Kim Atienza remains unfazed by rare disease afflicting him

Bagamat nakakaramdam pa rin ng pananakit sa binti si Kim Atienza, umaasa siyang tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling matapos dapuan ng Guillain-Barre disease. “My legs are painful, have to move them to get the nerves going. 30 minute light run will do the trick," saad ni Kuya Kim sa kanyang Twitter account ngayong araw, October 25. Ilang araw pa siyang mananatili sa bahay upang magpahinga bago magbalik-trabaho sa It’s Showtime!


Nananataling maganda ang disposisyon ng It’s Showtime co-host na si Kim Atienza sa kabila ng karamdaman nito.

Isang linggo nang absent mula sa ABS-CBN noontime show si Kuya Kim, matapos siyang maospital dahil sa Guillain-Barre disease.

Ayon sa webmd.com, ang Guillain-Barre disease ay isang uri ng autoimmune disorder na bigla na lang umaatake sa nervous system sanhi ng viral o bacterial infection.

Ilan sa nakatalang sintomas nito, ayon pa rin sa health website, ay “muscle weakness, loss of reflexes, and numbness or tingling in your arms, legs, face, and other parts of your body.”

Sa kaso ni Kuya Kim, bigla raw siyang nakaramdam ng panghihina sa kanyang mga binti, kaya’t kaagad siyang nagpa-confine sa Makati Medical Center noong Biyernes, October 19.

Sa kabila nito, tuluy-tuloy ang pag-update ni Kuya Kim tungkol sa kanyang kalagayan, sa pamamagitan ng Twitter at Instagram.

Paliwanag niya, 1 out of 100,000 katao ang ratio ng kinakapitan ng kakaibang autoimmune disorder na ito.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kuya Kim ng larawan ng immunoglobulin, ang medikasyon na siyang nagpabuti raw sa kanyang pakiramdam.

Ito ang caption na kalakip ng naturang larawan: “immunoglobulin will not stop the disease but will stop the symptoms from spreading. so far so good! I’m almost 100% already. I am a blessed man, God is great!”

Dagdag pa ni Kuya Kim, kung hindi naagapan ang kanyang kundisyon, may posibilidad na habang-buhay na siyang hindi makakalakad.

Kaya lubos siyang nagpapasalamat dahil mabilis na umepekto ang gamot sa kanya.

Umaasa rin ang It’s Showtime host na tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling upang makabalik na sa trabaho at iba pang gawain.

“Feeling stronger and much better this morning, thank you so much for all the prayers! will be swimming biking and running again soon. I love you all. #guillain-barresyndrome.”

“Thank you Lord for giving me back my strength. I am strong with your strength. This race of life I offer to you. #guillainbarresyndrome.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base pa rin sa kanyang Instagram posts, apat na araw mula noong maospital si Kuya Kim ay nagagalaw na niya ang kanyang mga binti.

Sa katunayan, panay ang post niya ng larawan kasama ang staff ng Makati Medical Center, na umaasikaso sa kanyang therapy.

“Just finished 20x50 meter run intervals down the hospital corridor. I run because of you Lord! thank you for my feet! #guillainbarresyndrome.”

“Rehab work starts! doing repetitions on the power web to regain lost grip strength. #guillainbarresyndrome.”

Noong Martes, October 22, nakalabas na ng ospital si Kuya Kim.

Ilang araw muna siyang mananatili sa bahay upang makapagpahinga at mabawi ang kanyang lakas.

Saad ni Kuya Kim, sa kanyang Instagram post noong Martes, “So glad to be home to my family, human and non-human. a few days of rest and I’ll be 100% fine#guillainbarresyndrome."

Kalakip ng naturang caption ay ang larawan ng misis ni Kuya Kim na si Fely.


MISSING THE "MADLANG PEOPLE." Sa It’s Showtime kahapon, October 24, ipinalabas ang video message ni Kuya Kim, na dapat sana ay kasamang magpe-perform ni Vice Ganda para sa 4th anniversary episode ng programa.

Sabi ni Kuya Kim, “Sa mga madlang people, alam niyo, gustung-gusto ko sana magpasikat.

"Kaya lang, sa mga hindi inaasahang pangyayari e medyo nandito muna ako sa bahay at nagpapahinga.

"Pero ilang araw lang naman ’to, at makikita niyo rin naman ako sa Showtime.

"Nami-miss ko na kayo, at nami-miss ko na lahat ng kasama ko sa Showtime."

Nanghihinayang daw siya dahil hindi na siya nakasali sa production number na pinaghandaan nila noong linggo bago siya maospital.

Sabi pa niya, "Actually, handang-handa na nga kami ni Vice, at nakapag-rehearse na kami ng ilang beses.

"Dahil gusto ko sanang ipakita sa inyo yung isang side ko na talagang maaaliw kayo at mapapasaya kayo.”



CONTINUOUS THERAPY. Sa ngayon, nakakaramdam pa rin ng kaunting pananakit ng binti si Kuya Kim, ngunit madadaan naman daw ito sa therapy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Kuya Kim sa kanyang Twitter posts ngayong araw, October 25:

“My legs are painful, have to move them to get the nerves going. 30 minute light run will do the trick.

“Today’s mantra: I accept everything Lord. I trust you with all my heart. All is for my good.”

Matatandaang noong 2010 ay sumailalim si Kuya Kim sa heart surgery pagkatapos siyang atakihin ng mild stroke.

Hanggang sa kasalukuyan ay regular pa ring nagpapa-blood test si Kuya Kim bilang parte raw ng kanyang post-stroke check-ups.

Sa katunayan, two weeks ago ay nanggaling din sa ospital si Kuya Kim para sa naturang medical routine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN