Shamcey Supsup wagers Ariella Arida will win the Miss Universe crown

Shamcey Supsup (right) sent off Ariella Arida to the Miss Universe international competition in Russia with this piece of advice: "Whatever happens, dapat hindi lang yung just winning the crown is your goal. Ang dapat mo ring maging goal, you get there and be able to share the Philippines to the whole world."


Naniniwala si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup na malaki ang pag-asa ni Ariella Arida na mapanalunan ang korona bilang Miss Universe ngayong 2013.

Kung sakali, si Ariella ang ikatlong Pinay na mag-uuwi ng korona mula sa isang international beauty pageant ngayong taon.

Ang una ay ang Miss Supranational, na napanalunan ni Mutya Datul. Sumunod dito ang Miss World, na nakuha naman ni Megan Young.

Ito ang unang beses na napanalunan ng Pilipinas ang nabanggit na dalawang beauty titles.

Sabi ni Shamcey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi, di ba, this year has been lucky for us?

“Kumbaga, sabi nila thirteen is unlucky number, pero sa mga Pinoy yata, this year has been very, very lucky for us.

“We already have two crowns—the Miss Supranational and Miss World."

Patuloy ni Shamcey, “Someone told me before that success comes in threes, always. Sabi lang sa akin, ha?

“Kasi, noong bago ako pumunta sa Miss Universe, sabi sa akin, ‘Success comes in threes—nag-topnotch ka sa Architecture, tapos nag-Binibini ka....’

“Sa Miss Universe, mataas din ang makukuha ko.

"So, ang feeling ko also, we will think it that way, na baka it will come in threes.

“We might have our third crown this year.”

Kung sakali ngang makuha ni Ariella ang korona ngayong taon, siya ang magiging ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas.

Ang unang dalawa ay sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973).



TRAINING. Nakapanayam ng PEP si Shamcey ilang araw bago lumipad si Ariella patungong Moscow, Russia, para sa Miss Universe 2013.

Ayon sa kanya, nagkausap na sila ni Ariella bago ito umalis.

“Last week, we had training...

“Ako, usually, I don’t really train specific, parang sa walk or sa make-up or yung mga meron na siyang training.

“Kasi when I was competing, parang naguguluhan na ako sa dami ng mga nagte-train sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kanya, ginawa namin, it’s more on discussion.

"Sabi ko sa kanya, ‘Sa tingin mo, ano pa ba ang kulang pa na gusto mong matutunan, malaman, that you want me to share?’

“Yun nga raw, yung how to talk to the public… parang public speaking, expressing her thoughts.”

Ilang batikos kay Ariella ay ang kanyang tila kakulangan sa communication skills.

Paliwanag naman ni Shamcey, “Yung sa akin, it’s more on helping boost her confidence.

“And I was telling her na, noong nandoon ako sa time ngayon, I know how it feels.

“People will compare you from the previous beauty queen, laging ganoon yun.

“So, ang sinabi ko sa kanya, ‘Huwag kang magtaka at ma-hurt if you get compared with the other beauty queens.’”



PRESSURE. Nararamdaman ba ni Shamcey ang pressure kay Ariella dulot ng dalawang koronang naiuwi ng Pilipinas ngayong taon?

“Of course!” mabilis na tugon ni Shamcey.

Bukod sa dalawang koronang napanalunan ng Pilipinas ngayong taon, ang mga sinundang kandidata ni Ariella sa Miss Universe ay pawang pumuwesto sa Top 5:

Venus Raj (2010, 4th runner-up), Shamcey Supsup (2011, 3rd runner-up), at Janine Tugonon (2012, 1st runner-up).

Sabi ni Ariella, “Doon pa lang, parang you can feel the pressure.

"Tapos, sunud-sunod pa yung korona this year.

“So, they will expect you to do really well.

"Pero I was telling her na, ‘Ayoko na yun lang ang goal mo—do your best. All your trainings, gawin mo. Give it your hundred percent.

“’And whatever happens, dapat hindi lang yung just winning the crown is your goal.

“’Ang dapat mo ring maging goal, you get there and be able to share the Philippines to the whole world.’”



PAGEANT RULES. Tungkol naman kay Megan Young, na nanalong Miss World, hindi raw ito nakasama o nakausap ni Shamcey bago ito lumipad pabalik ng London.

Pinagbabawalan ba sila ng Binibining Pilipinas Inc. na makipag-socialize sa ibang franchise-beauty pageant winners, gaya ni Megan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi naman," mabilis na tugon ni Shamcey.

“Before she joined, nakakasama pa namin si Megan. Pero right after, she’s so busy rin kasi.

“Hindi rin ako nakapunta doon sa, parang, homecoming party niya, kasi sobrang late na yung time, na sobrang umulan nang malakas, bumaha na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN