Jason Francisco to wed pregnant girlfriend Melai Cantiveros in December

“Ito, dalawa nga lang. Imagine niyo ilang family yung [natutulungan ko] sa amin. Hindi pa ako artista, naitaguyod ko yun. Ito, dalawa lang,” says Jason Francisco about his readiness to become a father. His girlfriend Melai Cantiveros is currently four months pregnant with their first child.


Nang ipinakilala ang mga artistang bahagi sa bagong ABS-CBN teleserye na Honesto, marami ang natuwa nang makitang magkasama ang magkasintahang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Kabilang din sila sa inabangan ng entertainment media nang matapos ang general press conference na inihanda para sa cast ng programa kaninang hapon, October 24.

Ito kasi ang unang pagkakataong magkasama nilang haharapin ang entertainment media matapos nilang opisyal na aminin ang pagbubuntis ni Melai sa The Buzz, ang ABS-CBN Sunday showbiz talk show.

Sa ngayon ay nasa ika-apat na buwan na raw ang dinadala ni Melai.

Tulad ng sinabi ng dalawa sa mga nakaraang interview, plano na raw talaga nina Melai at Jason na magkaroon ng anak.

“Oo naman, nasa calendar namin. Oo naman, hindi lang namin sinasabi sa TV. Alangan namang sabihin namin, ‘Oy, may plano kami,’” natatawang sabi ng 25-year-old comedienne.

Sabi naman ni Jason, minabuti raw talaga nila na ipaalam na lang ang tungkol sa pagbubuntis ni Melai noong nakakasiguro na sila.

Dagdag pa ng 26-year-old comedian, “Hindi kasi alam ng mga tao na nagkabalikan na kami.

“Sa bahay ko na siya nakatira, sobrang ilang months na talaga.

“Hindi na namin pinaalam na nagkabalikan na kami, kasi nga, may plano na kami.

“Kasi nga, artista kami. Hindi naman sa pag-aano, kapag nalaman nilang nagkabalikan na kami, same questions, same answers.

“Ito, mas maigi na bago talaga, good news talaga, at saka new life.”



CARING FOR MELAI. Tulad ng ibang nagdadalang-tao, inamin ni Melai na nahirapan talaga siya noong unang tatlong buwan.

Pero natutuwa raw siya na todo-alaga sa kanya ang nobyong si Jason.

“Lagi naman siyang nandiyan para sa akin. Hindi na siya gumagala.

“Sabi ko kasi kailangan ko talaga siya. Kahit inaaway ko siya, ’Huwag kang aalis.’

“Talagang lagi siyang nandiyan every now and then.”

Sa kabilang banda, tila kinukundisyon na ni Jason ang sarili tungkol sa pagiging ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin siya kung paano niya ito pinaghahandaan, sagot ni Jason, “Pinaghandaan naman talaga na mabuo ‘yan. Three months ngang ginawa, e.

“Sa ngayon, hindi ko pa maano yung feelings ko.

“Parang minsan, nagtatatanong ako sa sarili, kung ano ba ang puwede kong gawin.

“Ang gusto ko lang namang gawin ay maging isang mabuting ama at asawa.”



WHAT HAPPENS AFTER? Nang ianunsyo ng magkasintahan ang pagbubuntis ni Melai, may ilan na nag-alala sa kani-kanilang showbiz career.

May ilan ding kaibigang hindi pa kumbinsido na kaya na ni Jason ang magtaguyod ng pamilya.

Para kay Melai, “Normal na reaksiyon ‘yan ng mga kaibigan mo.”

Gayunman, inamin ni Melai, “Siyempre, parang nasasaktan ka rin, parang ina-underestimate naman ‘to.

“At saka hindi naman ganun para… Yung mga mangingisda nga, nakakakain ng tatlong beses isang araw.

“Alam mo yun? Hindi naman dapat ika-worry yun. Kasi nga, lagi lang naman nandiyan.

“Kung hindi kami mabigyan ng work e di maghanap ng iba.”

Pero agad ding inintindi ni Melai ang mga nagbibigay ng negatibong komento tungkol sa kanila ni Jason.

Sabi niya, “Hindi mo rin sila ma-blame kasi kinuwento ko sa kanila na nagkabalikan kami, pero hindi full-pack.

“Kasi, ayaw ko rin nga na kunwari may komento.

“Ayaw ko ng ganun, kasi puso ko na ang susundin at saka siya naman yung makakasama ko.”

Sa kabilang banda, siniguro ni Jason na kaya niyang buhayin ang magiging pamilya nila ni Melai.

Sabi pa niya sa mga nag-aalangan sa kanyang kakayahang maging ama, “Hindi nila ako talaga kilala.

“I mean, walang nakakakilala sa akin sa totoong ako, e.

“I mean sila, puwede nilang sabihin kung ano ang puwede nilang sabihin sa akin.”

Ikinuwento rin ni Jason ang pagtulong niya sa sariling pamilya noong hindi pa siya artista.

Aniya, “Sa totoo lang, nag-ano nga yung parents ko sa kanila sa province. Parang sinabi nila na, ‘Bakit ganyan sila? Tayong lahat masaya, tapos ganyan sila.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ’Hayaan na lang. Kasi hindi naman nila ako kilala, at hindi ako close sa kanila.’

“Hindi nila ako kilala kasi hitsura ko ganito, e.”

“At saka sabi ko nga, dalawa lang itong bubuhayin ko ngayon.

“Ako, kumbaga, ilang family ko ang natutulungan sa amin.

“Kumbaga, nakatulong ako sa kanila, sa aking mga pamangkin. Hindi nila yun alam. Ito, dalawa nga lang.

“Imagine niyo, ilang family yung [natutulungan ko] sa amin.

“Hindi pa ako artista, naitaguyod ko yun. Ito, dalawa lang.”



WEDDING IN GENSAN. Sa ngayon, bukod sa paghahanda para sa kanilang magiging anak, pinaghahandaan din nina Melai at Jason ang kanilang nalalapit na kasal.

Ayon sa magkasintahan, ito ay gaganapin sa bayan ni Melai sa General Santos City sa unang linggo ng Disyembre.

Hindi nagbigay ng detalye ang dalawa kung sinu-sino ang mga kukunin nilang ninong at ninang.

Pero siniguro nila na kasama rito ang TV host-actress na si Kris Aquino.

Ilang beses din kasing naging co-host sina Melai at Jason sa morning show ni Kris na Kris TV.

Bagamat imbitado sa kasal ang mga kasamahan nila sa showbiz, hindi naman daw sila bahagi ng entourage.

Paliwanag ng magkasintahan, hindi raw kasi sila siguradong makakapunta ang mga kaibigang artista dahil sa kalayuan ng venue ng kasal.

“At saka hindi natin hawak ang schedule ng mga artista," paglilinaw pa ni Jason.

Sina Melai at Jason ay nagkamabutihan sa Pinoy Big Brother: Double Up ng 2009. Si Jason ay nanalong 3rd runner up ng reality show, habang si Melai ay tinanghal na Female Big Winner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN