung we ended up as friends, wala akong pinagsisihan. Lahat sila minahal ko. Lahat sila, I hope... Naramdaman ko na minahal ko silang lahat."


Pinag-uusapan ang sabay na panliligaw nina Jake Cuenca at Sam Milby sa Maria Mercedes lead actress na si Jessy Mendiola.

Pero iginiit ni Jake na walang kumpetisyon sa pagitan nila ni Sam.

Sabi ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sinabi ko naman yung totoo, na may gusto ako kay Jessy, at magkaibigan kami ni Sam.

“Pero hindi naman siguro rason yun para mag-away kami, kasi magkaibigan naman kami ni Sam.

“So, kumbaga, tulad ng sinabi ko naman dati, yun, may the best man win.

“At kung saan talaga masaya si Jessy, yun ang sundan niya.

“Kung ako man ang mapili niya, e, napakasuwerte ko namang lalaki.”

Nakausap ng PEP si Jake sa launch ng RTL CBS Channel Philippines, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City, noong October 16.



GETTING STARTED. Aminado si Jake na naumpisahan na niya ang panunuyo sa kanyang leading lady sa Maria Mercedes.

Sabi niya, “Nandoon na, nandoon na... ginagawa ko siya on my own terms, on my own way.

“Tulad noon, kung paano ko gagawin ‘yan, e, inaalagaan ko siya sa set.

“At pag may oras man, niyayaya ko siyang lumabas, kumakain kami.

"Nangyayari naman paminsan-minsan.”

Paano niya inaalagaan si Jessy?

“Nireregaluhan, pinapakain...

“Kasi, etong mga ilang linggo, medyo nagkakasakit siya, kasi nga sige-sige yung schedule niya.

“Binigyan ko siya ng gamot, binigyan ko siya ng vitamins para mabawasan naman yung pagod niya sa trabaho.”

Mukhang na-miss ni Jake ang panliligaw kaya masaya siya sa ginagawa ngayon para kay Jessy?

Kumpirma niya, “Nakaka-miss, nakaka-miss talaga.

“Tulad nga ng sinabi ko, natotorpe ako.

"Iba talaga pag niloloko kayo ng mga tao sa set. Tapos, siyempre, hindi inaasahan, umabot na rin sa TV.

“So, parang lahat ng mga kaibigan ko, niloloko ako. So, tinatamaan ako nang pagka-torpe, konti.

“Pero okey lang naman yun na maranasan ko rin yun, ngayon pa kung kailan nag-mature o tumanda na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan ang huli niyang panliligaw sa isang babae?

Sabi ng 25-year-old Kapamilya actor, “Medyo matagal na rin. The last time I did this was maybe a year ago.”



RESPONSE. Sa ngayon, may kilig ba sa kanya na tinutukso siya kay Jessy?

Tugon ni Jake, “Well, oo naman.

"Saka nakakatulong rin naman sa amin sa set, kasi parang effortless yung acting. Kesa uma-acting kami, totoo naman.

“Pero more than anything else sa akin, yung mapadali ko ang trabaho ni Jessy, at maalagaan ko siya nang tama para, sa susunod na project, gusto pa rin niya ako makatrabaho.

“At kahit saan o anumang paraan mas maging malapit kami sa isa’t isa.”

Ano naman ang reaksiyon ni Jessy sa mga ginagawa niya?

Pagmamalaki ni Jake, “Natutuwa naman siya. Saka nasu-sweet-an naman siya.

“Genuine naman yung ginagawa ko, e.

"Hindi ko naman siya ginagawa for publicity or for anything like… I do it because of her.

“Like I said, I mean, what I do, sana ma-appreciate niya.

"And so far, naa-appreciate naman niya talaga. Okey naman.”



WAY AHEAD. Magkasama sa Maria Mercedes sina Jake at Jessy. At dahil dito, mas malaki na, ’ika nga, ang lamang ni Jake kay Sam sa karera.

Reaksiyon dito ni Jake, “Sa akin naman, yes, napakasuwerte ko na madalas ko siyang nakakasama.

“Pero hindi ko naman pinagsasamantalahan yung pagkakataon, ayokong minamadali sa taping.

“Mas maganda yung ligawan, yung pagsasama namin.

“Hindi sa trabaho kundi yung lumabas kaming dalawa na magkasama, na kaming dalawa lang. Masaya naman talaga yun.”

Malapit din si Jessy kay Sam, kaya hindi imposibleng ma-develop ang young actress sa singer-actor.

Tugon naman ni Jake dito, “Like I said, ang sa akin lang naman, tulad ng sinabi ko, ipapakita ko lang yung tunay kong pagkatao kay Jessy.

“As much as possible, I hope she appreciates that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like I said, I just came from a relationship, or I was dating someone for the longest time.

“Kaya ayoko rin pilitin ang isang bagay, madaliin ang mga bagay-bagay dahil may show kami, tinutukso-tukso kami.

“Kung tanggapin man ako ni Jessy, sana tanggapin niya ako kung paano talaga ako.

“Kahit anong mangyari, wala naman akong ibang hinangad kundi ang maging masaya si Jessy Mendiola.”



RIGHT TIMING. Kailan ba niya naramdaman na puwede na siyang manligaw ulit?

Saad ni Jake, “Matagal na kaming magkakilala ni Jessy. Nagkataon lang na never nataymingan [timing].

“Maybe at this point in time, eto na yung good timing.”

Sa pagkakaalam namin, ngayon lang pumasok sa isang love triangle si Jake.

Sabi niya tungkol dito, “Kung kumpetisyon man ‘yan, like I said, let the best man win.

"Kung maging sila man ni Sam, I’ll have to accept that.

“Masakit man yun, masakit man tanggapin yun, pero kailangan mong tanggapin na doon siya masaya.

“Kung bibigyan niya ako ng pagkakataon na maging boyfriend niya, parang ako na yung pinakamasayang lalaki sa buong mundo.”

May mga nagsasabi na nagkaka-interes si Jake sa halos lahat yata ng mga babaeng nakakasama niya sa trabaho.

“Hindi naman lahat!" bulalas ng binata.

"Nakatrabaho ko… matagal naman kaming nagkatrabaho ni Shaina [Magdayao] o si Iza [Calzado] o si Andi [Eigenmann].

“Yeah, ang sa akin kasi, sobrang nakaka-in love ang personality ni Mercedes, pero mas nakaka-in love ang personality ni Jessy Mendiola as a person. Yun!

“Unang-una, very honest, very honest siya.

"Napakaganda, wala namang makakapagkaila noon.

“Bukod doon, masaya siyang kasama.

"Sa ilang beses kaming nagkasama, lumabas, nagkita sa labas na hindi nagtatrabaho, nag-enjoy ako.

“Yun naman ang isang bagay na ina-appreciate ko sa kanya.”



SHOWER OF GIFTS. Inamin ni Jake na binibigyan niya ng mga regalo si Jessy, pero tumanggi na siyang isa-isahin ang mga ito, para raw hindi siya masabihan na mayabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi lang niya, “Niregaluhan ko na siya ng ilang beses.

“Pero nasa kanya na yun. Kung malaman man yun, mas magandang manggaling na yun sa kanya.”

Nagagawa pa rin daw nilang lumabas sa tuwing mapa-pack up ang kanilang taping nang maaga.

Sabi ni Jake, “Masaya na ako sa oras na naibibigay niya sa akin.

“Ang maganda sa amin ni Jessy, sobrang nai-enjoy namin ang trabaho namin.

“Kasi Maria Mercedes is doing very well, nagti-trend.

"Ngayon, nag-e-evolve rin si Jessy as an actress. May pelikula siya.

“Ako, I have three movies coming out in November. Alam mo yung, parang, nakaka-flatter?

“At the same time again, kung mangyayari man na maging kami, it will happen at the right time, at the right place.”



WITH SAM MILBY. Alam ba ni Jake na lumalabas din si Jessy kasama si Sam?

“Oo. Wala naman akong problema doon, hindi ko naman girlfriend yung tao.

“Tulad ng sinabi ko kanina, ako, wala akong problema kay Sam. Sam is a very good friend of mine.

“Yun nga lang, magkaiba kaming manligaw kasi magkaiba naman kaming lalaki.”

Hindi ba sila nagkakailangan ni Sam kapag nagkikita?

“No. Nagkita nga kami sa ASAP, tapos pinagpi-piktyuran kaming dalawa. Natatawa na nga lang kami.

“Kasi ako, isang bagay na gusto kong ma-retain, yung friendship namin, no matter what. Kasi, napakabait ni Sam.”

Paano kung hindi na naman mag-work ang relationship ni Jake sa isang showbiz personality?

Pagsang-ayon niya, “Oo nga, e. Dalawa lang naman ‘yan sa mga showbiz relationships, e.

“Either magkatuluyan kayo, magkaasawa, magkaanak kayo, or hindi mag-work out.

“E, sa edad ko naman, kaka-twenty-five [years old] ko lang naman, e, ganoon talaga, e.

“You will have failed relationships.

"You will have very successful relationships, pero hindi kayo nagkatuluyan.

“Kahit anong relasyon that I’ve had in my life, ke nagalit man yun sa akin o kung we ended up as friends, wala akong pinagsisihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat sila minahal ko.

“Lahat sila, I hope... Naramdaman ko na minahal ko silang lahat.

“At kung hindi man… ganoon naman talaga—sometimes it works, sometimes it doesn’t.

“Napakasuwerte ko lang, di ba?

"Maganda yung career ko, nagkaroon ako ng magagandang relationship.”



CHRISTMAS GIFT. Inaasam ba ni Jake na ang matamis na "oo" ang maging Christmas gift sa kanya ni Jessy?

Nakangiting sagot agad ng aktor, “Sana, sana. Sana ibigay sa akin ni Santa Claus, at pareho pa silang naka-pula.

“Kung may mangyari man sa amin ni Jessy, ayokong sayangin yun this time around."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN