Ai-Ai delas Alas not "emotionally ready" for another relationship

Kung mayroon mang isang bagay na gustong gawin ngayon ni Ai-Ai delas Alas, ito ay ang magbiyahe nang mag-isa. At nasa listahan daw ng mga gusto niyang puntahan ang Roma sa Italia, Taipei saTaiwan, at Bali sa Indonesia.


“Wala yun, wala yun... hindi yun natuloy.”

Ito ang sinabi ni Ai-Ai delas Alas nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lalaking tila nagkakainteres sa kanya.

Matatandaang sa live interview nina Ai-Ai at Marian Rivera sa The Buzz, noong September 29, ibinuko ng Kapuso Primetime Queen na may bago raw inspirasyon ang Comedy Concert Queen.

Paglalarawan pa nga ni Marian sa lalaki: “Guwapo! Malaki ang katawan!”

(Read: Marian Rivera reveals Ai-Ai delas Alas’s new "inspiration": "Guwapo! Malaki ang katawan!”)

Pero nang makausap ng PEP si Ai-Ai sa taping ng ABS-CBN sitcom na Toda Max last week, sinabi niyang hindi na natuloy kung anumang ugnayan sa lalaking ibinuko ni Marian.

Naudlot agad?

“Hindi ako emotionally ready,” pag-amin niya.

Matatandaang naging masalimuot ang pagpapakasal ni Ai-Ai sa non-showbiz boyfriend niyang si Jed Salang.

Nauwi ito sa hiwalayan pagkatapos lamang ng isang buwan mula nang ikasal sila noong Abril 3, 2013, sa Las Vegas, Nevada.

(Read: Ai-Ai delas Alas confirms split from husband Jed Salang; cites physical abuse and third party as reasons)

Matagal pa kaya bago siya maging emotionally ready ulit?

Sagot ni Ai-Ai, “Yung totoo? Yung totoong relasyon? Oo… hindi ko kaya, e.

"Parang nahihilo ako sa nangyari sa buhay ko.

"Parang hindi ko ma-imagine na pagdadaanan ko..."

Pero kung titingnan naman siya ngayon ay tila okay na siya?

Sabi ng komedyana, “Oo, madali naman akong tumayo. Tumayo ha, hindi necessarily na buong-buo, ha!”

Gaano na siya kabuo ngayon?

Sagot niya, "Three-fourth na buo.

“Konti na lang, konting-konti na lang.”



QUOTATION QUEEN. Binibiro rin daw si Ai-Ai ng mga kaibigan na kabisado na raw niya ang quotes and quotations dahil sa pagpu-post niya ng mga ito sa Instagram.

Natatawang kuwento naman niya, “Sa dami kong pinagdaanan!

"Sabi ng mga barkada ko, ’Itong si Ai, sa dami ng pinagdaanan nito, lahat ng quotation, na-memorize na nito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa IG [Instagram] raw, quote daw ako nang quote!

“Si Direk Erick [Salud] nga, ’Ano na naman yun, Martina? Sa dami ng dinaanan ni Martina, na-memorize na niyang lahat ang quotation.’

"Oo nga naman! Na-memorize ko na ang about sa crush, sa peace, sa happiness... lahat na lang!

“Marami ako noon... about kay Lord... lahat na lang.”

EAT PRAY LOVE. Ano ang mga gusto pa niyang gawin sa buhay?

“Gusto kong mag-travel alone,” sagot niya.

Mala-Eat Pray Love pala ang gusto niyang gawin. Hindi pa ba niya ito nagagawa?

“Hindi pa. Try ko, try ko,” sabi niya.

Kung "Love," saan niya gustong pumunta?

“Siyempre, Italy.”

Kung "Pray"?

“Sa Rome.”

"Eat"?

“Sa Taipei, masarap kumain sa Taipei.

“Bali, Indonesia, gusto ko.

"Kaya lang, yung idea na I’ll eat alone, mag-isa lang ako... ita-try ko.”

Pero alam daw ni Ai-Ai na mahirap niya itong magawa dahil sa estado niya ngayon.

“Oo, e, lalo na sa may TFC na bansa. E, halos sa lahat, may TFC."

Ang TFC, o The Filipino Channel, ay ang kumpanya ng ABS-CBN para sa world-wide exposure naman nito.

"Yung wala na lang TFC, sa Bangkok... sa Vietnam wala.

“Try lang, try lang natin once.

"Kapag okay, baka maulit, di ba?”

Ang tanong, papayagan kaya siya ng mga anak niya?

“Lalo na si Sancho, ’Saan ka, Ma?’ ’Taping.’

"Tapos, kunwari hindi ako sumasagot, ’Ma, may date ka ba?’

"’Puwede, nagtatrabaho muna bago date?’

"Di ba, kapag may taping ka naman, hindi ka makakasagot?"

LUI VILLARUZ. Ang isa raw sa nagbigay ng ideya kay Ai-Ai na bumiyaheng mag-isa ay ang actor-TV host na si Lui Villaruz.

Nagkasama sila sa Wansapanataym, at hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin daw sila.

Sabi ni Ai-Ai, “Sa Facebook, sa text. ’Paps, kamusta ka na?’ Para barkada.

"Pero ganun lang, ’Musta ka na, Paps?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas maganda raw na nagsisimula sa friendship ang lahat.

“Tama!” pagsang-ayon niya.

“Siya nga ang nagturo sa akin na alone, alone.”

Hindi kaya samahan siya ni Lui sa sa biyahe niya?

“Hindi. Sabi niya, ’Kailangan alone ka muna.’

"Next tour! Landi-landi ko!” natatawang biro pa niya.

May suggestion din ba sa kanya si Lui kung saan siya dapat pumunta?

“Ang dami niyang sinasabi, pero sabi nga niya, maganda raw sa Indonesia.”

Si Lui ay ang ex-boyfriend ng aktres na si Angel Aquino.

BREAKUPS. Tinanong din ng PEP kay Ai-Ai ang tungkol sa co-star niya sa Toda Max na si Angel Locsin, dahil sa paglabas ng balitang break na sila ng boyfriend na si Phil Younghusband.

(Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.")

Ayon kay Ai-Ai, “Ganun pa rin naman siya. Wala namang nabago.”

Hindi ba niya ito binibiro na "welcome to the club"?

“Sabi ko, ’Totoo ba ‘yan?’

"Tapos sabi niya, ’Ayokong pag-usapan, Ate.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN