Robi Domingo not ready to shift image from wholesome to sexy: “Honestly, ayoko talaga ng nagpapakita ng katawan.”

Robi Domingo has expressed his desire to host a talk show with a different format: “Ayokong mag-stick lang sa mga showbiz-showbiz, kasi gusto ko ng konting analytical, e. Tapos may politics ng konti.”


Walang balak na mag-pose ng sexy sa magazine si Robi Domingo na siyang ginawa ng ibang nagsimula bilang wholesome young actors.

Hindi rin siya naghahanda para sa image na sexy kahit kapansin-pansin na maganda ang katawan ni Robi ngayon, na resulta raw ng regular gym work.

“Nagkaroon na ng offers sa akin na ganyan, pero nag-pass ako,” nangingiting kuwento ni Robi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ayoko kasi ng ano, e… Honestly, ayoko talaga ng nagpapakita ng katawan.

“Hindi lang talaga yung tipo ng… ‘Hoy, may abs ako!’ Yung ganoon?”


FOR MOVIES? Kung hindi siya open sa sexy magazine pictorials, ano ang tingin niya sa roles na medyo daring or sexy?

Paalala niya, “Meron na naman akong ginawang isa, yung sa Kahit Puso’y Masugatan, with Andi Eigenman.

“Love scene talaga! Tapos may torrid kissing scene.

“Kaya sabi ko, ‘Baka ito na yung last na papayag ako na gumawa ng ganitong eksena.’”

Kung isang very challenging role at isang acting vehicle pa, pero daring, halimbawa isang macho dancer, payag ba siya?

Duda pa rin niya, “Feeling ko hindi ko muna masasagot ‘yan ngayon. Ako, focus muna sa hosting, kasi… ewan ko.

“Pero at this point, sobrang lakas kong mag-gym, kasi sa Biggest Loser, nakaka-insecure yung mga contestants, sobrang pumapayat na sila.

“E, kasama ko pa doon si Matteo [Guidicelli] at saka si Iza [Calzado]—lahat, payat na payat at saka maganda ang built ng katawan.”


REALITY SHOWS. Isa si Robi sa Game Masters ng reality competition ng ABS-CBN na Biggest Loser.

Bukod dito, host din siya ng programang I Dare You sa Kapamilya Network pa rin.

“Iba na yung ginagawa namin ngayon sa I Dare You, kumpara noong sina Jericho [Rosales], Iya [Villana] and Melai [Cantiveros] ang hosts.

“Ibang-iba siya ngayon. Dati kasi, everyday show siya, tapos yung parang… ‘Gawin mo ito, bibigyan ka namin nito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, ibang side na ng story.

“Hindi kami ang nagpapagawa ng mga bagay para bigyan ka ng stuff lang, kundi gusto naming ipadama sa iyo—immersion talaga.

“Yung nakikita ninyo sa TV, kahit isang oras o dalawang oras lang ‘yan, yung pinagdaanan ng mga celebrities at ng mga tao doon—one month, two months—talagang immersion.

“Nasa second season na kami at yung tatakbong episodes namin, hanggang January yata kami.”


HOSTING. More than acting, ini-enjoy ni Robi ang pagho-host, at dito ay gusto talaga niya ng isang talk show.

Asam niya, “Sana! Lalo na ngayon na wala na yung SIR [Showbiz Inside Report], wala na yung mga gaya ng E Live [Entertainment Live].

“Gusto ko yung parang Luis-Mariel-Toni,” pagtukoy niya sa mga naging hosts ng dating showbiz oriented talk show na Entertainment Live.

Magkakasama noong mag-host sa Entertainment Live sina Luis Manzano, Mariel Roriguez, at Toni Gonzaga.

“Pero ayokong mag-stick lang sa mga showbiz-showbiz, kasi gusto ko ng konting analytical, e. Tapos may politics ng konti.

“Parang Bottom Line [public affairs show ni Boy Abunda] na E Live. Ganoon yung klase ng talk show na gusto ko.”


IN LOVE. Mukhang inspired siya ngayon. Biro nga sa kanya, iba talaga kapag may special someone.

“Seven months na kami!” sabay ngiti ni Robi, na ang tinutukoy ay ang girlfriend na si Gretchen Ho.

Si Gretchen ay member ng volleyball team ng Ateneo de Manila University, kung saan estudyante din si Robi.

“Ngayon, nasa ano rin siya… yung Philippine Super Liga?

“Iba po yung V League, e,” pagtukoy niya sa unang volleyball league kung saan naglalaro si Gretchen.

“Iba rin yung Super Liga na kasama yung mga Japanese, tapos meron ding Thailand.

“Tapos she’s doing hosting din… aside.”

Totoong matagal na silang magkakilala bago niya ito niligawan at naging sila.

Pagmamalaki niya, “Matagal na. Believe it or not, ano pa… high school pa lang!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, high school pa lang, magkakilala na kami.”

Ibig bang sabihin high school pa lang sila, type na niya si Gretchen?

“Baka baligtad siguro. Siya ang matagal nang may pagtingin sa akin!” sabay tawa niya.


FIRST GIRLFRIEND. Ano ang pambihirang katangian ang nakita at nagustuhan niya kay Gretchen?

“Simple lang siya, iba siya, e. Para sa akin, kahit mag-T-shirt lang siya at saka jeans, mukha pa rin siyang beauty queen.

“Simple lang talaga siya, tapos athletic.”

Gaano katagal niya niligawan si Gretchen?

“Matagal din, siguro mga nine o ten months—ako ang first boyfriend niya.”

Pang-ilan naman si Gretchen sa mga naging girlfriend niya?

“Third, lucky number three naman, e,” sabay ngiti ulit ni Robi.

Is she the one na talaga?

“Sana! Kasi hindi naman ako nanliligaw nang basta-basta lang, e.”


SPECIAL FRIEND. Yun ba ang dahilan kung bakit kahit napapabalitang naging very close sila ni Alex Gonzaga e nanatiling friends lang sila?

Hindi ba niya type si Alex kaya hindi niya ito niligawan?

“Si Alex… iba si Alex, e.

“Alex would have a special place in my heart, pero hindi siya yung romantic type.

“But she has a special place in my heart, doon siya sa very, very close friend.

“Alam mo yung… hindi kami magiging kami, pero malapit, merong friendship.

“Marami kaming common ground talaga, at saka whenever I talk to her… ako, laging nakangiti.

“Ibang mag-isip si Alex talaga.

“Iba sila ni Toni [Gonzaga, elder sister ni Alex], and that’s what I really admire about her.

“Hindi siya yung talagang… paano ba ito? Talagang… ‘Heto ako, diyan ka.’”


WEDDING PLANS. Kung feeling niya, si Gretchen na ang makakatuluyan, mga ilang taon pa kaya bago niya maisip na mag-asawa?

“Dati naiisip ko, mga at the age of twenty-nine or thirty. I’m twenty-four ngayon.”

Five years pa bago niya planuhin mag-settle down?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, hindi ko pa rin masasabi na kailangan by that time, kailangang kasal na ako, kasi marami namang hindi pa kasal ngayon.”

So live-in muna bago ang pagpapakasal?

“Hindi, hindi sa akin okey yung live-in kasi…

“Kailangan for a man and a woman to be together under one roof, kailangan united sila under the sacrament of matrimony.”

Paano kung mainip si Gretchen at gusto nito na mag-asawa na in less than five years?

“Hindi. Nag-usap na rin kami, ayaw rin niya, e.

“She’s twenty-three now, so twenty-eight pa lang siya by that time, kung sakali.

“Basta kailangan, before namin masabi na puwede na kami to settle down e settled muna yung life namin as an individual before we can settle together as a couple.

“Suwerte ako kay Gretchen, kasi marami ang hindi makakaintindi ng line of work ko ngayon.

“Yung ano sa akin is time, mas marami akong pinagkakaabalahan ngayon.

“Kasi wala akong masyadong ginagawa naman sa school. So sabi ko sa handler ko, punuin namin yung calendar ko sa trabaho para masaya.

“And so far, okey naman, kuntento naman ako sa takbo ng career ko ngayon,” ending ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN