Angeline Quinto shrugs off comparison with The Voice runner-up Klarisse de Guzman

Angeline Quinto is proving herself to be the role model for struggling singers: "Kasi alam ko po yung feeling ng ganoon bilang dati rin po akong dumaan sa mga contest... Yung ibang taong nagsisimula rin katulad ko, siguro eto po yung time nila para makilala ng tao at magkaroon rin ng magandang trabaho sa pamamagitan ng kanta.”


Hindi na bago sa entertainment industry ang pagtatapat sa mga artista o singers, lalo na kung may mga baguhang nakakapukaw ng atensiyon ng marami.

Pagkatapos manalo ni Angeline Quinto sa singing search ng ABS-CBN na Star Power noong 2011, pilit siyang ikinukumpara ng ilan kay Sarah Geronimo.

Ngayon naman, isinasabong si Angeline sa runner-up ng The Voice of the Philippines na si Klarisse de Guzman.

Sinasabing baka raw maungusan ni Klarisse si Angeline dahil mas fresh at mas mahusay kumanta ang baguhang singer.

Ano ang masasabi ni Angeline tungkol dito?

“Siguro po, hindi naman po natin maiiwasan yung ganoon.

“Kasi, talagang may dumarating po na iba’t ibang singers.

“Pero para po sa akin, ako po hanggang ngayon, meron pa po akong mga pangarap na gusto ko pa pong matupad.

“So, yung ibang taong nagsisimula rin katulad ko, siguro eto po yung time nila para makilala ng tao, at magkaroon rin ng magandang trabaho sa pamamagitan ng kanta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa 5th Star Awards for Music noong October 13.



SINCERE SUPPORT. Ipinaabot ng PEP na ina-acknowledge ni Klarisse ang pagbibigay-suporta ni Angeline sa kanya.

Ikinuwento pa ni Klarisse na nakakasabay niya sina Angeline at Charice sa mga singing contest noon.

(Read: Klarisse de Guzman clamps down intrigues pitting her against Angeline Quinto)

Pagbabalik-tanaw naman ni Angeline, “Dati po, oo, sa mga fiesta.

“Kaya din magkakilala sila ni Charice, e, ako, si Klarisse... nakakasabay ko po sila.”

Pinatotohanan naman ni Angeline na hindi lang sa Facebook niya pinadadalhan ng message of support si Klarisse.

Binu-boost rin niya ang morale nito sa tuwing magkikita sila sa ABS-CBN compound noong nakikipag-compete pa ito sa The Voice.

“Kasi alam ko po yung feeling ng ganoon bilang dati rin po akong dumaan sa mga contest.

“Galing po ako sa malaking singing competition sa ABS, di po ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka kapag nakikita ko si Klarisse, nagpa-flashback sa akin yung panahong yun… lagi niyang kasama ang nanay niya.

“Ganoon din po kasi sa akin yung nanay ko.”



PHYSICAL FITNESS. Kapansin-pansin naman ang pagbabago sa pangangatawan ngayon ni Angeline.

Hindi naman itinanggi ng Kapamilya singer-actress na sinadya niya talagang magpapayat.

Saad niya, “Kasi po, marami pong nakakapansin na nagkakalaman na ako.

“Sayang naman po yung pagpapayat ko pa since noong nanalo ako sa Star Power.

“So, medyo conscious na rin ako sa mga kinakain ko.”

Ayon pa kay Angeline, pinuna na rin siya ng ABS-CBN sa pananaba niya dati.

Sabi niya, “Minsan po pag nakikita nila ako sa ASAP, na lumalaki na ulit, talagang sinisita nila ako.

“So ayun, agad-agad na namu-motivate ako.

"Siyempre po, para sa akin din naman yun at sa trabaho ko. Okey naman.”

Nakaramdam ba si Angeline na kakaiba siya sa mga payating tulad nina Kim Chiu at Erich Gonzales?

Aniya, “Sa totoo lang po, dati wala po akong pakialam sa mga ganyan, kasi hindi naman po ako mapili sa pagkain.

“Pero ngayon, unti-unti rin po akong natuto dahil na rin sa mga nakakatrabaho ko, sa mga taong nakakasama na ang mga kinakain ay healthy food.”



FOCUS ON SINGING. Ang dati ba niyang pangangatawan ang dahilan kung bakit hindi muna siya binibigyan ng bagong acting project?

Ang huling seryeng pinagbidahan ni Angeline ay ang daytime series na Kahit Konting Pagtingin, na nagtampok din kina Sam Milby at Paulo Avelino.

Pagtanggi niya, “Hindi naman po. May mga offer naman na dumarating sa acting po.

“Kaya lang, sinasabi ko naman po sa kanila na gusto ko muna ulit mag-focus sa singing.

“Kasi sunud-sunod na nabigyan ako ng projects sa pag-arte, medyo napabayaan ko yung singing ko, e.

“Nahirapan akong kumanta sa ASAP. Sinasabi ko sa kanila na nahirapan ako sa guesting ko po sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, medyo nag-lie low ako sa pag-arte, kasi talaga pong nahirapan ako.”



SOLO CONCERT. Gaano katagal siya muna magko-concentrate sa music bago balikan ang acting?

Sagot ni Angeline, “Siguro po hanggang sa matupad po yung dream ko na makapag-concert sa Araneta Coliseum.

“Sana po, next year po kung mabibigyan ng chance. Kasi po next year, third year na po ako sa showbiz.”

May ideya na ba siya kung sino ang gusto niyang makasama o maging guests sa kanyang first major concert?

Aniya, “Oo naman, nasa diary ko ‘yan lahat.

“Unang-una po, si Ms. Regine [Velasquez], si Sarah [Geronimo] po, si Erik Santos.

“Yung mga iniidolo ko rin po talaga na mga singers ko, like sina Sir Martin Nievera, Sir Gary Valenciano.”



DEPARTED DAD. Samantala, patuloy pa ring dinaramdam ni Angeline ang pagyao ng kanyang ama.

Kuwento niya, “Marami pong nangangamusta, pero malungkot po talaga.

"Wala naman din namang may gusto sa nangyari sa Papa ko.

“Pero inisip ko na lang po na hindi na siya nahihirapan.

“Kasi po, bago po namatay si Papa, nakita ko yung paghihirap niya nang apat na araw, e.

"So, ayokong makita siyang ganoon.

“Noong October 1 po, na namatay si Papa, ipinagpasa-Diyos ko na lang po.”

Nabago ba ang buhay niya noong nawala ang Papa niya?

“Parang kulang na, kasi po ‘eto po talaga yung unang-unang Pasko na wala po akong tatay, e.

"So, nakakalungkot po talaga.”

Parang bang nawalan na siya ng gana sa buhay, sigla o focus sa career?

“Noong una. Siguro mga isang linggo pagkatapos mamatay ni Papa, parang ayokong magtrabaho.

“Siguro normal po yun, pero alam kong ayaw yun ni Papa na makita niya ako sa ganoon.

“Actually, noong nakaburol siya, nagtatrabaho pa po ako noon.”



LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, umiiling si Angeline tungkol dito.

Ayon sa kanya, hindi pa talaga niya priority ang magkaroon ng boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit may lumabas na balitang nanghinayang siya sa naudlot na pag-usbong ng romantic relationship nila ni Coco Martin?

Nakasama ni Angeline si Coco sa launching movie niyang Born To Love You.

Esplika ng dalaga, “A, dati? Ay, sobrang tagal na po noon?

“Okey naman po kami ni Coco, pero hindi pa po kami nagkikita ulit.

“Sobrang na-touched nga po ako kasi kahit hindi po kami nagkikita, siya po yung unang-unang nagpadala ng flowers para kay Papa ko.

“Ayun, at least, alam kong nandyan pa rin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN