Luis Manzano picks up the pieces after split with Jennylyn Mercado

Luis Manzano dismisses third-party issue as reason behind breakup with Jennylyn Mercado: “Jen and I know the truth. Siguro yun na lang yung masasabi ko. To some degree, I’m speaking on Jen’s behalf already. Sa lahat ng mga naglalabasang issue, sa lahat ng naglalabasang pangalan, Jen and I know the truth.”


Kinumpirma na ni Luis Manzano ang breakup nila ni Jennylyn Mercado.

Kagabi, October 23, ay nakausap si Luis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng television crew ng GMA at ABS-CBN, pagkatapos ng SM Shoes and Bags fashion show sa SMX Convention Center.

“Life is too short to be sad. You only get a one shot in life,” saad ni Luis, nang kinumusta siya ngayong break na sila ni Jennylyn.

Dagdag pa ng Kapamilya TV host-actor, “Why get sad or depressed? Make the most out of every single day.

"Alam ni KC ‘yan, that’s why she’s always smiling."

Kasamang rumampa ni Luis sa fashion kagabi si KC Concepcion.

Ayon pa kay Luis, naiintindihan niya kung maraming nanghinayang sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Jennylyn.

“Well, I guess I could understand din naman na maraming nagmahal sa relationship namin, maraming sumuporta.

"Pero things happen for a reason.

"We just have to part ways."

May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa?

Sagot ni Luis, “As of now, medyo malabo-labo na talaga.”

MOMMY VI KNOWS. Samantala, hindi pa raw nakakausap ni Luis ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa breakup nila ni Jennlyn.

“Actually, I’m guessing my mom has heard about it.

"Pero hopefully this weekend, we get to sit down about it, na we really talk about it.

“Di pa namin... kumbaga, alam ko na alam niya. Kasi yung mga text niya sa akin, puno ng lambing.

“I know she knows, but to actually sit down and tell her the whole story, hopefully it’ll happen this week.”



THIRD PARTY. May ilang naghihinalang ang dahilan ng hiwalayan nina Luis at Jennylyn ay isang third party, ngunit mariin itong itinanggi ni Luis.

Ayon sa 32-year-old TV host, “You know, anything to do with a breakup, siguro sa dinami-dami ng lumalabas na pangalan, mga kung anu-anong issue, Jen and I know the truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yun na lang yung masasabi ko.

"To some degree, I’m speaking on Jen’s behalf already.

“Sa lahat ng mga naglalabasang issue, sa lahat ng naglalabasang pangalan, Jen and I know the truth.”

Ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo ay isa sa mga naiturong dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Ngunit mariing pinabulaanan ng My Husband’s Lover star na may kinalaman siya sa hiwalan nina Jennylyn at Luis.

Naging maugong din ang balitang si Yam Concepcion na raw ang bagong girlfriend ni Luis.

Hindi naman itinago ni Luis na na-offend siya sa isyung third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit idinaan na lang ito sa biro ng Minute To Win It host.

“Alam mo, inaantay ko na lang talaga… Ako, nao-offend ako, kasi ang dami din nali-link sa ’kin.

“Inaantay ko lang talaga na ma-link sa ’kin si Kate Beckinsale. Yun lang, yun lang sana inaantay ko.

"Please lang, pang Hollywood ’tong mukha ko!”

Maging ang malapit na kaibigan ni Luis na si Billy Crawford ay idinadawit din sa isyu.

Kaya pabirong sabi ni Luis, “Okay, fine, fine, once and for all, na-realize namin ni Billy na iisa ang mga puso namin.

"Billy, kung nasa’n ka man, text me when you get home.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN