Jake Cuenca on Lovi Poe: "Whatever we had, pareho naman kaming nag-enjoy."

Kung noon ay parehong sinasabi nina Jake Cuenca at Lovi Poe na hindi lumagpas sa pagiging magkaibigan ang samahan nila, ngayon ay inamin na ni Jake na nagkaroon nga sila ng relasyon.


Base sa mga naging pahayag noon nina Jake Cuenca at Lovi Poe sa interviews, sinabi nilang hindi sila umabot sa pakikipagrelasyon.

Ngunit bakit ngayon ay sinasabi ni Jake na nagkaroon sila ng relasyon ng Kapuso actress?

Paglilinaw ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

“Hindi. Kasi, ako naman kasi, kahit hindi ninyo nilagyan ng label, na okey yung tao...

“Sa panahon na ini-spend mo sa tao, kung exclusive naman kayo... I mean, if you’re exclusively dating, I can consider that a relationship.

“Ganoon din naman yung mga relationship sa States, ganoon ang nakasanayan ko, kung saan ako lumaki.

“So, I mean, kahit hindi ko nabigyan ng label na ‘O, kami na,’ special pa rin sa akin yun. Binigyan ko pa rin ng malaking halaga.”

Ayon kay Jake, ngayong taon lang nagwakas ang "relationship" nila ni Lovi.

Pero paglilinaw pa rin ng aktor, "nagdi-date" lang sila noon.

“You know, we saw each other for a long time.

“Whatever we had, pareho naman kaming nag-enjoy."

Dagdag niya, "Sa mga panahon ngayon, magkaibigan kami.

“Siyempre, these past few months, I said, kaya nga hindi ako nagmamadali.

“Yun nga ang sinasabi ko na, every time na pinipilit ko ang sarili ko to get into a relationship, though mahal ko naman yung tao, hindi pa ako handa.

“You know, the time na nagdi-date kami ni Lovi, it hasn’t been... maraming adjustments akong ginawa.

“Or, never pa akong nagdaan sa ganoong heartbreak.

“But, you know, at the end of the day, masaya naman ako kasi, ultimately, magkaibigan naman kami.

“Wala akong galit sa kanya, wala rin akong hinahangad kundi ang maging masaya siya.

“If it takes someone else to make her happy, then, I’m okay with that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN