Jennylyn Mercado posts Instagram message about "walking away"

Bagamat nananatiling tikom ang mga bibig nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado tungkol sa napaulat na breakup nila, tila nagpahiwatig si Jennylyn sa Instagram na tapos na nga ang lahat sa kanila ni Luis.


Tahimik pa rin ang parehong kampo nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano tungkol sa naibalitang breakup nila.

Ngunit nakapukaw ng atensiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang netizens ang post ni Jennylyn sa Instagram (mercadojenny) ngayong umaga, October 24.

Isa itong quotation na tumutukoy sa mga taong umaalis sa ating buhay:

"When people walk away, let them. Your future is not about people who walk away, it’s about the people who stay in it for the ride."

Walang caption ang naturang post ng Kapuso actress-TV host.

Kapansin-pansin din sa Instragram ni Jennylyn na burado na ang lahat ng mga larawan nila ni Luis.

Sa Instagram naman ni Luis, hindi pa nito binubura ang larawan ng mga kamay nila ni Jennylyn, kung saan ipinapakita ang suot nilang mga relos.

Pareho na ring nag-unfollow ang dating magkasintahan sa isa’t isa.

Incidentally, parehong may 370 posts sina Luis at Jennylyn sa kani-kanilang account sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN