Yam Concepcion denies involvement in Luis Manzano-Jennylyn Mercado breakup

Bagamat kakilala raw ni Yam Concepcion si Luis Manzano, itinanggi nitong may namamagitan sa kanila. Sabi ni Yam, "Hindi naman kami nagkakausap ni Luis, at hindi naman kami close. Hindi ko nga masasabing magkaibigan kami, e. Magkakilala lang."


Nagulat ang sexy actress na si Yam Concepcion nang madawit ang pangalan niya sa breakup nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

May ilang reports na nagsasabing "third party" diumano ang dahilan ng breakup ng dalawa, at si Yam ang itinuturong nauugnay ngayon kay Luis.

Pinabulaanan na ni Luis sa interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anggulong third party bilang dahilan ng breakup nila ni Jennylyn.

Bagamat hindi tinukoy ng Kapamilya TV host-actor ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ng Kapuso actress-TV host, sinabi nitong alam nilang dalawa ang totoo.

Inamin din ni Luis na na-offend siya sa pagli-link sa kanya sa iba, kabilang na si Yam.

Aniya, “Ako, nao-offend ako, kasi ang dami din nali-link sa ’kin.

“Inaantay ko lang talaga na ma-link sa ’kin si Kate Beckinsale. Yun lang, yun lang sana inaantay ko.

"Please lang, pang Hollywood ’tong mukha ko!” pagbibiro na lang niya sa huli.

(Read: Luis Manzano picks up the pieces after split with Jennylyn Mercado)

YAM ALSO DENIES. Sa panayam naman ng PEP kay Yam, sa launch ng isang magazine kagabi, October 24, sa The Roofdeck Bistro, Examiner Street, Quezon City, ay itinanggi rin niyang may kinalaman siya sa paghihiwalay nina Luis at Jennylyn.

Aniya, “Nakakagulat, kasi bigla na lang akong na-involve sa nangyari kina Luis at Jennylyn.

“Bakit ako? Saan naman nanggaling iyon, di ba?

“Nakakahiya naman pareho kina Luis at Jennylyn.

"Tsaka, baka biglang may mang-away sa akin na wala naman akong ginagawang kasalanan."

Personal ba niyang kakilala si Luis?

Sabi ng Viva talent, nakilala niya si Luis noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz.

“May mga common friends pala kami. Kilala niya yung mga friends ko, na member ng isang band na nakakasama ko.

“Tapos, nag-guest nga ako sa Minute To Win It, doon ko lang ulit nakita si Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-usap-usap lang kami, kumustahan.

"At after ng guesting ko, yun na ‘yon."

Dagdag niya, “Hindi naman kami nagte-text sa isa’t isa. Walang gano’n talaga.

“E, yung guesting kong iyon, matagal na siya.

“Kaya nakakagulat nga ang balitang may kinalaman daw ako. Parang hindi yata puwedeng mangyari iyon.”

Nakilala rin ba niya nang personal ang ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn?

Sagot ni Yam, “Never ko pang na-meet si Jennylyn in person.

“Kaya nakakahiya nga, kasi hindi ko pa man kilala yung tao, may intriga na pala sa amin.

“I’m sure nagtataka rin silang dalawa kung bakit may ganyang balita.”

SINGLE AND AVAILABLE. Wala raw boyfriend si Yam, at wala rin daw nanliligaw sa kanya ngayon.

“Matagal na akong walang boyfriend, four years na.

“Wala nga ring suitors. Siguro nababasa nila sa mukha ko na hindi pa ako interesadong magpaligaw.

“Gusto ko kasing mag-focus sa trabaho, sa mga opportunities na dumarating sa akin ngayon.

“Kung pakiramdam ko ready na ako ulit magkaroon ng karelasyon, darating din naman iyon.”

Paano kung totohanan siyang pormahan ni Luis? Okey lang ba sa kanya?

“Ang tanong ay kung okey ba kay Luis. Type ba niya ako?” sabay tawa ni Yam.

“Kasi, like what I said, hindi naman kami nagkakausap ni Luis, at hindi naman kami close.

“Hindi ko nga masasabing magkaibigan kami, e. Magkakilala lang.

“Kaya parang hindi mangyayari na pormahan niya ako nang ganun-ganun lang.

“Wala akong ilusyon na mangyayari iyon.”

BUSY WITH HER CAREER. Abala sa kanyang trabaho ngayon si Yam, kaya hindi raw niya naiisip na magkaroon ng boyfriend.

Kakapirma lang niya ng five-year managerial contract sa Viva Artists Agency, at may mga naka-line up nang mga trabaho sa kanya sa 2014.

Katatapos lang din niya ng afternoon soap na Dugong Buhay, kunsaan nabigyan siya ng magandang exposure bilang leading lady ni Ejay Falcon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Yam, “Thankful ako sa ABS-CBN for giving me a chance to be part of Dugong Buhay.

“Nalaman ko nga na malakas pala siya sa TFC [The Filipino Channel], kasi may mga relatives ako na nakakapanood ng series.

“Kahit na galing ako sa isang very bold movie, which is Rigodon [2012], they gave me that role at pinagbuti ko namang gawin.”

Pagkatapos ng Rigodon, isang wholesome comedy movie naman ang sasamahan ni Yam.

“Now, sinabi sa akin na I will be part of the cast of Girl, Boy, Bakla, Tomboy. I will play the girlfriend ng lalaking Vice Ganda.

“It will be my first comedy with Direk Wenn Deramas and my first time din na makasama sa Metro Manila Film Festival.

“Excited ako kasi maganda yung cast, tsaka Christmas day pa ito ipalalabas.”

Nagkaroon din siya ng guest role sa She’s The One, kung saan nakasama niya sa eksena si Dingdong Dantes.

Patuloy pa rin daw ang pagsama ni Yam sa gigs ng kanyang bandang Ursa Minor.

“I still play the drums for the band.

"Kapag hindi tayo busy at may time, I do gigs with them.

“Pambalanse iyon sa akin. Nakakapagod din kasi ang trabaho sa showbiz, kailangan mo rin ng ibang ginagawa.

“When I’m with my band, iba ang feeling ko.

"And when I’m playing with them, masaya ako, kasi I get to still do what I love, which is music.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN